Isang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari iyon sa pagitan namin ni Tristan. Iyon na rin ang huling araw ng pagkikita naming dalawa.
Well, sa isang linggong pamamalagi ko dito sa kompanya niya ay masasabi kong maayos naman ang naging lagay ko.Maganda ang trato sakin ng co-workers ko, ganon din naman ang mga heads.
But something is bothering me after that incident. Hindi ko lang alam kung ano 'yon. Masyado kasing napuno ni Tristan ang utak ko at wala na akong ibang naisip kung hindi siya lang.
Yung labi niyang maninipis at mapupula. Yung mga mata niyang nagpapakita ng halu-halong ekspresyon pero kailanman ay hindi mo mababasa. Yung paraan ng paghalik, paghawak at pagtitig niya sakin, it sent shivers down my spine. Alam kong mali pero pakiramdam ko ay simpleng tingin niya pa lang ay mababasa na kaagad ako.
Masyado ko siyang inisip nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung masyado ba siyang naging abala kaya hindi na nasundan ang huli naming pagkikita o baka naman wala talaga siyang ginagawa pero hindi siya nagpapakita dahil hindi naman ako mahalaga?
Tangina naman Candice. Marahas tuloy akong napailing sa naisip ko.
Bakit ba kasi hindi ka maalis sa buong sistema ko? Pakiramdam ko ay naaadik na ako sayo kahit nabastusan ako sa ginawa mo ay hindi ko parin maitatanggi na nagustuhan ko ang paglalapit natin na 'yon.
Napanguso ako habang nilalaro ng likod ng index finger ko ang mga labi ko.
"Oy! Candice!" I snapped back to reality nang bigla akong kalabitin nitong kasamahan ko.
"Ha?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"Sabi ko sasabay ka ba maglunch? Break time na 'teh. Kanina pa kita tinatanong pero mukhang masyadong malalim yang iniisip mo." Binigyan niya ako ng makahulugang tingin tsaka ako nginisihan.
What? Masyado na ba akong nadala ng mga naiisip ko at simpleng pagtawag lang ni Avery ay hindi ko kaagad napansin?
"Ah. Oo sige. Sasabay ako. Pasensya na." Matipid akong ngumiti sakanya.
Nakakahiya naman. Kanina pa yata ako nito hinihintay pero abala ako sa pag-iisip ng kung ano.
Habang kumakain kami sa cafeteria ay hindi ko maiwasang pagbalingan ng inis itong manok na kinakain ko. Halos magkandalasug-lasog na nga ang hitsura nito dahil sa pamamaraan ng pagtusok ko ng tinidor dito.
"Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo. May problema ba?" Mahinang tanong ni Avery na para bang nangungusap ang kanyang mga mata.
"I'm fine.." Banayad ang ngiting isinukli ko sakanya para hindi na siya magtanong pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/45766042-288-k22027.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Steamy Mistake
General FictionAlessa Candice Ramirez made one mistake in her life and that is all she has made. She found out she was pregnant a few weeks after she did it with a total stranger. She had decided to look for a job the moment she knew she messed up everything. She'...