CHAPTER 2

12.6K 237 1
                                        

Marahan kong pinunasan ang pawis na namumuo sa noo ko habang nilalakad ko ang kahabaan ng over pass. Ngayon kasi ang interview ko doon sa kompanyang in-apply-an ko noong nakaraang linggo.

Kung bakit ba naman kasi ako ipinanganak ng isa't kalahating tanga, e. Pati pagdadala ng payong, kinalimutan ko pa.

Tirik na tirik pa naman ang araw at medyo mahapdi kapag tumatama sa balat. Ayan Candice, magdusa ka.

Bigla namang lumapad ang ngiti ko nang maaninag ko na ang pangalan ng malaking kompanya na in-apply-an ko.



"Del Tierro's Empire.. Sa wakas!" Naibulalas ko sa sarili ko.

Hanggang sa makarating ako sa entrance ng kompanya ay hindi parin maalis ang ngiti ko. Na-weirdo-han nga siguro sakin si manong guard dahil nangingiti akong mag-isa dito. Eh bakit ba? Masaya lang naman ako. Nararamdaman ko kasi na itong kompanyang ito ang pag-asa ko.

Nararamdaman ko kasing para sa akin ang trabahong ito. Oo, para sa akin na talaga ito.

"Good morning po!" Masayang bati ko kay manong guard. Kaya naman nginitian niya din ako at itinanong kung ano daw ang kailangan ko.

Ipinakita ko nalang sakanya ang hawak ko at tsaka ko sinabing ngayon ang araw ng interview ko, kaya agad din naman niya akong pinapasok sa loob.

Itinuro niya lang sakin ang opisina ng boss at tsaka ako nagpasalamat bago tumuloy doon.

Okay, Candice. You can do it. Hindi mo naman ito first time para kabahan ka ng ganyan.

"Ma'am, it's your turn na po." Magiliw na sabi sa akin ng sekretarya kaya mabilis naman akong tumayo at tsaka tinungo ang pinto ng opisina ng boss.

Ilang buntong hininga pa ang pinakawalan ko bago ako kumatok.

"Come in." Malamig na sabi ng boss. Kaya naman binuksan ko na ang pinto.

Nakaharap ang swivel chair niya doon sa malaking glass wall ng opisina niya. So bale nakatalikod siya sakin kaya hindi ko makita kung matanda na ba ang boss or yummy pa. Napailing nalang ako sa naisip ko. "Magtigil ka, Candice!" bulong ng subconscious ko.

Wag ka munang uupo Candice, hangga't walang sinasabi ang boss. Baka hindi ka nyan matanggap dahil unang kita palang, panget na agad ang impression niya sayo. Sabi ko pa sa isip ko.

"Have a seat, Miss Ramirez." Ma-awtorodad na sabi niya at tsaka inikot ang swivel chair paharap sa akin.

Nigla namang nanlaki ang mga mata ko ng ma-realized ko kung sino siya.

Shocks! Those lips.. It made me want to kiss him again. My god, Candice! What are you thinking? Boss mo siya kaya isantabi mo muna kung ano ang nangyari sa inyong dalawa.

"You're wasting my time, Miss Ramirez." Madiing sabi niya kaya naman bigla akong nabalik sa realidad.

"I'm sorry, s-sir." Paghingi ko ng tawad at tsaka dumiretso doon sa couch na kaharap ng table niya.

Tinignan niya naman ako na para bang dahan-dahan niya akong sinusuri. Nanginginig kong sinalubong ang titig niya.

Fuck! Why is he looking at my lips? Bigla ko tuloy nakagat ang ibabang labi ko sa thought na gusto niya akong halikan.

Diosko! Nagkakasala ako nang dahil sa lalaking kaharap ko. Kasi naman, why does he have to be so handsome?

Marahan siyang tumikhim kaya naman bigla akong napaayos ng upo. Ibinalik niya ang tingin doon sa resume ko at tsaka muling nagsalita.

"So, you are Mr. Ramirez' daughter, huh?" Paniniguradong tanong niya sabay ngisi.

Kinilabutan tuloy ako sa ngisi na yun. I don't know if that's a good thing or a bad thing. Basta ang alam ko lang, ibang-iba siya noong una ko siyang Makita. He was so hopeless and lovely that time. Pero sa nakikita ko ngayon, he is a dominant jerk.

"Yes, sir." Sagot ko bilang pagkumpirma sakanya.

Hindi naman na ako magtataka kung bakit niya kilala ang daddy ko. My dad was one of the famous business men in the business industry. But that was before, nung hindi pa siya nagkakasakit.

Nagkasakit kasi ang daddy kaya nalugi ang kompanya at lahat ng ari-arian niya ay naibenta na. Our house is the only thing that left to us. Yun nalang ang natira sa mga ipinundar ng daddy. Simula noon ay ako na ang nagtrabaho para sa pamilya namin. Ayoko na din namang pagtrabahuhin pa ang mommy.

Kahit ako nalang ang mahirap, wag na sila. Because I love them to death. Kasama na ang mga kapatid ko. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para lang matustusan ang pangangailangan nila.

Natigilan ako nung magsalita siya.

"You're hired." Seryosong sabi niya at tsaka ako tinitigan. Titig na para bang gusto niya akong hubaran.

Nakakakilabot na titig.

So, I'm hired. That fast, huh? I thought, I'm here for an interview. What happened now? I don't know what to feel.

I'm so happy yet so sad. I don't know if this is a good idea.




Because the stranger who got my virginity is now my boss.

Our Steamy MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon