NBSB ay abbreviation para sa mga katagang NO BOYFRIEND SINCE BIRTH or we can just call it singgol? yung mga taong single mula sanggol haha
Walang boyfriend, walang syota, walang kadate, walang kalampungan tuwing tag-ulan, walang katerno kapag nauso ang couple shirts, walang kayakap sa valentines day, walang heaven na feeling tuwing ipapakilala ka na 'girlfriend' niya, walang kaholding hands while walking with matching sway sway pa, walang matatanggap na flowers at 'I love you' tarpaulin sa araw ng mga puso, walang nakaakbay sa park habang kumakain ng ice cream, walang regalong matatanggap buwan buwan, walang iyakan kapag nagkasawaan, walang sigawan kapag namataang may kasamang iba, walang tickle buddy kapag nanonood ng TV, walang taga-abot ng ketchup sa ibabaw ng ref kasi mas matangkad siya, walang kaharutan kapag napagkasunduang magpunta sa sinehan, naka it's complicated ang relationship status sa facebook, walang nakalagay sa twitter bio na ____'s ♡, walang ka 'I love you sweet dreams' kapag napipikit na, walang nagtetext ng 'good morning babe I miss you' tuwing umaga para magood vibes ka, walang bumabati ng 'happy anniversary babe sana magtagal pa tayo', walang lovelife, walang kaekekan, simpleng buhay, as in simple.
Ibig sabihin magsimula ng ipanganak ka sa mundo ay ang pinaka mahalagang lalaki sa buhay mo ay ang tatay mo. At ang sumunod na dun ay kung sinumang lalaking iniisip mo bago ka matulog, madalas sa ganito mga kinakikiligan niyo. (Pero si God parin po ang dabest sa lahat!)
NBSB. 'never been kissed, never been touched' Mga katagang madalas natin marinig sa mga taong nakapaligid sa atin. Pero totoo to. Mahahalikan ka ba ng wala kang boyfriend or magagalaw ka? Puwera na lang kung ma-L ka! haha labyu joke lang uy! Pero hindi naman siguro natin ibibigay sa kung sino lang ang first kiss natin di ba? Pati yung... alam niyo na. Madalas ang mga NBSB nag-uumapaw yan sa crush life at fangirling life. Dun kasi natin naaachieve yung 'kilig factor' na tinatawag eh, na kahit sa picture lang o kaya sa TV eh kilig na kilig ka na? ganyan yan eh!
Actually, sa tingin ko may great side ang pagiging NBSB except the fact na free ka. Eh magaling din magbigay ng advice ang mga NBSB! Ewan ko ba, marami din nagsasabi niyan. Dahil siguro observant ang mga NBSB at neutral ang tingin nila sa mga ganung bagay kasi nga di ba hindi pa sila napupunta sa lagay na yun kaya ang ginagamit nila utak hindi puro puso.
On the contrary, may malungkot na side ang pagiging NBSB. Siyempre wala kang boyfriend, may mga moments na mafefeel mo na napag-iiwanan ka na ng mundo. Yung mga moments na meron silang lahat, ikaw wala. Don't be sad, don't take it as a problem, take it as an advantage. 'YOLO'
Sabi ng iba may mali daw sa mga NBSB. Kesyo pangit daw o kaya masungit kaya walang boyfriend. Bakit? lahat ba ng may boyfriend maganda? lahat ba ng may boyfriend mabait? lahat ba ng may boyfriend mabango ang hininga? lahat ba ng may boyfriend kumpleto ang ngipin sa taas at baba? lahat ba ng may boyfriend walang tigyawat sa mukha o kahit sa likod? lahat ba ng may boyfriend mabango ang paa? lahat ba ng may boyfriend 36-24-36? lahat ba ng may boyfriend ideal girl? lahat ba ng may boyfriend perfect? hindi naman di ba? di ba? Nagkataon lang na hindi pa dumarating yung tamang lalaki na nakatadhan satin. Siguro nakita na nila yung taong nakakapagpasaya sa kanila kahit sa pinakamalungkot na moment ng buhay nila. At heto tayo, mas pinili natin maghintay para sa nakatakda.
Baka din kasi hindi pa tapos yung perfect love story na nireready ni God para satin. Yung love story na aabot sa langit yung kasiyahan mo, yung lalagpas sa mga ulap yung kilig mo, mauubusan ka ng hininga sa sobrang lakas ng tibok ng puso mo, at hindi ka makakatulog ng maayos dahil sa nararamdaman mo. Alam kong walang 'perfect' sa mundong to, siyempre may ups and downs di mawawala yan. Pero kapag nandiyan na yung perfect match mo kahit anong struggles kakayanin mo. Uso maghintay, hindi ka naman siguro mauubusan ng lalaki. Wala tayong hinahabol na panahon, bata pa tayo. Ang love naman walang pinipiling oras yan eh, kung darating talaga, darating, sabi nga nila 'tadhana'. Ikaw, naniniwala ka ba sa 'tadhana'?
BINABASA MO ANG
Capture an NBSB's Heart (KathNiel FanFic)
Fanfic❝Tis better to have loved and lost, than to never have loved at all.❞ | cli·ché? nah.