CHAPTER 11: hot lover boy to ice cold pangit na masungit

1.4K 13 0
                                    

Winter's pov

day of realization. what a tiring day. after my first day of school, second day na malamang.. alangan namang third agad?

pero ayos lang na napagod ako kahapon kasi medyo naliwanagan na ko kahit konti. konti lang.

tungkol sa nararamdaman ko para kay...... Blythe. first day of school pa lang nagkagusto na ako agad sa kanya. tangina ang harot ko

bakit pa-p-parang bumibilis yung tibok ng puso ko whenever naiisip ko siya or naaala. biglang nagfaflash sa utak ko  ung mukha nya. ung mala-anghel na mukha niya. yung ngiti niyang hindi mo makikita sa iba kahit bihira lang niya ilabas. yung mata niya na parang may glow or somewhat sparkle. ah ewan! may something sa kanya na humihigit sakin!

Fuck this! I've never been this deep before. Ako kasi si Winter.. yung tipo ng lalaki na when it comes to love, hindi sineseryoso.. na parang tinuturing ko lang na part-time job ang lahat ng maaaring maganap between us, as simple as that. sa tingin ko kasi hindi naman kailangan ng dibdiban sa relationship, kung relationship ngang matatawag yung mga pinaggagagawa ko

pero parang nagiiba pagdating sa babaeng to. alam niyo yung feeling na parang ayaw ko siyang masaktan. na parang sa sobrang halaga niya sakin gusto ko syang ikulong sa puso ko para ingatan? argh! hindi nyo naiintindihan no? hindi ko rin naiintindihan tangina!

 *ring-ring* "hello."

["Gago ka boy! hindi ka  ba papasok? magbebell na! nasaan ka na ba?"]

ay oo nga pala! lecheng ako! tulala!

"sige pare. papunta na ko! sabihin mo wag muna magbell. hintayin ako! saglit lang to dre!"

["gago ka ba? pwede bang pigillin ung bell? and papunta ka palang pala. sa tingin mo aabot ka pa boy?"]

"oo aabot ako.."

[" *KKRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNGG* at nagbell na po master. haha! late ka na boy!"]

"fuck!"

bigla ko nalang binaba ang telepono at hindi na nagpaalam kay Kats. lecheng bata un! tumawag kung kelan malapit na yung bell. talagang pang-asar.

nagmamadali akong lumabas ng bahay. halos magkanda-dapa-dapa pa ako sa pagtakbo. ayaw kong malate..

medyo bawas pogi points yun kay Blythe XD

kahit sa ganitong mga pagkakataon si Blythe parin naiisip ko. ang lakas talaga ng tama ko sayong babae ka!

Blythe's pov

parang ang dami-dami kong iniiisip. ang bigat ng ulo ko :( pagkagising ko 6:30 am na. waaaaaaaaaahhhh!!!!!! late na ko! 

nagmadali akong bumaba ng hagdan tapos diretso sa banyo. di naman ako maarte na madaming pinapahid sa mukha. sabon lang kelangan ko para makaligo. tapos pagkatapos kong magtoothbrush eh 6:54 na!

hala sige! hindi na ako kumain. at nagtatakbo na palabas ng bahay. pagdating ko sa school eh malinis na ang kapaligiran. as in wala ng student na kakalat-kalat sa hallway

kamote! first time ko malate sa talambuhay  ko TT^TT at sa second day pa ng school... psh!

ang layo pa naman ng room ko. third floor pa po :( 

at dahil malalate na nga ako, sige na ang pagtakbo ko sa hallway. ayaw kong malate kasi hindi ko sigurado kung ano dadatnan ko. baka, mga classmates na nakatitig sa akin na para akong nakapatay ng tao o may ninakaw akong something, o baka akalain nila iresponsable ako. 

Capture an NBSB's Heart (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon