Blythe Forbes
Mabait ako sa taong mabait sa akin, but feel my wrath kung friends and family na ang pinag-uusapan. Apihin mo na ako, awayin, kaladkarin, sabunutan, pagsalitaan ng masama, wag lang sila. Trust me, I'd take every blame for them. Lalaban ako kahit sino pa ang kaharap ko para lang sa kanila. OA na ba? Siguro hiindi mo lang ako naiintindihan. It took me years bago ko maintindihan at makasundo ang sarili ko, years. So hindi kita masisisi kung naguguluhan ka. Hindi ko pipiliting maintindihan mo ko. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kahit na sino pang tao. Kahit na kinikilala ka pa ng puso ko.
Highschool student, nag-aaral sa isang sikat na private school, di ako gaanong friendly , ayaw ko sa mga taong ayaw sa akin, konti lang friends ko, or should I say bilang sa isang kamay ang friends ko. Di ko alam kung masaya ako o hindi. Wala akong bagay na sigurado sa mundong to. Pati yung emosyon at nararamdaman ko hindi ko sigurado. Sino nga bang nakakasiguro? Sasabihin mong masaya ka ngayon tapos bukas makalawa hindi na. Bakit mo pa kailangang isiping naging masaya ka kung aabot ka rin naman sa puntong magiging malungkot ka? Hindi ba parang lalo lang masakit? Lalo mo lang pinahirapan ang sarili mo. Di ba't mas mabuting hindi mo alam kung naging masaya ka o hindi? Sa palagay ko mas magaan sa pakiramdam kapag ganun.
Hindi mo kailanman makikita ang tunay na kalagayan at nararamdaman ng isang tao sa loob ng saglit na panahong magkasama at magkakilala kayo, dahil hindi kailanman naging kasingkahulugan ng pagtawa ang salitang kaligayahan. Hindi sapat ang 'saglit' para malaman kung sadyang wala talaga akong nararamdaman o wala lang akong pakialam. Ako man sa sarili ko hindi ko alam. Dahil nga mas gugustuhin kong wag na lang malaman. Pero kahit na ganun, pinipilit kong ngumiti lagi para ipakita sa lahat na, heto ako normal, laging 'masaya' gaya nila. Yun lang naman ang tanging paraan na alam ko para ipakita na 'masaya' ako. Walang sinuman ang makapagpapaliwanag kung ano at paano ang maging masaya, malabo— sobrang labo hindi ko maipaliwanag. Pero gusto ko ring ipakitang masaya ako para hindi laging nag-woworry yung mga tao sa paligid ko.
Huwag mong ipilit na kaya mong ipaliwanag kung ano ang nag-titrigger sa isang tao para maging masaya, hindi mo mapapatunayan, walang makakapagsabi. Oo magaan ang pakiramdam ko noong buo ang lahat sa buhay ko, masasabi kong malapit na ako sa pagiging 'masaya'. Pero sino nga bang makakapagsabi? Malapit na nga ba talaga? O akala ko lang ang lahat?
Sa tagal ng inilagi ko dito sa mundo, ngayong teenager na ako, marami ang nakapagsasabi na hindi na ako masaya. Hindi ko naman sila masang-ayunan o masabing mali ang akala nila dahil ako man sa sarili ko nagtataka, naging masaya nga ba ako? Kesyo kailangan ko lang daw tigilan ang pag-iisip sa past at pagtuunan ko na lang daw ng pansin ang present at mag-prepare sa future. Present? Para ano pa? Future? Sino bang makakapagsabing tatagal at aabot pa ako dun? Bakit ko kailangang planuhin ang mga bagay na hindi naman sigurado? Hindi ba't parang masyado naman akong magpapakahirap kung ganun?
Pero heto ako ngayon, pinipilit gawin kung anong dapat gawin ng isang highschool student. Pinipilit na maging normal, na maging kagaya ng lahat, pinipilit maging wallflower hanggat makakaya. Ginagawa ko ang lahat para mabago ang takbo ng tadhana, na umayon sa akin ang lahat nang sa ganun makalimutan ko na...
BINABASA MO ANG
Capture an NBSB's Heart (KathNiel FanFic)
Fanfiction❝Tis better to have loved and lost, than to never have loved at all.❞ | cli·ché? nah.