Winter's pov
alam niyo yung TANGA? ako yun.
alam niyo yung UMASA? ako din yun.
alam niyo yung NASAKTAN? ako talaga yun.
pero kahit ganun.
hindi parin nawawala yung nararamdaman ko kay Blythe.
feeling ko nga parang laro lang lahat. at sa larong to malinaw pa sa tubig na ako, si Winter Wright, ang talunan.
ilang araw ba akong magmumukmok dito? hanggang kelan ba?
ilang araw na rin kasi akong di pumapasok, nasa kwarto lang ako. nakatitig sa kawalan na para bang mahahanap ko dun yung mga sagot sa mga gumugulo sa isip ko.
minsan napatitig ako sa kisame. naisip ko, "ano ba tong kalokohan ko? ginagago ko lang ba yung sarili ko? tangina malapit na ata akong mabaliw." pero biglang nagflash yung mukha ni Blythe sa utak ko.
at naisip ko ang dahilan ng lahat ng mga kalokohan ko. oo mukha na akong baliw dito. oo baka bukas pwede na ko dalhin sa mental hospital.
Pero isipin niyo, hahayaan ko bang magmukha akong tanga araw-araw na umaasa pa rin kahit nasasaktan na? Siyempre hindi. Sadyang mahal ko talaga yung tao kahit nagmumukha na akong tanga dito.
ganito ba ang tinatawag nilang pag-ibig? kung ako lang ang papipiliin, di ko hahayaang mahulog ako ng ganito, kasi masakit eh. alam niyo yun? pero sabi nila di ka daw umibig kung di ka nasaktan.
oo nasaktan na ko. oo sobrang sakit. pero hahayaan kong patuloy akong masaktan kung si Blythe naman ang dahilan. at alam ko, dito sa kailaliman ng puso ko, patuloy ko siyang mamahalin kahit hampasin man ako ng tabla sa ulo ng 10 beses o higit pa.
*kring* *kring*
nabigla ako sa pag-ring ng telepono namin.
dali-dali akong bumaba ng hagdan.
"hello? panc--"
[hello sir? I ka-clarify ko lang po yung pizza delivery ni Mr. Summer ng 4:00 pm?]
"clarify?! bakit di niyo ideliver yung pizza kung idedeliver niyo?! alam mo bang muntik na ko maurangod sa pagtakbo sa hagdan kasi akala ko tumawag yung mahal ko?! gusto mo ba ng away?! ha?! gusto mo bang ikaw pagbuntunan ko ng kabaliwan kong to ha?! ideliver mo na yan!"
[ahh-sir-sorry-sige po-sorry po ulit...]
"ay teka! extra hot sauce ah?! BYE!"
[opo...toooot~]
pambihirang kamatis! umasa ako eh. akala ko si Blythe na!
ilang linggo na akong nagtetetxt sa kanya. nung una akala ko walang load. kaya nagpaload ako ng 100php sa number niya, pero wala eh. binigay ko pa nga yung telephone number namin para magkausap kami kahit papano.
tapos pizza delivery lang yung tumawag? isn't it amazing? *sigh*
si Blythe na lang kasi laging laman ng utak ko. ano ba to? :(
hindi ko naman kayang mayamot kasi medyo bumibilis yung tibok ng puso ko minu-minuto tuwing naiisip ko siya.
actually gusto kong mayamot. pero mas nangingibabaw yung urge na gusto ko na siya makita :(
teka. 1:00 pa lang naman eh. baka nasa school pa si Blythe.
BINABASA MO ANG
Capture an NBSB's Heart (KathNiel FanFic)
Fanfiction❝Tis better to have loved and lost, than to never have loved at all.❞ | cli·ché? nah.