CHAPTER 8: You smile, I smile

1.6K 20 0
                                    

Winter's pov

fuck my life! nagkita nanaman kami nung babae na yun. parang feeling ko natrauma na ako dun sa ginawa niya sakin this morning :(

pero feeling ko rin ang sama sama kong tao. for no reason.. unang-una, binigyan ko lang naman siya ng daan kaninang umaga. pangalawa, hindi ko naman tinuloy yung kiss. pangatlo, hindi naman ako yung nakatapon ng tray ng pagkain sa kanya! si Kats yun!

speaking of Kats, ayun tinatawanan parin ako. kasama buong tropa. kasi yung babaeng yun lang daw ang nag-iisang nakapagpatiklop sa akin.  dami nilang alam puta -_-"

lumayo na ako sa kanila pagkatapos ng bell. dahil wala naman akong kaklase sa kanila kahit isa. buti na lang hindi nila ako makikita sa room. at lalong buti na lang at hindi nila malalaman na magkatabi kami ng babaeng yun..

malamang sa malamang eh tadtarin ako ng pang-aasar ng limang yun. baka hindi na ko makapagsalita at makakilos sa kahihiyan dahil sa tropa ko.

well, ano nga bang pinag-aalala ko eh bully nga pala tong mga to? edi no problem. walang babangga sa akin. siga rin ako dito! wohoo! ayos to mga bregs!

habang naglalakad ako papuntang room..

nakita kong papalabas ng girl's cr yung seatmate ko. nabigla ako kasi, ewan ko, basta kapag nakikita ko sya nabigla ako, natakot, natawa, ninerbyos, nagpawis, na parang masaya, na hindi ko maintindihan na parang mixed emotions

baliw na buhay to puta.

 nagtago ako dun sa may gilid ng lockers para hindi niya manotice ang kagwapuhan ko nearby XD

joke lang di naman kayo mabiro. nagtago ako para paunahin siya. hindi ko kasi alam gagawin ko kapag nauna ako sa kanya sa room.

kung sasabihin ko sa kanya na hindi ako yung nakatapon ng tray, o kung aaminin ko kahit hindi ako may kasalanan, o magsosorry ba ako sa kanya tapos di na ako mageexplain.

tanginang kabayo! hindi ko alam gagawin ko T^T

whoo!! bakit ba ako nagkakaganito? bakit pagdating dun sa babaeng yun eh iba ang takbo ng utak ko? baliw na talaga puta

 ah basta! papasok na lang ako ng room at kung anumang magawa ko eh yun na yun!

inhale exhale Winter!  inhale exhale!

pagpasok ko sa room wala pang teacher pero marami ng tao sa loob. medyo magulo ang klase kasi wala pa ngang teacher. paulit-ulit?

napukaw kaagad ang mata ko at napatingin sa direksyon na kinauupuan ng seatmate ko, the seat next to me. wala siyang katabi, kadaldalan or what so ever. nakatitig lang siya sa isang book. a Chem book, I guess. nerd pala to? pero hindi halata. parang typical highschool girl lang kasi siya na nag-aaral, nag-babasa, nagagalit.

wala namang masyadong espesyal sa pagkatao niya. well, baka dahil ngayon ko palang siya nakilala. duh first day of school -_-

when I reached my arm chair,agad akong umupo. parang hindi ako makatingin sa kanya.

teka! nababakla na ba ko?! di ako to! 

kaya mo yan Winter! babae lang yan. sisiw na sisiw sayo yan!

paglingon ko sa kanya.

"Hi! I'm Winter. and you are..?"

I extended my arms as if I am hoping my hand would meet hers. but I am wrong.. totally wrong.

 tinignan niya lang ako then balik ulit sa pagbabasa.  waaaaaaaaaaa! bakit?!

ikaw lang gumawa sa akin niyan! ikaw lang ang babaeng hindi nahulog sa makamandag na lason ng mga ngiti ko

Capture an NBSB's Heart (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon