God Gave Me You

2.3K 35 1
                                    

Ngayon ang premiere night ng movie namin. Almost a year din ang ginawang pag-aayos, shooting, editing. Sa wakas, ang first movie naming ni Maine ay inilabas na!

Sobrang daming tao sa sinehan. Almost lahat ng chapters ng AlDub Nation ay nandun para suportahan ang movie namin.

May mga celebrity din na pumunta. Pati ang buong Dabarkads ng Eat bulaga ay kasama din na manonood.

Siyempre, di mawawala si Lola Nidora.

Since premiere night, formal ang theme.

I was wearing a black long-sleeves shirt, a black tux na gawa ni Mr. Francis Libiran na gumawa din ng suot ko nung kasal namin.

Pero bago ako pumunta sa Mall of Asia kung saan unang ipapalabas ang God Gave Me You ay sinundo ko muna si Maine sa bahay nila. Kasama niya ang kapatid niya at si Mama.

"Alden! You look handsome tonight!" Ani ng mama ni Maine, na mother-in-law ko.

Actually, di pa talaga kami officially nagsasama ni Maine sa isang bahay. Sabi niya eh sa mother niya muna siya. Balak naming pagkatapos ng movie eh saka na kami tutuloy sa bahay na binili ko para sa kanya.

"Thank you, mama!" Sabi ko habang palapit akong yumakap sa kanya.

"Where's Maine?" Pasunod na tanong ko.

"Nag-aayos pa. Sorry kasi medyo na puyat yun, sa sobrang excitement na mapanuod yung movie." Sabi ni Mama.

"Oh. Teka Mama, yung kapatid ni Maine? Nasaan na?" Tanong ko.

"Kasama ni Maine, nag-aayos din. Don't worry, son, malapit na din silang matapos."

Naghintay ako ng mga labinlimang minuto. After I thought, a forever, lumabas si Maine.

Parang nalaglag ang panga ko sa pagkamangaha sa ganda niya.

She's wearing a pink serpentina gown. Her hair was pulled in a bun. Strands of hair are falling on her face. She look so beautiful. Stunning.

At ang kilig na lagi kong nararamdaman sa tuwing makikita ko siya ay nararamdaman ko. Sa mga nigiti niya. Sa bawat sulyap niya. Sa bawat nota ng tinig niyang napakasarap pakinggan.

Para akong teenager. Sino ba naming di kikiligin sa kanya?

"Hi, Alden!" Bati niya sa'kin.

Hindi agad ako nakasagot. I was stunned by her beauty. My jaw literally dropped by just looking at her.

"Alden? Are you okay?" Tanong niya.

I shook my head. "Uhm yeah. Okay lang ako."

"You look beautiful tonight, Maine." Sabi ko.

Dahan dahan siyang lumapit sa'kin. Niyakap niya ako at inilapat ang mga labi niya sa labi ko.

I suddenly felt the spark. Hindi ako makagalaw. I can't even respond to her kisses.

She forced her tongue inside my mouth. It was urgent. I felt so invaded by her kiss.

I was caught off guard. Alam ni Maine ang weakness ko. Ang halik niya.

Nang bumitaw siya sa halik, nakatitig siya sa mga mata ko.

"Alden, I love you." Sabi niya.

"Mahal din kita, Maine. Kahit kailan di kita ipagpapalit sa kahit anong yaman sa mundo. Ikaw lang ang babaeng sobrang minahal ko ng ganito."

It feels like throwback ang mga sinasabi ko sa kanya. But that's what I feel. Ganun ko siya kamahal. Paulit-ulit kong sinasabi sa kanya kung gaano siya kahalaga sa buhay ko.

"I know. You even told me those things a million times. Pero kahit ilang milyong mo mang ulit-ulitin sa'kin ang mga salitang yun, di ako magsasawang pakinggan yun. Dahil yun ang mga bagay na bumubuhay sa'kin. I would live in a dysfunctional life without you, Alden." Sambit niya.

Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko. Kinikilig na naman ako at ang tanging nagawa ko lang ay ang ngumiti sa kanya.

"Shall we go?" Istorbo ng mama ni Maine.

"Sige po." At sumabay sila sa'kin sa kotse ko.

***

Nang makarating kami sa Mall of Asia, sobrang daming tao. Pag dating nung sinasakyan naming kotse nagsigawan na lahat ng tao. Maraming hindi nakapasok sa loob ng sinehan, yung iba nakatayo na para lang makapanuod ng premiere night ng God Gave Me You.

Maine and I were overwhelmed sa pagtanggap ng tao sa'min bilang love team, na ngayon ay real life couple na. Maraming nagpapapicture, maraming ding bumabati sa'min at kino-congratulate ang future success ng movie. Even mga celebrity ng ABS-CBN ay nanood din ng movie.

Isa talaga to sa mga pinakamatagumpay na parte ng buhay ko. Bukod na sa maganda ang takbo ng career ko, kasama ko pa si Maine. Wala na talaga akong mahihiling pa.

As usual, ang theme song ng movie ay God Gave Me You.

The story was rich. Napakaganda ng story. Kahit ako kinikilig ako sa mga scenes na ginawa namin.

So yung movie ay about sa isang babaeng NBSB na nangangarap na magka-boyfriend, na ginampanan ni Maine. Her character was a crazy, happy-go-lucky girl. And my character was a sophisticated rich guy. Also, my character is a guy na naghahanap din ng pagmamahal. Arthur (my character) ay ulila sa ina. Sa tulong ng yaman ng mga magulang niya, matagumpay niyang naipatayo ang kumpaniyang pag-aari ng mga ito. Samantalang si Ariana (Maine's character) ay isang probinsyang NBSB pero kwela, makulit, at masayahin, parehong-pareho sa tunay na buhay. I was in love with the characters na to the point na kahit nasa bahay ako, nagbabasa ng script eh umaasta na akong parang si Arthur. Nagtataka tuloy si mama sa mga kilos ko.

Ang daming puyat at pagod ng inabot namin ni Maine. I even got sick several times ng dahil sa pagpupuyat.

Pero masasabi kong worth it naman ang lahat. Nakikita kong magiging super successful ng movie.

Sa premiere night, makikita mo na parang celebrity gala ang dating. Puro mga celebrity na nagpapatalbugan sa mga suot nilang designer dresses.

Maine and I were fascinated sa mga nakikita naming. Every people were cheering.

Nang nagsimula na ang movie, tumahimik na ang lahat.

Mahigpit ang hawak ni Maine sa kamay ko. Halatang kinakabahan siya.

"Babe, okay lang yan. Everything's gonna be alright, okay?" Bulong ko sa kanya.

"Paano naman ako di kakabahan eh first time kong makikita yung pagmumukha ko sa big screen!" Pabulong na sabi niya.

Nagpatuloy ang pelikula. Sa bawat kilig scenes na nakikita ng tao ay nagtitilian sila.

It made Maine and I laugh. Biro mo yun, yung dating pagpapa-cute ko lang sa harap ng camera eh naging true life at sobrang kinagat ng tao?

After the movie, nagpalakpakan lahat at nagsisigawan. Iba sa kanila ay naiyak pa sa tuwa. Kahit ako, mixed emotions ang naramdaman ko sa movie, di ko ine-expect na ganun kaganda yung movie.

This the most awesome day of my life. At ngayon, tapos na ang movie, pwede nang tumira si Maine sa bahay naming.

Eto na, ang forever.

My Dubsmash Queen (Wattys2015, My Everything Short Stories Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon