CAPITULO 46 – While She's Out
KENA'S ROOM WAS A MESS.
Madilim din. She was sensitive to light. She became aggressive whenever she was exposed to even the slightest bit of light.
Nagagalit siya, nagwawala, at nagpupumiglas. Hindi iyon puwede, dahil tuwing sinusubukan niyang makawala sa pagkakatali, lalo lamang siyang nasasaktan.
Nasa sofa ako nakaupo, nakasubsob ang mukha sa aking mga palad nang lumapit sa akin ang madre na taga Bataan, ang kaibigan doon nina Kena na si Sister Gelai. Tumingala ako sa kanya, nasa mukha niya ang pagod.
Kasunod niya ay ang matandang kapitbahay na kinuha kong mag-aalaga kay Kena rito. Mukha rin itong pagod at nauubusan na ng pasensiya. "Naku, napakahirap linisan at bihisan. Pinagmumura kami."
I clenched my fists.
Umalis na si Manang Evelyn habang si Sister Gelai ay nagpunta ng kusina. Doon ito sa mesa yumuko at nag-rosaryo. Napasandal ako sa sandalan ng sofa at mariing pumikit.
I dozed off from exhaustion after. Pagmulat ko ay ako na lang ang nandito, si Sister Gelai ay pumasok na yata sa kuwarto, gamit nito ang kuwarto dati nina Papa at ni Tita Karen. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader, kaya pala, kasi alas dos na ng madaling araw. Baka pati si Julian ay nasa kuwarto na nito.
Tumayo ako at pumunta muna sa banyo para maligo. Nasa kuwarto na ako pero dahil nakaidlip ay hindi na ako makatulog ulit. Lumabas ako at natagpuan ang sarili sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Kena.
Tulog na ba siya? Siguro. Pagod na pagod siya sa pagwawala at pagsisisigaw kanina kaya baka tulog na siya. Pinihit ko ang seradura at marahang binuksan ang pinto. Her dark room greeted me, and I could not even see her bed.
Binuksan ko pa ng kalahati ang pinto, kaya kahit paano ay pumasok ang kapirasong liwanag mula rito sa pasilyo. Hindi nga lang sapat. Madilim pa rin sa loob ng kuwarto. Ayokong buksan ang ilaw dahil baka magising siya. I just wanted to see her for a moment, to check if she looked comfortable. I knew it must be hard to sleep while tied up.
I took out my Samsung SGH-D600. Hindi ko binuksan ang flashlight dahil baka magising siya. Ginamit ko lang ang ilaw ng screen, saka ko iyon itinapat sa direksyon ng kama. Pero agad akong napaatras. Dahil hindi siya nakahiga!
Hindi gumagalaw. Hindi umiimik. At nakatingin siya sa akin!
Gising si Kena!
Nakaupo siya, nakasandal sa unan, ang mga kamay niya ay nakagapos parehas sa magkabilang kanto. The blanket covered half her body. She wore a sleeveless top, the straps loosely tied because it was hard to dress her while she was restrained. Ang mahabang buhok niya ay nakalugay lang at bahagyang magulo, subalit ang mukha niya ay maaliwalas.
"Bakit gising ka pa?" I asked gently.
Even back when Kena had just come out of the coma, blank and unresponsive, I had talked to her like she could hear me. I never treated her like she was sick. Palagi ko siyang kinakausap kasi nakikita kong kahit paano ay may response sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Beware of the Class President (To be published!)
ParanormalFLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente na sanhi ng pagka-coma nito. Nang gumaling at magbalik-eskwela ay tila ba ibang tao na. Pero para ka...
