Blythe's pov
buti na lang wala na akong sakit at makakapasok na ako ngayon. salamat talaga. kapag siguro umabsent pa ako ng isang araw eh mahihirapan na ko maghapit and maghabol ng activities. maaga pa lang lumabas na ako ng bahay. hindi ito yung usual na oras ko. inagahan ko ng konti para kapag may gagawin eh may time pa mag cram. medyo slowmo yung lakad ko kasi nga maaga pa naman. pero medyo nashock ako nung nakita ko yung kapitbahay namin....
parehas kami ng uniform, meaning schoolmates kami.
nang maalala ko yung mga kanta na naririnig ko dun sa may side ng bed ko. siya ba yun? ohmygosh! siya nga? siya nga? is it real? is it real? tila ko ewan na nakanganga at nakatayo lang dito. pinapanood kong maglakad siya palayo. siya talaga yun? tanungin ko kaya kung kanya talaga yung mga naririnig kong boses? wag na nga anubayan!
papasok na nga rin ako at baka mahuli na ko. nang mapansin kong palinga-linga sa gawi ko yung kuya na kapitbahay namin. nababasa ba nito yung mga tanong sa utak ko? medyo nagtatago ako everytime lumilingon siya. bigla niyang binilisan yung lakad niya.. aba teka. akala ata nito sinusundan ko siya eh. kung maka asta naman po. asa!
Winter's pov
parang trip ko pumasok ng maaga ngayon. nararamdaman ko kasi papasok na si Blythe today. kaya binilisan ko na yung lakad papuntang school. hindi na ko makapaghintay na makita si Blythe :)
patakbo-takbo pa ko papasok ng gate at paglakad sa corridor nang masilayan ko si Blythe.
lalapit na sana ako eh, kaso may biglang nakabangga sa kanya at nagsabog gamit niya. ano ba naman tong si Blythe, may bag naman siya pero ang dalas na bitbit niya lang mga books niya, uso gamitin yung bag minsan. tutulungan ko na sana si Blythe kaso biglang tinulungan na din siya nung nakabangga sa kanya. aba! dapat lang! siya kaya may kasalanan nun!
pero nang makita ko kung sino...... puta!
Blythe's pov
nakakainis naman. inaayos ko yung gamit ko sa sahig nang tulungan ako ng nakabangga sakin. pero gulat na gulat ako ng makita ko kung sino.
"IKAW?!" -me and him
bigla namang dumating to si Winter at sinuntok yung kuya. ay kamote!
"Winter! ano ba yan!"
"bakit? inaano ka ng lalaking to ha?!" -Winter
nakaakma parin yung kamay niya na susuntukin pa ulit yung lalaki. pinigilan ko na, hinawakan ko na yung braso niya para iwas dsgrasya. ang laki naman ng galit nito, parang nabangga lang naman ako.
"Winter ano ba! nasagi niya lang ako kanina and nalalaglag tong mga to. ang OA mo."
binitawan na niya yung kuwelyo nung kuya.
"mabuti naman. sabihin mo lang sakin kung inaano ka nito. ipapasalvage ko to isisilid ko sa drum." -Winter
"graaaaabe?"
"tara na nga." -Winter
sabay akbay niya sakin habang naglalakad. kawawa naman yung kuya. parang nabigyan ng death threat.
"sorry talaga."
I mouthed words na sa tingin ko naman ay naintindihan niya.
BINABASA MO ANG
Capture an NBSB's Heart (KathNiel FanFic)
Fanfiction❝Tis better to have loved and lost, than to never have loved at all.❞ | cli·ché? nah.