At ngayon kasama ko na si Alden sa bahay namin. I mean, yung binili niya para sa'ming dalawa. Dito na kami titira. Napagdesisyunan na din ni mama na huwag ng sumama sa'min. Sabi niya kailangan daw naming ng privacy. Okay lang naman din sa'kin at kay Alden na dun muna or dun na siya tumuloy pero ayaw niya, bibisita na lang daw siya. Although malungkot kasi wala si mama, okay lang kasi time by time ay bibisita naman siya. Saka malapit lang naman ang bahay namin sa bahay ni mama.
After the movie, lumipat na agad kami ni Alden sa bagong bahay. I was excited that time.
And the good news is, buntis ako, 3 months na.
Partida, wala pa kaming formal honeymoon niyan huh.
Masaya ako. Kasi makakabuo na ako ng sarili kong pamilya, kasama ang taong pinakamamahal ko.
"Honey, luto na ba yang niluluto ko?" Tanong ni Alden habang nakayakap sa likuran ko. Naamoy niya kasi ang niluluto kong kaldereta ng sobrang paborito niya.
"Yeah. Saglit na lang to. Ayusin mo na yung table para pagdating ni mama eh kakain na lang tayo."
Inayos ni Alden ang mesa at sabay ding natapos ang niluluto ko. Ihinain ko yun at tumunog ang door bell.
Tumungo ako sa pinto at binuksan ko iyon. Si mama na siguro yun.
Nang buksan ko ang pinto, hindi ko inaasanhang si Anne pala yun, ang ex-girlfriend ni Alden.
"Hi, Maine! Kamusta na?" Tanong nito. Nakangiti ito sa'kin.
Hindi ko gusto si Anne pero hindi naman ako nagseselos sa kanya kasi alam ko namang ako lang ang "bae" ni Alden.
Nagulat ako. "Oh. Okay naman. Pasok ka muna."
Ngumiti ito. "Hindi na. Actually, dumaan lang ako, dito pala yung bago niyong bahay. May ibibigay lang sana ako sa'yo, wedding gift ko sa iyo."
Inabot ni Anne ang isang bagay na nakabalot ng silver na gift wrapper. "Salamat Anne!"
"Yan yung librong sinulat ko about sa buhay ko. Kasama diyan si Alden siyempre. Lahat ng trials ko na pinagdaanan andiyan din. Sana magustuhan mo." Pangiting paliwanag niya.
"Oo naman! Salamat huh. Sigurado kang bang hindi ka na papasok sa loob, andun si Alden. Baka gusto mong batiin?"
"Hindi na. Nagmamadali din kasi ako kasi may pupuntahan pa ako. Dumaan lang talaga ako. Oh sige, mauna na ako." Pagpapaalam niya.
"Next time ulit huh, dalaw ka dito. Bye!" Sabi ko habang ihinantid ko siya ng tingin palabas ng gate.
Pumasok ako sa loob. Nakita ni Alden ang dala ko.
"Oh akala ko si mama na yun? Sino yun at ano yang hawak mo?" Pag-uusisa niya.
"Si Anne yun. Napadaan lang daw. Saka inabot niya na din yung wedding gift niya sa'kin. Yung libro na sinulat niya." Sagot ko.
"Oh, okay. Si mama, what time daw dadating." Pag-iiba niya ng usapan.
"Ewan ko lang. Wait, tatawagan ko."
Ida-dial ko na sana ang number ni mama ng may kumatok sa pinto. Baka si mama na yun.
Tama nga hinala ko, si mama nga.
"Mama! Ang tagal mo naman. San ka pumunta?" Tanong ko.
"May dinaanan lang. Oh eto nga pala, para kay Alden." Inabot ni mama ang isang box na balot ng gift wrapper.
"Hala ma! Yung akin, nasaan?"
"Ano ka ba, binigyan na kita ng wedding gift, 'di ba?" Sagot niya.
BINABASA MO ANG
My Dubsmash Queen (Wattys2015, My Everything Short Stories Series)
Short StoryThis is an alternate universe. Alden and Maine's character and other characters' roles are not real and not what and who they are in real life. This is a fan fiction. Highest Ranking: No. 2 in Short Story and a Wattpad Featured Story on Filipino Sho...