Chapter 6: Napkin

24 4 0
                                    

Kate POV

Naglalakad kami ngayon, may hihingan daw siya ng ... alam niyo na! hahaha.. nakakahiya talaga sa kaniya.

" hmmp.. mr.pogi anong name mo.. ?"  tanong ko sa kaniya. hindi kopa kasi alam name niya eh. para makapag pasalamat na rin ako noh.

" josh. ikaw?" nakangiti niyang tanong sakin.. hihi~ im so kinikilig talaga sa mga bawat ngiti niya.

" kate."  simpleng sagot ko, wala akong maisip matanong sa kaniya eh.. sobrang nahihiya talaga ako noh!

" teka dyan ka lang huh? lalapitan ko lang yung mga babaenng yun." sabi niya sabay turo sa mga babaeng na sa gym. 

"sige." ayun umalis na siya.

nilapitan niya yung mga babae. Grabe kung kiligin, akala mo parang nililigawan na sila eh. tss, ayun may sinasabi siya dun eh, pero di ko marinig, tinuro niya ko, at nag iba expression ng mukha yung mga babae, pero yung kinausap niya ulit, back to the normal na ulit sila. Umalis yung isa sa kanila, pag balik may ibinigay kay josh, siguro ayun na yun. Ano kaya yung ginawa niya? 

bahala na nga.

" eto na kate. hindi naman mahirap humingi sa mga yun." nakangiting sabi niya sakin.

waaahh !! kinikilig ako, pero parang may kahawig siya ni james?

" salamat talaga!"  

" welcome."

" ah! james-- i mean josh salamat! alis na ako ha? kailangan ko na tong ibigay sa kaibigan ko baka ano na nangyayari dun eh! Byee~~"   at umalis na ko, tumakbo ako ng mabilis papunta sa ladies room.



Josh POV



" ah! james-- i mean josh salamat! alis na ako ha? kailangan ko na tong ibigay sa kaibigan ko baka ano na nangyayari dun eh! Byee~~"   nag mamadaling sabi niya at mabilis na tumakbo.

narinig kong binanggit niya ang pangalang james. Anong ibig sabihin non? kilala kaya niya ang kapatid ko?  huwag naman sana !! 

papunta na ko sa classroom ko, Late na  naman ako!

actually dapat kanina pa ko naka pasok eh.

Flashback

nag lalakad ako ngayon, napatigil dahil may dalawang babaeng nag uusap 

 "aissh.! san ba banyo dito !?"  napaka gandang boses iyon. kaya tinignan ko kung sino iyon,

teka pamilyar ang babaeng iyon ha? saan ko ba siya nakita!?

" be.. h-hindi ko n-na kaya." sabi nung kasama niya na nag pipigil ng ihi niya. 

tumingin siya sa paligid. Lalapitan ko na nga lang mukhang hindi niya alam ang Ladies room, pero bago ko pa siya kalabitin---

"ayun!" AT hinila na niya ang kasama niya.

sinundan ko silang dalawa, tama naman ang pinasukan nilang CR. 

umupo ako malapit sa ladies room. Nakita ko kasi ang babaeng kasama niya na may tagos sa short, kaya mukhang manghihingi siya ng tulong.

End Flashback


tama naman ang hinala ko. At dahil matalino ako, nakausap ko siya.

at naalala ko na kung saan ko siya nakita at nakasama. Hindi ako pedeng mag kamali siya ang babaeng matagal ko ng hinahanap.

at dahil don! late ako!

dirediretso akong pumasok. wala naman pake alam ang teacher na nag tuturo eh, kaya okey lang.

" woah dude! first time na late ah! haha!"  sabi ni jm, barkada ko.

"tss." at umupo na lang at nakinig.

hay nako! ang kukulit nang mga katabi ko. Hindi ko alam bakit wala pa si james. hayaan na nga lang.

ako nga pala si josh Lim, 16 yrd old. kapatid ko sa ama sila lannie at james. Ewan ko ba dun sa lalakeng yun ang tindi ng galit sakin eh! wala naman akong magagawa kung mas favorite ako ng mama niya! wala kasi siyang ginawa kung di makipag bugbugan sa labas. Kasama ako sa gang na meron sila ng mga kabarkada namin, oo barkada niya barkada ko din. Minsan mag kakasama naman kami Kompleto pero hindi niya lang ako pinapansin. Namatay ang mama ko sa sakit na cancer. Pero sa totoo lang nag pakamatay lang siya para kuhain ako ni papa at may makuha ako sa mga ipapamana niya. Kahit kailan hindi ako minahal ng mama ko! masakit man, okey lang, siya naman ang nag sabi eh! wala na kong magagawa. Pero ang kinakatakot ko lang ang lumabas ang sikreto ko. 

" huy! josh nasan kapatid mo?" tanong sakin ni jaylou. Siya ang pinaka close ko sa mga barkada ko.

" ewan." maikling sagot ko.

" grabe dude! alam mo ba kanina kung sumabay ka lang samin, makikilala mo si kate! grabe siya lang yata nakilala kong napaka ganda! crush ko nga siya eh!"  napatingin naman ako sa kaniya. Kilala ko ang tinutukoy niya. 

" sino yun?" agad na tanong ko, alam niyo naman! sempre kailangan ko malaman kung si kate nga ang kinukwento niya.

" josh. alam mo ba? siya lang ang sumabat kay joseph! ang tapang nga niya eh! grabe di ko siya makalimutan!" tangnang yan! sagutin mo na lang ang tanong ko!

" sino nga un?" isa pang ulit ko! susuntukin ko na tong madaldal nato!

" tapos siya na nga tong suwerteng hinawakan ni joseph---" 

" punyeta ka naman! kanina ko pa tinatanong kung sino yang kinukwento mo eh!!" sinigawan ko na. kanina pa sabat ng sabat eh.

" ano na naman yan josh? jaylou?" seryosong tanong samin ni luke. tinignan niya kami ng masama. takot ko lang sa lalaking to! tumahimik naman na ako.

"ingay mo kasi eh." pabulong na sabi ng lalake na toh .

tss.

natapos ang breaktime at klase namin. napag decision  naman ang barkada na mag punta sa mall, libre daw ni lowee. 

pero di na ko sumama. Pagod na kasi ako eh.



----------------------------------------------------------------------------

I think I'm inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon