Jett's pov
nasa CR ako ng marinig ko yung mga bulung-bulungan ng mga tao.
"ha? Winter ata." -anonymous
"eh yung isa? yung nanakbo palabas? sayang ang ganda pa naman, nabola na pala ni Winter. Prince yun ng P5 eh, panigurado heartbreaker!" -anonymous2
"pancake lang narinig ko kanina eh. oo nga, sikat kasi eh kaya habulin." -anonymous
as soon as marinig ko yung word na 'pancake'
biglang nagsnap yung senses ko
nang bigla ko naman nakita si Winter pumasok ng CR.
"anak ng---" -Winter
sinalubong ko siya ng suntok.
"tangina mo! sinasabi ko na nga bang gagaguhin mo lang si Blythe eh!"
sabay tama ng sunod-sunod na suntok sa mukha niya. wala akong pakialam kahit ano pang consequences abutin ko pagkatapos ng pinaggagagawa ko ngayon. tangina lang kasi nitong Winter na to. hindi niya ba alam na binibitawan ko na si Blythe kasi halata naman na mas gusto niya tong ugok na to.
tapos ngayon eto lang mangyayari? lolokohin niya lang? paglalaruan? paaasahin? ang sakit kaya nito sa part ko, knowing na gusto ko din si Blythe. putangina kasi.
"tangna ano ba?" -Winter
nagulat ako kasi hindi siya nasigaw. para bang sinasawalang bahala niya lang yung suntok ko at naglakad palayo. hinawakan ko siya sa braso at iniharap sa akin tapos sinalubong ng mga suntok hanggang sa mapaupo na siya sa sahig. hindi pa rin siya umiimik, para bang lantang Winter yung kaharap ko ngayon.
"ano ba?! magsalita ka nga!"
sa gigil ko susuntukin ko pa sana siya ng isa. pero pinigilan ako ni Katsumi tangina!
"pre tama na." -Katsumi
lagi na lang silang biglang sumusulpot na parang kabute. kung hindi nila ako pinigilan baka mapatay ko tong gagong to eh!
"bitawan niyo nga ako! tangina nitong Winter na to eh! sa dami ng paiiyakin si Blythe pa eh. sinabi ko na kasi sayo dati na layuan mo na siya! eto ba gusto mong mangyari?! masaya ka na ba ngayon na umiiyak na siya dahil sayo?! ha?! sumagot ka nga!"
nagulat ako kasi biglang tumayo si Winter at..... sinuntok ako ng pagkalakas-lakas. nagulat ang lahat, yung mga tao sa loob ng cr na nakikiusyoso, pati yung mga nakasilip lang sa pinto. pagkasuntok niya sakin bigla siyang yumuko, umiiyak ata
"wag mo kong maaduro-duro ah. putangina. hindi mo alam kung anong nangyari, hindi mo alam kung anong hirap at sakit ang nararamdaman ko ngayon, hindi mo alam, wala kang alam...wala.." -Winter
Seth's pov
nagdadrama na si Winter. kahit sino naman kasi masasaktan kung ilulugar nila yung sarili nila kay Winter ngayon. alam kong medyo-OA pero hindi kasi talaga ito yung inaasahan niyang mangyari.
kahit ako. alam niyo kasi kahit mga gwapo nasasaktan din, hindi porket ganito kami eh akala niyo bato mga puso namin, di kami manhid. may pakiramdam din naman kami no. minsan nga lang mas inuuna namin ang pakiramdam ng mga babae dahil alam naming dapat hindi sila sinasaktan. pero hindi rin naman dapat isinasawalang bahala ang pakiramdam namin. tao din kami, umiiyak, nagagalit. kaya wag kayong magtaka kung bakit ganyan si Winter ngayon, nagwawala. Sa tingin ko kasi ganyan niya ineexpress lahat ng emotions niya. mapa-masaya siya o excited eh ganyan. ang kinaiba nga lang ngayon, mas intense, as in sobra.
BINABASA MO ANG
Capture an NBSB's Heart (KathNiel FanFic)
Фанфик❝Tis better to have loved and lost, than to never have loved at all.❞ | cli·ché? nah.