Winter's pov
Simpleng tao lang ako na nagmamahal sa'yo
Hindi ako katulad ng mga manliligaw mo
Pasikat sa porma, sa iPad, o sa high-tech na cellphone
Hindi man ako nagsusuot ng mamahaling relo
Pero sa'yong-sa'yo ang oras ko...~
pakanta-kanta pa ko habang nagtatake down notes. bakit nga ba ang saya-saya ko ngayong araw? first day of school masaya ako. himala to!
sobrang ganda ng araw na to para sakin! feeling ko wala akong dalang kahit na anong problema o anuman. ang gaan lang talaga ng pakiramdam ko.
*KKRRRIIIIIIIIINNNGG*
uwian na pala? ang bilis ah? di ko nadama. teka, naka 5 subjects na pala pagkatapos nun? di ko namalayan ah? ayos lang yun! ang mahalaga uwian na! chibog chibog na mamaya sa bahay! at syempre gala ng tropa!
nang mapansin kong nag-aayos ng gamit si Blythe. nag-ayos na rin ako ng gamit. nakakagood vibes eh. wala lang. ewan ko ba!
nung naglalakad na siya palabas ng room, tumitingin-tingin siya sa paligid. umikot din tuloy yung paningin ko. at napansin kong wala na palang tao dito sa loob ng room.
kaming dalawa na lang
ilang oras na ba akong nananaginip ng dilat? ano ako nakanganga the whole time? wala akong natatandaang matino badtrip.
habang nag-aayos parin ako ng gamit. nagulat ako nang may biglang tumunog ng malakas, na parang bumalabag na kung ano na matinde sa sahig
baka nahulog yung libro niya! pupulutin ko, tapos aksidenteng mahahawakan ko kamay niya tapos unti-unting lalapit yung mukha niya sa mukha ko tapos tapos teka tumeteleserye na yung thinking ko ah?
hindi pala libro, mali ako. nadulas siya dun sa may gitna ng room sa may harapan, sa may first row kung saan malapit yung teacher's table
tangina bakit ba kasi sila nagfofloorwax dito?
ang naging reflex action ng body ko eh tumakbo papunta sa kanya, buhatin siya at tumakbo.
"Wag mo kong buhatin.. kaya ko maglakad ibaba mo ko!" -Blythe
pero mas matigas ang ulo ko sa kanya kaya dadalhin ko siya ng clinic.
"Sinabi ng ibaba mo ako eh! NAKAKAHIYA!" -Blythe
galit na to? tutulungan na nga siya eh
"kanino ba nakakahiya? sakin? ayos lang ako. dadalhin kitang clinic"
"hindi sayo. sa kanila" -Blythe
sabay tingin niya sa mga tao sa may pintuan
nandun yung tropa at pangisi-ngisi lang. kung hindi ko pa alam eh humahagalpak na sa pagtawa yang mga yan sa isip-isip nila.
"Pabayaan mo sila. ang mahalaga madala kita ng clinic. baka napilayan ka, baka may sugat ka, internal bleeding, o baka---"
"Stop it! bakit ba masyado kang concerned?" -Blythe
hindi ko na siya inintindi at dumiretso na lang ako sa paglalakad papunta sa clinic. di ko na nga inintindi yung tropa na nasa may pinto kanina eh. malamang by this time tinatawanan na talaga ako nung mga un -_-"
BINABASA MO ANG
Capture an NBSB's Heart (KathNiel FanFic)
Fanfiction❝Tis better to have loved and lost, than to never have loved at all.❞ | cli·ché? nah.