6 months later...
"Alden, alam mo namang ayokong kumakain niyan di ba?!" Iritableng sabi ni Maine sa'kin. Kabuwanan niya na ngayon at lalong umiinit ang ulo niya sa tuwing ayaw niya ng kinakain niya.
"Sorry na, babe. Ano gusto mo?" Paglalambing ko.
"Bilhan mo ako ng ice cream." Pangiting utos niya. Nagningning ang mga mata niya sa pagngiti ko.
"Sige, anong flavor, my queen." Tanong ko. Weekends ngayon at di muna ako pumunta para sa shoot ko every Sunday liban sa Eat Bulaga. Di na gaanong hectic ang sched ko kasi ininform ko yung manager ko na I want to take good care of Maine until makapanganak siya.
"Uhm... Brazo de Mercedez? Yung lasang leche flan."
"Huh? Meron ba nun?" Tanong ko. Merong nga bang ganong flavor?
"Kaya nga hanapan mo ako, di ba?" Patawang sabi niya.
"Naku, babe. Mukhang mahihirapan ako maghanap niyan pero para sa'yo kahit sa buwan ko pa kunin yang ice cream kukunin ko yan. Love you, beh."
"Tse! Dali na umalis ka na." Palambing na pagtataboy niya sa'kin.
Nang palabas na ako ng bahay, bigla kong narinig na nagsisisigaw si Maine.
"ALDEEEEEEEEEEEEN!!! YUNG TIYAN KO!!! MANGANGANAK NA AKO!!! ALDEEEEEEEEN!!!" Sigaw niya.
Nagmamadali akong tumakbo sa sala kung san siya nakaupo.
Pawis na pawis ang mukha niya. Kanina pa pala nananakit ang tiyan niya. Ang akala niya ehh gutom lang siya, yun pala manganganak na siya.
Natataranta ako sa mga ganitong sitwasyon. I'm not used with this kind of scenario. Di ako sanay.
Kailangan ko ba na siyang dalhin sa ospital? Ano bang dapat kong gawin? Kinakabahan ako para sa anak namin at para sa asawa ko.
"Babe, masakit ba?" Natatarantang tanong ko.
"Tarantado ka ba? Natural kaya na ako nagsisisigaw eh!! Yung kotse bilisan mo ang sakit na ng tiyan ko!" Galit na sagot niya. Ako namang tanga, nagtanong pa kasi.
Dali dali ko siyang inakay pasakay sa sasakyan. Sinakay ko sa backseat.
"Alden, bilisan mo! Sobrang sakit na oh! BILIS!!" Sigaw niya.
Tumakbo ako at sumakay sa driver seat. Agad kong pinaandar ang kotse.
Halos maiyak na siya sa dinadaing nyang pananakit ng tiyan. Well, obviously mahirap pala talaga manganak. You'll be carrying the child for nine months tapos pag ilalabas mo na ang hirap. Naku!
Almost sampung minuto lang ng makarating kami sa ospital. But before we arrived at the hospital, abot abot na mura ang natanggap ko. Siguro sa sobrang sakit na din ng tiyan niya kaya niya nagawang magmura.
Nang makarating kami sa ospital, idineresto na si Maine sa emergency room. Wala na akong pakialam kahit ang daming taong lumalapit sa'kin para makipag-selfie. Wala akong panahon para maging isang Alden Richards. Nasa ER ang asawa ko at hirap na hirap ang itsura niya.
Ayoko siyang nakikitang nahihirap. Period.
Naisip ko tuloy na ayoko na siyang bigyan ng anak. Pero nung nag-uusap kami, gusto niya ng dalawang anak, isang babae at isang lalaki.
Balisang balisa ang itsura ko. Naalala ko na kailangan ko nga palang tawagan ang mama ni Maine.
I dialled mom's number. Ilang segundo pa ay may sumagot.
"Mama, hello po. Si Maine po nasa ER na, manganganak na po."
"OH MY GOD!! Wait papunta na kami diyan! Diyos ko po!" Sabi ni mama sa kabilang linya na halatang nataranta din sa narinig niya.
BINABASA MO ANG
My Dubsmash Queen (Wattys2015, My Everything Short Stories Series)
Short StoryThis is an alternate universe. Alden and Maine's character and other characters' roles are not real and not what and who they are in real life. This is a fan fiction. Highest Ranking: No. 2 in Short Story and a Wattpad Featured Story on Filipino Sho...