My Dubsmash Queen

15.2K 231 77
                                    

I'm so in love with her.

Alam naman nating lahat na maganda si Maine 'di ba? She's funny. At sobrang witty.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin at nagustuhan ko siya. Siguro kasama na dun yung mga panunukso nila sa'min na sobrang sinakyan naman namin. She's not my type. Pero bakit gano'n? Minahal ko siya ng gano'n kadali. Kahit kay Louise di ko naramdaman yung gano'ng attraction.

Maniniwala na ba talaga na may forever?

"Alden, I mean di ko na kaya. Yung kasikatan mo, it invades our privacy!!" Naaalala ko yung time na ang mga salitang yan ehh lumalabas sa bibig ng ex-girlfriend ko. She don't like the lights.

"Anne, bago pa naging tayo, artista na ako. In-assume ko na matatanggap mo ako bilang artista. At alam ko mai-invade yang privacy mo." Sagot ko.

"Alden!! Stop it! You're not making sense!"

"Alam mo ito ang pangarap ko, Anne, bago pa naging tayo. Alam mo yan! Anne, please understand me. I don't want to lose you either."

"Mamili ka, ako o yang pangarap mo?"

I'm not supposed to choose. Parehong importante yung relasyon namin at ang pangarap ko. Ang inisip ko na lang, kung mahal niya talaga ako, maiintindihan niya na kahit anong mangyari, di niya ako iiwan. At ayun, alam niyo na ang pinili ko.

Alam kong masyadong selfish yung pinili ko pero alam kong di niya talaga ako mahal dahil kung mahal niya ako, di aabot sa gano'n yung nangyari, na papipiliin niya ako sa kung anong mas importante.

I tried to audition sa iba't ibang artista search, PBB, which hindi ako umabot sa final cut. Even sa StarStruck. Kahit na lumalabas na ako na ibang commercials, I didn't settle for less. Pero once nagkaroon ng audition para sa Alakdana, I grabbed the chance at nakuha ko yun. At yung yung naging big break ko.

****

He's my crush ever since.

Grabe, sino ba namang hindi magkakagusto sa isang Alden Richards? Gwapo, mabait, tapos maalalahanin pa. OMG!! I mean, sobrang nakakakilig yung presence niya pa lang.

Pero di ko din ine-expect na aabot sa pagmamahal yung feelings ko para sa kanya. Yung inaakala kong hanggang on-screen kilig ehh inabot na ng totoong buhay, na mas nakakakilig talaga.

Tulad niya, heartbroken din ako. Yung alam mo yun, yung 'di ka kayang ipaglaban ng taong mahal mo. Sobrang nakaka-frustrate.

"Maine, parang di ko na kaya. Magkaiba tayo. Mayaman ka, mahirap lang ako. 'Di ko talaga matanggap yung panglalait ng pamilya mo sa'kin. Alam mong nagsisiskap ako para sa'yo." Sabi ni Dexter, yung ex-boyfriend kong mabait, sobrang mapagmahal. Ang siste eh di siya gusto ng pamilya ko. Masipag siya, lalong lalo na sa school. Matalino pa. Pero ayaw talaga ng pamilya ko sa kanya ng dahil lang sa mahirap siya.

"So, anong gusto mo? Iiwan mo ako dahil ganyan yung nararamdaman mo?! Dahil nasaktan yang ego mo?! Dexter isipin mo, nasasaktan din ako sa mga sinasabi ng pamilya ko sa'yo. Pinaglalaban kita sa kanila. Sinasabi ko lahat ng maganda sa'yo tapos sususkuan mo ako?! 'Tang ina, Dexter! Ganito ba gusto mo?!" Sabi ko habang yung luhang matagal ng hindi tumulo ehh umagos na. Masakit yun. Yung susukuan ka ng taong mahal mo. Sobra.

"Mahal kita, Miane pero 'di ko kayang yinuyurakan lang ako." Sagot niya.

"'Tang ina naman ohh! Dexter, ego lang yang mawawala sa'yo. Unless gusto mo na akong mawala?!" Pagalit na sabi ko. Alam kong hindi niya na ako mahal. Alam ko at nararamdaman ko. Hindi naman ako tanga o manhid para hindi ko maramdaman yun.

My Dubsmash Queen (Wattys2015, My Everything Short Stories Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon