The First Meeting

1.7K 32 4
                                    

Maybe we found love right where we are...

 Kinakabahan na ako. Maliban sa wildcard na ng Bulaga Pa More, magkikita na kami ni Alden ngayon. This will be the first time na magkikita kami. Oh my gosh, kinakabahan na ako. Sana di ako magkalat mamaya.

 "Okay ka lang, Maine?"habang mine-make-up-an siya. Mamaya, Lola Nidora na ang itsura niya.

 "Ahm. Kinakabahan ako po ako eh." Sagot ko.

 "Naku, Yaya. Kaya mo yan. Naniniwala ako sa'yo." Sagot ni Kuya Wally bilang Lola Nidora.

 Natawa ako.

 Medyo nagkakagulo na sa dressing room. Kailangan ready kami on time kasi bawal pumalya lahat ng plano. Na-reherse na din kung blocking, pagtakbo ko, pagtakbo ni Alden (although, nag-reherse yung eksena ng hindi kami nagkikita) at pati mga props inayos na din.

 May napansin lang ako. Bakit may nakasabit na plywood sa backstage?

 Ay naku, wala na akong time mag-isip. Kinakabahan na lang ako sa mangyayari.

 Feeling ko, simula ng tinukso na ako nila Kuya Jose at Kuya Wally kay Alden, parang hindi na kilig yung nararamdaman ko. Parang lumalalim. I don't like this kind of feeling. Nasa proseso pa ako ng pagmu-move-on kay Dexter.

 I checked my social media accounts. Wala pa eh, di pa nagsisimula yung Eat Bulaga at heto, trending na ang #AlDubBattleForACause sa Twitter. Woooohoooo! Iba talaga ang power ng AlDub Nation!! Nakakatuwa.

 Simula din ng lumabas ako sa Eat Bulaga, dumami ang followers ko sa Twitter at Instagram, pati na din sa Vine. Pati sa website ko ang dami na ding nagmemessage. Lahat sila natutuwa sa'kin.

 Sobrang nakakataba ng puso na may mga taong tatanggapin ka kahit mukha kang tanga. Pero, ako naman kasi nagpakatotoo lang. Lahat naman ng Dubsmash vids na nakita niyo sa Facebook at Youtube eh ako yun. Yung talaga ako. Yung Maine na makulit. Masayahin.

 "All set na ba?! Ready guys, magsisismula na!" Tawag ng floor manager.

 Lalo akong kinabahan. Juice colored! Sana di ako magkalat!

 "You can do this Maine!" Bulong ko sa sarili ko.

 Nagsimula na ang regular programming. Eto na. Let's get it on!!

 ****

 OH MY GOLLY!! Kinanta ni Alden yung favorite Justin Bieber song koooooooooo!!! Nag-freak out talaga ako! Kinanta niya ang All Around The World!! Juice Colored! Mamamatay na ata ako sa kilig!!

 Although hindi ako nagpahalatang kinikilig ako (as a belieber at bilang crazy fan girl ni Alden), ngumiti ako. Nakatutok sa'kin yung camera.

 Grabe ang tilian at sigawan sa studio. Nakakaloka. Super napi-freak out yung mga babae of all ages sa bawat galaw ni Alden.

 And it made me think one thing. I want to cuddle Alden because he's such an adorable stud. Ugh!

 Nagpalakpakan ang lahat. May halo pang tilian ng matapos si Alden na mag-perform. Magaling, Alden. Pero di ako magpapatalo sa'yo!

 "You ready, Maine?" Tanong ni Kuya Wally.

 "Yes, kuya!" Sagot ko.

 Nagsimula na.

 Bumaba na kami ni Lola Nidora sa van at tumungo sa studio.

 Ang aking mga plus-sized na assistants eh tinutulungan akong makaakyat sa stage.

 At here we go...

 Itinodo ko na ang performance. Go, go, go!! Kaya ko to.

 Lahat na ata ng wacky faces nagawa ko na. At medyo mahaba din ang performance ko. Binuhat pa nila ako, nag-drums din, sumayaw at kung ano ano pa.

My Dubsmash Queen (Wattys2015, My Everything Short Stories Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon