INTRODUCTION

18.4K 291 6
                                    

"Ouch! T-tristan, ano ba? Nasasaktan a-ako! Aray! Tama na p-please.." Hindi makapaniwala ngunit mababakas ang bahid ng takot sa aking mga mata habang nangungusap sa aking asawa.

Hindi ko alam kung anong problema niya. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa.

Kakatapos lang kasi ng kasal namin at dumiretso na kami dito sa sarili niyang bahay pagkatapos naming magtungo sa reception area. Sa totoo lang, hindi naman engrande ang naging kasal naming dalawa. Dahil wala nang ibang bisita kundi ang pamilya ko at ang pamilya niya. Bukod doon? Wala nang iba.

"This is what you want, right?!" Galit na singhal niya habang hinihila parin ang buhok ko paakyat ng hagdan. Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak. Pakiramdam ko kasi ay hinihiwa ang anit ko nang dahil sa pagkakasabunot niya sa akin.

Is this really what I want? Hindi. Sino ba namang babae ang gugustuhing maging nasa posisyon ko ngayon?

"T-tristan tama na please.. I'm b-begging you. N-nasasaktan ako." Pagmamakaawa ko at tsaka ko marahang hinawakan ang kamay niya. Pero as expected, tinabig niya lang iyon at tsaka ako itinulak sa pader.

Tangina. Walang babae ang gugustuhin na maganda ang trato ng kanyang asawa kapag kaharap ang maraming tao ngunit kapag silang dalawa nalang ay daig pa nito ang demonyo.

"Sasaktan kita kung kelan ko gusto, slut. Papahirapahan kita hanggang sa magsawa ako." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tsaka diniinan ang pagkakahawak doon. "Naiintindihan mo?!" Nag-aapoy ang mga mata niya habang tinititigan ako. Nagtatangis ang mga bagang niya habang madiin na binabanggit ang mga salitang yon. Pero hikbi lang ang tanging naisagot ko sakanya. Nanghihina ako. Gusto ko nalang umiyak ng umiyak hanggang sa matapos ito.

Walang babae ang gugustuhin na magkaroon ng asawang may itinatago palang mahabang sungay.

"Kasi tangina! Hanggang ngayon, hindi ko alam kung paano ko naging anak yang dinadala mo!" Madiin akong napapikit ng itinaas niya ang kamao niya. Ilang sandali nalang ay alam kong tatama na iyon sa akin. Pero agad din naman akong napadilat ng maramdaman ko ang paglapat noon sa pader na sinasandalan ko.

"I fucking lost her. I fucking lost the girl of my life, Candice. I fucking lost my everything, because of you." Halos nanggigigil na sabi niya habang nakatingin sa akin. Nanlalabo na ang mata ko at pakiramdam ko ay umiikot na ang paligid ko.

"STARTING THIS DAY, I WILL MAKE YOUR LIFE A LIVING HELL, SLUT." That was the last words I heard from him before I collapsed.

***

This chapter is dedicated to you. Thank you for the cute book cover. Godbless! :*

Our Steamy MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon