Blythe's pov
3:30 am
Mama: "Anak!! gumising ka na at bumaba para makakain ka na!!"
Ako naman, heto tulog mantika hanggang ngayon, pero nakapag-narrate.
4:30 am
Mama: "Di ka ba bababa dyan? kapag ako umakyat diyan kakaladkarin kita pababa. sige! galit na ko! blah blah blah.."
At agad naman akong natakot sa banta ni Mama, mamaya kaladkarin talaga ako, mahirap na.
"woooow pancakes!"
Sa expression ko palang makikita niyo na ang pagmamahal na namamagitan sa aming dalawa nung pancake. Na para bang siya yung nagmamay-ari nung kalahati ng puso ko.
"Thank you mama!"
So naligo na ako pagkatapos kumain, tapos nagtoothbrush na rin, at kung anumang ritwal na ginagawa ko everyday. Pagkatapos kong gawin lahat ng dapat gawin eh pumasok na ko sa school.
School starts,and it was really a boring day for me. Pagpasok ko ng campus na parang isang normal na student, well, ganun naman talaga ako eh, ganun dapat ako. Habang naglalakad ako papunta sa bulletin board, pinilit kong mag-camouflage sa paligid ko, pinilit kong mag-blend in para hindi ako mapansin ng kahit na sino. Dahil ayaw ko ng crowd or attention ng mga tao, nakakailang sagad. Lumingon-lingon ako sa dinadaanan ko. Iba't-ibang klase ng tao nakapaligid sa akin ngayon
The Norms, pumapasok para lang sa baon; walang ulterior motive o ano pa man, baon lang talaga.
The Buddy Buddy, mga pumapasok na hindi pa nagsasawang makita ang mukha ng tropa sa araw-araw at makakulitan sa chat messages.
The Running for Honor, yung mga pumapasok para may matutunan. Yung mga todong nakikinig sa teachers during lessons and class discussions. At halos i-perfect ang lahat ng test sheets.
The Devotees of 'Forever', yung mga estudyanteng makikita mong bakod na bakod at hindi na kailangan pang lagyan ng nametag na taken sila. Yung mga pumapasok para makipaglampungan sa school gymnasium at canteen.
At heto nanaman ako, hindi makahanap ng paglalagyan. Walang lulugaran. Para akong laging nawawala. Parang laging mali at may mali. Ano nga bang dahilan ko?
**********
While on my way to the bulletin board, napansin ko na pinagkakaguluhan nilang yung board. Eh malamang nandun kasi yung list ng rooms ng lahat ng students so dadaan muna talaga sila dun bago magstart ang class, at dahil medyo may kapayatan ako eh hindi na ako sumingit sa rumaragasang alon ng tao na nagsisiksikan sa harap ng bulletin board. So tumayo na lang ako dun sa may likuran, kung saan walang makakabangga sa akin, kung saan payapa, kung saan walang makakapansin sakin.
Pero mali ako. Halos matulak pa rin ako, masiko at maapakan. Sa dami ba naman ng tao dito no. Pinagsawalang bahala ko na lang kahit nasasaktan ako, wala namang mawawala eh, as long as hindi to dumudugo. Sus simpleng bagay. Di naman ako yung tipo ng babae na ganun kababaw para magalit sa di naman sinsadyang bagay di ba? di naman talaga nila sinasadya di ba? Di lang talaga nila ko nakikita. Mabuti na rin yun.
I'm waiting for the crowd to settle or should I say 'disappear'. Kung possible nga yun. Yung iba kasi nakatambay na lang sa may harap ng bulletin board at nagchichikahan. Ano naman kayang pumasok sa utak nila at dun pa nila naisipan gawin yun. Sa ibang ugar na lang.
When suddenly... May isang lalaking nakapansin na nakatayo lang ako dun.
Nagulat ako dun sa ginawa nung guy kasi bigla siyang sumigaw.
anonymous guy: "HOY!!! TUMABI NGA KAYO!!!"
(pertaining to the crowd) sabay hinawakan niya ko sa palapulsuhan ko or wrist tapos hinigit ako papunta sa bulletin board. What the actual fvck.
anonymous guy: "DI NA KAYO NAHABAG SA NAPAKAGANDANG BINIBINI NA TO NA ILANG MINUTO NG NAKATAYO DUN SA LIKOD AT HINIHINTAY KAYO MAGSIALISAN?! KONTNG RESPETO LANG BABAE TO!"
Isa pang what the fvck.
Anong drama ng tao na to? Ginawa niya yung taliwas sa gusto kong mangyari. He dragged me into the crowd and highlighted my existence. WTF. Hindi ko ma-express kung gaano ako kagulong-gulo sa ginawa ng lalaking to. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kayamot sa pagkakataon na to. I was literally shocked at that moment, ni hindi nga ako nakapagsalita. I mean, what just happened? Did I allow myself to be tugged by a stranger? Baliw ba to? Nananahimik yung tao dinadamay niya? Lulong ba to sa ipinagbabawal na gamot? Sino ba 'to?
BINABASA MO ANG
Capture an NBSB's Heart (KathNiel FanFic)
Fiksi Penggemar❝Tis better to have loved and lost, than to never have loved at all.❞ | cli·ché? nah.