Janet: Part I

1.3K 24 2
                                    

I don't know what to say. Nung nalaman kong ikinasal na si Tisoy sa babaeng nagda-Dubsmash, parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hinihintay ko lang siyang bumalik hanggang sa maayos niya ang sarili niya, hanggang sa matupad niya ang mga pangarap ng kanyang ina para sa kanya. Pero bakit ganun, lumalabas na ako ang bitter, samantalang ako ang nauna.

Umalis ako ng Pilipinas ng makipaghiwalay sa'kin si Alden ng dahil lang sa gusto niyang bigyan ng priority ang pamilya niya. Na gusto niyang mag-focus sa pamilya niya at hindi na niya ako mabibigyan ng panahon at magiging unfair daw yun sa'kin. Pero sa totoo lang, ayokong makipaghiwalay sa kanya. That time, I was so devastated. Parang hindi ko kakayanin na wala siya sa tabi ko. Pero tiniis ko. Tiniis kong hindi siya makasama ng halos limang taon. Ang buong akala ko ay babalik siya at itutuloy namin ang nasimulan namin pero bakit may iba na siya? Bakit ipinagpalit niya ako sa babaeng kailan lang niya nakilala?

That should be me. And I want Alden back in my arms. And I'll do everything to win him back to me. I promise that.

****

"Janet, may sasabihin sana ako sa'yo." Sabi ni Alden habang lumuluha. I hate to see Tisoy cry. Ayoko siyang nasasaktan. Pero mama niya ang namatay. Okay lang naman siguro yun na masaktan ka, na mag-mourn ka kasi wala na yung isa sa mga babaeng sobrang mahal mo. Na yung taong nag-alaga sa'yo at unang nagmahal sa'yo ng totoo. Na wala na ang first love mo. Masakit yun. At gusto kong iparamdam kay Alden na nandito lang ako para sa kanya.

"Ano yun, Tisoy?" Tanong ko.

"Gusto ko bigyan ng priority ang pamilya ko. At ngayong wala na si mama, kalangan kong ituon ang pansin ko sa kanila. At nag-aalala akong di kita mabigyan ng panahon. Magiging unfair sa'yo yun."

"Nakikipaghiwalay k aba sa'kin, Richard?" Tanong ko. Ayoko mang isipin yun pero yun ang nais niyang iparating. Hindi pa siya sumasagot, parang gusto ko ng umiyak.

Tumango siya.

Tumulo ang luha ko. Sobrang sakit. Bakit kailangna niya pang makipaghiwalay. Dahil lang ban a gusto niyang mag-focus sa pamilya niya? Na ayaw niyang maging unfair sa'kin. Eh ano to, unfair na to sa'kin? Bakit? May nagawa kaya akong mali?

"Bakit Richard? Kailangan ba talaga nating maghiwalay?" Mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya. Naiisip kong ng walang patutunguhan to. Alam ko ng disidido na siyang kumalas sa'kin.

"Mahal kita Janet, pero ayokong maging unfair sa'yo." Sabi niya.

"Kung yan ang gusto mo. Pagbibigyan kita." Sabi ko habang hawak niya ang mga kamay ko.

Tumayo ako para umalis. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako anumang oras.

Nang makalabas ako, napaupo ako sa tinatatayuan ko. Ni hindi ko na kayang humakbang. Nanghihina na ako. Hindi ko kayang mawala si Alden sa'kin. Hindi ko kayang pakawalan yung taong minahal ko ng sobra na halos buong buhay ko binigay ko. Masakit.

"Richard... Bakit?" Bulong ko sa sarili ko. Bakit ba kailangan niya pa akong hiwalayan kung pwede ko naman siyang suportahan sa lahat ng gusto niyang gawin?

Bago pa makipaghiwalay si Richard sa'kin, may offer ng naghihintay sa'kin sa Canada. Gusto akong kunin ng tita ko para mag-trabaho dun bilang nurse sa isang ospital na pinagta-trabahuan din niya. Head nurse ang tita ko dun. Ayoko sanang pumunta dun kasi maiiwan ko si Richard per ngayon na wala na kami, maganda na itong pagkakataon para makalimot, para mawala sa puso't isip ko ang mga nangyari.

Babalik ako para makasam uli siya. Sana mahintay niya pa ako. Alam ko naman mahal na mahal niya ako.

****

My Dubsmash Queen (Wattys2015, My Everything Short Stories Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon