CHAPTER 10

8K 159 3
                                    

Hindi ako mukhang pera at hindi ako tatanggap ng kahit na isang kusing mula sakanya para lang lumayo kami ng anak niya. I will never do that. Malinis ang konsensya ko at wala akong ibang hangad kundi ang makakabuti para sa bata na ito. Dahil hindi pa man siya sinisilang, ay buo na agad ang pagmamahal ko sakanya.

Marahas akong umiling kasabay ng tuluy-tuloy na pagbuhos ng luha ko.

Hindi ako ganoon kababaw. Hindi ako naghahabol o maghahabol sakanya. It's his granny's idea, afterall.

"Hindi ko kailangan ng pera mo." Matigas na sabi ko at tsaka pinunasan ang mga luhang sunud-sunod na tumutulo mula sa mga mata ko.

"Why? Isn't it enough for the both of you?" Nakangising hayag niya na para bang iyon talaga ang dahilan sa hindi ko pagtanggap nito. "Siguro naman, 150 million pesos is more than enough, Candice." Napangiwi ako. Ano bang hindi niya maintindihan doon?

"Hindi ako tatanggap ng kahit na anong pera na galing sayo." I tried to swallow the lump on my throat.

"Tangina! Magpakatotoo ka. Hindi ba't pera ko lang naman talaga ang habol mong puta ka?" Pasigaw na tanong niya at tsaka nagtangis ang bagang niya.

Hindi ko na kaya to. I slapped him.

God knows everything. Wala akong masamang pakay sakanya at mas lalong hindi ko kailangan ng pera niya.

"Kung hindi mo kami matanggap ng batang dinadala ko, itrato mo naman ako bilang tao, Tristan. Kahit yun lang." Nanghihinang sabi ko at tsaka tuluyang lumabas sa opisina niya.

Narinig ko pa ang pagkabasag ng vase kaya napapikit ako.

Nadaanan ko ang sekretarya niya at napapailing ito ng tumingin sa direksyon ko. Nagkibit balikat nalang ako at tsaka tuluyang lumakad paalis.

All I wanna do is to give my child a complete family. Gusto kong maranasan niya kung paano magkaroon ng kompletong pamilya. Gusto kong maranasan niya ang pagmamahal ng isang ama, kagaya na lamang ng pagmamahal sa ibinibigay sa akin ni dad NOON. Bago pa mangyari ang lahat.

Bakit ganito kadamot ang tadhana? Bakit sa dinami-raming tao sa mundo, sa akin pa nangyayari ito?

God, tulungan niyo po ako. Kayo nalang po ang makakapitan ko.

Bumalik ako sa cubicle kung saan ako naka-assign at kinuha ang bag ko. Ito na siguro ang tamang panahon para malaman nila mommy ang tungkol sa batang dinadala ko.

Habang nakasakay ako sa jeep ay wala akong ibang inisip kung hindi ang mga sinabi ni Tristan, ang gustong mangyari ni granny at kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko ang tungkol sa batang nasa sinapupunan ko.

How am I going to tell them that I got pregnant because of a one night stand?
Paano ko sasabihin sakanila na ang CEO ng isa sa mga pinakamalaking kompanya ang ama ng batang ito?

Our Steamy MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon