Winter's pov
Its been weeks, magsimula nung maging okay kami ni Blythe.
Today is Thurday, I woke up extremely happy. yung feeling na sobrang gaan lang ng pakiramdam ko na parang kahit anong kabadtripan yung masalubong ko ngayong araw di matitibag tong maaliwalas na ngiti sa mukha ko.
*bzzzzzt....bzzzzzzt*
1 new message from 09******322
[hoy bakulaw pumasok ka ah? kukutusan kita pag di kita nakita dito sa school!]
boom lagot! haha patay nanaman ako neto kay pancake tsk tsk
Nagulat ka na tinetext ako ni Blythe? Ang sama mo naman sakin! Parang sinabi mo na wala na talaga kaming pag-asa. Pero alam niyo naman ako sa mga panahon na to, positive. Kaya ayos lang kahit anong sabihin niyo mga brad. Okay naman kami eh. Okay LANG naman kami. Hayaan na natin sa ganun. Mapaghanap kayo ng label eh
Pagpasok ko sa room nakita ko agad pancake ko. Sinalubong ko siya ng yakap. Pero hindi yakap sinalubong niya sakin. Sadnu?
"buti naman maaga ka ngayon!" -Blythe
sabay kurot sa magkabilang pisngi ko. Kaya kinurot ko din pisngi niya. Tumatalon yung puso ko kay Blythe, realtalk. Wala naman sanang basagan ng trip oh?
"hoy Winter ang aga mong humaharot!" -Kats
Sigaw ng baliw sa labas sabay takbo. Kakasabi ko pa lang na walang basagan ng trip eh.
"inggitero!"
At ayun tawa lang ng tawa yung mga mokong kong tropa sa labas. Mga to walang magawa sa buhay, walang ibang mapagtripan. tsk.
Pero biglang nag-iba mga mukha ng tropa nang may matanaw sila sa di kalayuan.
"bakit mga pre ano yun?"
at may lalaking lumapit sa may pintuan, sabay sabing..
"uhhhmmm.. excuse me po pwede po kay kuya?" -Summer
napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa pisngi ni Blythe. puta.
"bakit pancake?" -Blythe
Pero biglang napa-tentwenty yung puso ko sa narinig ko. 'Pancake'? hihi I kennat.
“Kuya? Sinong kuya?” –Classmate 1
“ewan ko nga rin eh.” –Classmate 2
“ngayon ko lang nakita yan ah?” –Classmate 3
Tapos biglang lumakas yung mga bulung-bulungan. Di kasi nila kilala, eh sino ba kasing nakakakilala sa gagong to? Teka natanaw na ata ako. Napakunot na lang yung noo ko. Sige titig pa, nang makuha mo hinahanap mo.
“Pancake kilala mo ba?” –Blythe
“uhhhmm.. kuya..” –Summer
Naglakad na ko papalapit sa mokong na yun. Nakatingin mga kaklase ko sakin. Eh ano ngayon? Sinong may pake? Napansin ng tropa na papalapit na ko..
“ah! Hehe.. andito ka lang para lil’ bro!” –Kats
Sabay yakap pa ni Kats dun sa ungas.
“huh? Baki--?” –Summer
Tinakpan naman ni Les yung bibig bago pa lumabas kung anong dapat lumabas sa bunganga nun.
BINABASA MO ANG
Capture an NBSB's Heart (KathNiel FanFic)
Fanfic❝Tis better to have loved and lost, than to never have loved at all.❞ | cli·ché? nah.