Winter's pov
ang tagal naman bumalik ng tropa. ako lang mag-isa dito sa table. nalunod na ba sila sa pagkain at hindi na sila nakabalik? lunch kasi eh. alangan namang kumain akong mag-isa di ba?
"oh pare! ang tagal mo ba naghintay? haha!" -Les
speaking of the devils...
"bakit ang tagal niyo? tumirik na mata ko sa kakahintay at sa gutom!"
"OA mo pare!" -Jc
"Si Kats kasi tinawag ng kalikasan. muntik na nga sumabog kanina eh habang nasa pila kami sa may canteen" -Seth
"h-hindi naman ganun! ang OA niyong lahat! kumain na lang tayo!" -Kats
ang sarap na sana ng pagkain ko ng may nakita akong asungot! tignan mo tong damuhong to! ano ba pangalan nito? J-Ja? Ju? ah! si JEJE!!! kawawang-kawawa dating ng batang to eh! mag-isa kumakain. buti na lang at busy si Blythe ngayon at hindi sila masyadong nakakapag-usap. bwahahaha!
"Pare saan ka ba nakatingin? kanina ka pa namin kinakausap ah?" -Jc
tapos sinundan nila yung tinitignan ko.
"OMG beki! iba na pala ang type mo ngayon?!" -Kats
"gago! tignan mo lang kasi siya.."
"OHMYGOSH ayaw ko! baka mainlove ako sa kanya! gee.." -Kats
"putangina! isa pa! isa pa talaga ha?! bugbog sarado ka sakin!"
"chill. nagbibiruan lang tayo dito bespren!" -Kats
"eh ano ba kasing meron sa lalaking yan?" -Les
"tignan niyo lang kasi."
"uhhmm.. bukod sa mag-isa lang siya kumakain ngayon. anong meron sa kanya?" -Les
"at bukod sa hotdog yung ulam niya. ano ba talagang meron?" -Kats
"wala naman akong napapansing iba." -Jc
"haaay!! ang eengot talaga ng mga tropa ko! siya yung lalaking sumiko sakin dun sa basketball match, siya yung nakabike sa hallway na nakwento ko sa inyo--"
"para ka namang bata eh! hindi mo pa ba napalagpas yun?" -Les
"oo nga naman. move on move on din!" -Jc
"Wapak!" -Kats
"--at siya yung 'Je' ni Blythe."
ewan ko pero parang ang lungkot ko nung sinabi ko yan.
"ahh.. hindi mo nga mapapalagpas yan..." -Les
"at hindi ka nga makakamove on..." -Jc
"Wapak!" -Kats
"eh sino ba kasi yan? anong pangalan? at nang may imbestigador ng bayan!" -Kats
"Jett Pseuarez. 15. malapit na mag-16 sa March 30. may-ari ang family niya ng Pseuarez group of companies. mayamang pamilya na nagmula sa angkang Pythagoras na kilala sa food industry... nakatira sa Sunny Ville sa may Quezon City. fully-paid house and lot na hanggang 4th floor at may kulay green na gate. may 3 silang aso na puro golden retriever. galing siya sa Cebu at pumunta dito sa Manila sa hindi malamang dahilan.... kilala siya sa pagiging sikat, mayaman, habulin ng chicks, mvp ng basketball, at die hard fan ni Daniel Padilla." -Seth
BINABASA MO ANG
Capture an NBSB's Heart (KathNiel FanFic)
Fanfic❝Tis better to have loved and lost, than to never have loved at all.❞ | cli·ché? nah.