Maaga akong nagising kinaumagahan. Ang sama ng pakiramdam ko. Hindi pa man ako bumabangon ay ramdam ko na kaagad ang bigat ng ulo ko. Lamig na lamig din ako dahil mukhang nakatodo pa 'yung aircon. I am wearing nothing. Hubo't hubad akong natulog dito sa sahig. Ni unan nga ay wala ako.
I looked at Tristan, he is still sleeping peacefully. Ang amo talaga ng mukha niya kapag ganitong natutulog siya. Gumuhit ang ngiti sa labi ko ngunit agad din naman 'yong naglaho nang maalala ko ang pinaggagagawa niya sa akin kagabi.
Pinasadahan ko ng tingin ang orasahan na nakapatong sa side table. Pasado alas sinco pa lang ng umaga. Makakapagluto pa ako dahil alas otso pa naman ang pasok namin.
Bumangon na ako at tsaka dahang-dahan na pumunta sa closet. Hindi na ako nagtaka nang makita kong nandito na ang mga gamit ko. Kumuha na lang ako ng isang oversized shirt, shorts at undies. Mabilis ko 'yong sinuot at tsaka nagtungo na palabas ng kwarto.
Inilibot ko muna ang tingin ko sa kabuuan ng bahay bago tuluyang nagtungo sa kusina. Sinubukan ko rin kasing hanapin 'yong medicine kit pero wala naman akong nakita. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon dahil kaya ko pa namang kumilos kahit papaano.
Mabuti na lang ay maraming laman ang fridge. Kung hindi ay magdidildil siguro kami ng asin. Simpleng almusal lang naman ang niluto ko. Okay na siguro itong bacon, egg at fried rice. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong pagkain ang hilig ni Tristan. Maybe, I should ask granny some other time.
Umakyat ulit ako papunta sa kwarto upang tawagin sana si Tristan pero nadatnan ko siyang mahimbing paring natutulog. Hindi ko naman siya pwedeng gisingin dahil baka bulyawan niya lamang ako. Sobrang napagod siguro siya sa mga nangyari kahapon.
Nagpasya na lang akong maligo na muna. Baka kasi paglabas ko ng banyo ay gising na siya.
Sinimulan ko nang buksan ang shower. Hinayaan kong dumaloy ang nalamig na tubig sa aking katawan para mawala ang mga iniisip ko.
Hindi ko alam kung kahibangan ba ito dahil hanggang sa pagligo ay si Tristan parin ang naiisip ko. One day, alam kong magbabago din ang oananaw niya pagdating sa akin at sa magiging anak namin.
Mabilis ko nang tinapos ang paliligo. Buong akala ko ay mahihimasmasan ako at tuluyang mawawala ang bigat ng ulo ko pero mukhang mas lalo pang lumala ang nararamdaman ko.
Pinatay ko na ang shower at tsaka hinablot ang towel na malapit sa akin. Tinuyo ko na muna ang katawan ko at tsaka iyon inikot sa buhok ko. Sinuot ko na din ang bathrobe bago tuluyang lumabas ng banyo.
Tinignan ko ulit si Tristan ngunit mahimbing parin siyang natutulog. Dumiretso na lang ako sa closet at tsaka muling humugot ng damit.
Nakasimpleng black pencil skirt lang ako na 2 inches above the knee ang haba at tsaka ko nituck-in ang white spaghetti strap ko na pinatungan ko ng itim na blazer. Tinernuhan ko na lang ito ng wedge shoes na 3 inches ang taas.
Marahan akong lumakad papunta sa harap ng salamin ngunit nakaramdam na naman ako ng pagkahilo kaya napakapit ako sa handle ng closet, kasabay noon ang maririing pagmumura ni Tristan.
"Fuck! Why didn't you fucking wake me up? It's already 7 o'clock, Alessa!" galit na untag niya sa akin.
Hindi naman ako makatingin sakanya ng ditretso dahil bigla talagang umikot ang paningin ko.
"S-sorry." ani ko sa mahinang boses.
"Sorry? Damn it! I have a lot of things to do but it seems like I won't get a lot done today because of you!" narinig ko pa ang ilang mura niya bago lumapit sa kinaroroonan ko.
BINABASA MO ANG
Our Steamy Mistake
General FictionAlessa Candice Ramirez made one mistake in her life and that is all she has made. She found out she was pregnant a few weeks after she did it with a total stranger. She had decided to look for a job the moment she knew she messed up everything. She'...