Chapter 9 - Reason

442 12 2
                                    

Chapter 9

Matt's POV

Sinusundan padin naming ang taxi na sinasakyan ni Clariss. Huminto iyon sa tapat ng bahay nila. Agad naman itong bumaba at nagmamadaling nagdoorbell.

Hindi pa siya nakakapasok. Maaabutan ko pa siya.

Nagbayad ako kaagad at bumaba ng taxi at tumakbo papalapit sa kanya.

"Clariss!"

Nagulat siya at napalingon sakin. Mas lalo pa niyang binilisan ang pagddoorbell.

Papalapit na 'ko sa kanya ng biglang bumukas ang gate nila. Nagmamadali siyang pumasok. Hindi ko na siya naabutan.

Shit! Lagi niya nalang akong natatakasan.

Nagdoobell ako ng nagdoorbell sa kanila.

"Clariss! Clariss! Papasukin mo 'ko. Let me explain!"

Wala na 'kong pakialam kung sitahin man ako ng mga kapit bahay dito ang importante ay makausap ko si Clariss at makapag explain ako Sa kanya. Kahit na matagal niya 'kong mapatawad handa akong maghantay.

Clariss's POV

Kanina pa nasa labas si Matt. Kanina pa siya doorbell ng doorbell at tawag ng tawag sa akin pero hindi ko siya pinapansin.

"Anak, kanina pa andiyan si Matt hindi mo----"

"Ma, napagusapan na natin yan diba?"

"Sige ako nalang ang kakausap sa kanya."

"Ma please wag mo siyang papasukin."

Tumango nalang si mama at lumabas para kausapin si Matt.

Matt's POV

Nabuhayan ako ng loob sa pagaakalang si Claris sang nagbukas ng gate pero agad din nawala yun ng malaman kong si Tita pala ang nagbukas ng gate.

"Tita, si Clariss po? Tita, papasukin niyo po ako kelangan ko pong magexplain kay Clariss."

"Hijo, mas mabuti pa siguro kung hayaan na muna natin si Clariss. Give her time and space. Kung ngayon mo siya kakausapin ay wala din patutunguhan dahil sa lagay ngayon ni Clariss. Masyadong masakit sa kanya ang mga nangyari. Pabayaan mo na muna siya."

"Pero tita kelangan kong------"

"Hijo mas mabuti pa kung umuwi kana muna. She needs time and space."

"Tita, sorry po. Pero hindi po ako susuko lahat po gagawin ko para lang mapatawad ako ni Clariss."

Tumango nalang si tita at sinarado na ang gate.

Naglakad nalang uli ako paguwi ko sa bahay.

Habang naglalakad ako bumabalik sa isipan ko yung eksena kung pano ako tinulungan ni Arrel na magpanggap at ang dahilan ko kung ba't ako nagpanggap

Flashback...

(Nung unang araw na nagising si Matt galing sa aksidente.)

Pagmulat ko ng mga mata ko sobrang sakit ng buong katawan ko.

"Pare, gising ka na." Pagmulat ko si Arrel kaagad ang nakita ko.

"Ba't ka nandito? Asan ako? Ba't ang sakit ng buong katawan ko lalo na ang ulo ko."

"Pare, nasa ospital ka namin. Nabangga ka daw nung papunta ka sa graduation ng gf mo. Nung nalaman kong nakaconfine ka dito sa ospital namin eh pinuntahan agad kita. Andito si tita kanina, umalis lang dahil may emergency meeting sa company niyo."......... "Malakas ang pagkakabangga ng ulo mo sa windshield ng sasakyan.... buti 'di ka nagkaamnesia?" pabirong sabi ni Arrel. Si Arrel ay matalik kong kaibigan. Doctor siya dito at sila din ang may-ari ng ospital na 'to.

"buti 'di ka nagkaamnesia?" ng marinig ko ang mga salitang yan kay Arrel may nabuong plano sa utak ko.

"Pare meron sana 'kong gustong gawin at alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin."

"Ano yun pare?"

Sinabi ko sa kanya ang gagawin kong pagpapanggap na kunwari ay may temporary amnesia ako at si Clariss lang ang makakalimutan ko. Sa una ay umayaw siya dahil 'di daw ito tama pero sa huli ay napilit ko din siya.

"Bakit? Bakit gusto mong gawin 'to? Hindi mo ba mahal ang girlfriend mo?" takang tanong niya

"Pare hindi ko siya minahal. At ang dahilan kung ba't ko siya niligawan nun ay dahil...."

Flashback in Flashback

Nandito ako ngayon sa ospital binabantayan si Daddy. Na stroke kasi siya dahil hindi na niya kinaya ang problema sa kompanya.

Nalulugi na kami at malapit na itong bumagsak pero hindi nangyari yun Dahil tinulungan kami ni Tito Michael Tan, ang tatay ni Clariss.

"Anak, malaki ang utang na loob natin sa pamilya Tan. Kung hindi dahil sa kanila malamang ay wala na satin ang kumpanya at lubog na tayo sa utang." Sabi ni papa

"Alam ko dad at habang buhay akong magpapasalamat sa kanila sa ginawa nilang pagtulong satin."

"Anak, alam ko na gusto ka ng kanilang anak na si Clariss. Anak, bilang sukli ligawan mo ang kanilang anak, paligayahin mo siya.Ligawan mo siya." Nagulat naman ako sa sinabi ni dad.

"Dad ano bang pinagsasasabi mo? Alam mong hindi pwede may girlfriend ako at mahal ko siya." gulat na sabi ko.

"Anak, para sa akin gawin mo yun. Para naman makabawi tayo sa kabaitang ginawa nila para sa atin. Utang ko sa kanila ang buhay ko. Alam mo anak kung gano ko kamahal ang kompanya natin at kundi dahil sa ginawa nilang pagtulong ay malamang wala na sa atin ang kompanya. Kaya gusto ko sanang bumawi sa kanila. Anak, ligawan mo ang anak nila. Paligayahin mo siya bilang bayad sa ginawa nilang pagtulong sa pamilya natin."........ "Anak, mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ng ate at mommy mo."

"Dad, mahal din kita pero hindi ko alam kung-----" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla nalang nawalanng malay si dad. "Dad! Dad?! Doc! Doc! Nurse! Tulungan niyo kami!" Lumabas ako ng room para humingi ng tulong.

Pero huli na ang lahat.... Namatay si Dad. Kaya ginawa ko nalang ang hiling niya bago siya namatay. Nakipagbreak ako kay Jerrielle ang girlfriend ko kahit na masakit. Niligawan ko si Clariss, at naging kami. Pinilit ko siyang mahalin pero hindi ko talaga magawa. Si Jerrielle lang ang mahal ko.

End of flashback in flashback

Siguro naman nakabawi na 'ko sa 3 yrs na nagsama kami. Alam ko mahal ako ni Clariss pero hindi ko na kaya pang lokohin siya. Hindi ko na kayang pilitin pa ang sarili ko na mahalin ko siya dahil alam kong hindi ko kaya. Ngayon gagawin ako na ang dapat at tama at alam kong etong gagawin ko na 'to ang tama...

"Matagal ko ng gustong makipaghiwalay sa kanya, kumukuha lang akong tyempo. At sa tingin ngayon na ang tamang tyempo. Gagamitin ko 'tong pagkakaaksidente ko. Arrel, sana maintindihan mo 'ko."

"Naiintindihan kita pare. Pero sana alam mo kung ano ang pwedeng maging consequences diyan sa ginagawa mo."

"Alam ko pare. Salamat"

End of flashback

Napakatanga ko dahil hindi ko man lang napansin na mahal ko na si Clariss. Na kaya kami tumagal ng 3 yrs. ay dahil mahal ko siya. Kaya pala galit na galit ako at halos madurog yung puso ko nung nakita ko sila ni Prince na magkasama sa sinehan. Siguro kung hindi lang nabanggit ni Arrel yung tungkol sa amnesia eh hindi pa 'ko magpapanggap.

Alam ko kasalanan ko 'tong lahat at ako dapat ang sisihin.

Pero sana hindi pa huli ang lahat.

Sana mapatawad pa 'ko ni Clariss.

Don't Forget MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon