"Ma, san na naman ba nagpunta si Richard. Baka mawala yun. Ang daming tao sa labas oh. Andiyan daw si Alden. Na-admit na din yata si Maine, dito din sa ospital na to. Manganganak na ata." Sabi ni Diane na nakahiga sa isang hospital bed habang nagba-browse sa kanyang cellphone. Na-confine si Diane dahil sa kidney stone niya.
Siya si Diane, isang die-hard Aldenatics at isang masugid na AlDub fan. Simula nung day 1 ng tambalan eh sinubaybayan na niya talaga ang phenominal love team. Kahit sa mga concert ni Alden pumupunta siya. Kahit pati din sa set ng mga movies nila ni Maine ay present siya. Isa din siya sa officers ng AlDub | MaiDen Nation Quezon City Chapter. Unfortunately nagkasakit si Diane nung college siya. Dahil natakot siyang magsabi sa pamilya, itinago nya ang sakt niya sa pamilya ng ilang buwan hanggang sa lumala.
Medyo hirap na din siya sa paglalakad kaya nakaratay na lang siya. Maaari pa naman din daw siyang gumaling kung tuloy tuloy ang pada-dialysis pero yun na nga ang problema nila. Wala silang sapat na pera para sa pagpapagamot niya. Humingi na din sila ng tulong sa City Government ng Quezon City at sa mga pulitiko, pero di pa iyon sapat para sa mga session niya ng dialysis. Kaya ang kanyang kapatid na nakatatanda at ang kanyang ama, doble ang kayod para mapagamot ang dalaga.
Nakapagtapos naman ng college si Diane kaso hindi na siya nakapasok sa kumpaniyang in-apply-an niya dahil na din sa sakit niya. Sobrang na-depress ang dalaga kasi gusting gusto niyang makatulong sa pamilya niya lalong lalo na nanay niyang buong buhay na nagpakahirap para lang mapaaral siya.
Pero heto siya, nakaratay at may sakit. Nasasaktan siya pag nakikita niya ang kanyang pamilyang nahihirapan ng dahil sa kanya.
"Babalik din yun. Inutusan ko lang bumili. Malaki na ang kapatid mo. Kaya na niya yun. Diyan lang naman yung botika eh." Sabi ng kanyang inang nangangalumata na sa puyat sa pagbabantay sa kanya.
"Ma! Ano ka ba, andaming tao sa labas. Baka mapaano yun si Richard!" Pag-aalalang sabi ng dalaga.
Nag-aalala na si Diane. Baka maipit yung batang yun sa mga nagkakagulong fans. Kung may lakas lang din siya, siguradong kasama din siya sa mga nagkakagulong fans.
Nagulat na lang si Diane ng biglang kumalabog ang pinto.
"ATE!" Sigaw ni Richard. Nagulat ang kanyang in at si Diane sa biglang pagpasok ng bata.
"Diyos ko, Richard! Ano bang pinaggagagawa mo? Bakit ba hinihingal ka at nagmamadali ka diyan? May humahabol ba sa'yo huh?! Batang ito talaga!" Sayaw ng kanyang ina.
Hindi na sumagot si Richard at dumiretso sa kama ng kanyang ate.
"Ate, nakapagpa-autograph ako kay Alden! May selfie pa kami oh!" Pagyayabang ng bata habang Ipinapakita ang gusot gusot na papel na may autograph ni Alden at yung cellphone na may picture nila ni Alden.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga! "Oh my gosh, Richard! San mo nakuha yan?"
"Nadaanan ko po siyang nakaupo sa gilid. Sa kabilang building. Andun po siya. Alam ko naman pong gustong gusto niyo siyang makita kaya nanghingi na din ako ng autograph. Pumuslit lang ako dun sa pinto kais ayaw magpapasok nung guard." Natatawang kwento ng bata.
"Sabi pa ni Alden, pupuntahan ka daw niya dito, bibisitahin ka daw niya! Ate, makikita mo na siya!" Lalong nanlaki ang mga mata ni Diane, nagulat siya.
"Ano ba Richard! Pinaaasa mo naman yang kapatid mo!" Saway ng kanyang ina.
"Hindi ma, si Alden talaga yun. Pupunta siya mamaya dito!"
Ilang minuto pa ang lumipas, may nurse na pumasok sa kwarto.
"Andito po ba si Richard. May naghahanap sa kanya sa labas." Tanong ng nurse.
BINABASA MO ANG
My Dubsmash Queen (Wattys2015, My Everything Short Stories Series)
Short StoryThis is an alternate universe. Alden and Maine's character and other characters' roles are not real and not what and who they are in real life. This is a fan fiction. Highest Ranking: No. 2 in Short Story and a Wattpad Featured Story on Filipino Sho...