Ilang araw na din simula nang makausap ko si Amy. At kagaya nga ng sinabi ko sa sarili ko, mas pinili ko nalang na ipagpaliban ang pagsasabi ko sakanya ng problema ko. Hindi ko alam kung problema nga ba yon o masyado ko lang talagang iniisip kaya nagiging problema na ang dating sakin.
She has her own life and own problem to fix, kaya naman mas maganda siguro kung sasarilinin ko nalang ito. Maliit na bagay lang naman ito kumpara sa sarili niyang problema. Kinakaya niya nga eh, dapat ako din.
Kung kaya niyang maging malakas para sa akin, kaya ko din maging matatag para sakanya.
At nitong mga nakaraang araw ay aaminin ko na hindi maganda ang pakiramdam ko. Palagi nalang kasi akong nakakaramdam ng pagkahilo at kung minsan ay hindi maganda ang lagay ng sikmura ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay para itong hinuhukay sa loob na nagiging sanhi ng pagduduwal ko.
Napapikit ako ng mariin. Eto na naman ang biglaang pag-ikot ng aking paningin. Sinubukan ko pang humawak sa sofa para naman may alalay ako pero hindi ko rin nakayanan kaya napagdesisyunan ko na umupo nalang.
Nakakainis naman. Ngayon pa nakisabay ito. Ilang minuto nalang at kailangan ko nang pumasok sa trabaho. Malas talaga ang araw na ito para sakin. Bahagya akong napailing.
Ilang sandali pa nang bigla akong mapatayo at mapahawak sa tiyan ko. Eto na naman. Nakakaramdam na naman ako ng pagkahilab na para bang hinuhukay ang kaloob-looban ko.
Dumiretso ako sa banyo at mabilis na dumiretso sa may sink. Naghilamos ako at tsaka humarap sa salamin.
Nakahawak ako sa kabilang dulo ng sink bilang pag-alalay at tsaka marahang yumuko upang hindi masyadong maramdaman ang biglaang pagkahilo.
Muli akong napapikit. Pilit kong inaalala kung ano ang mali at kung ano ba ang mga ginawa ko nitong mga nakalipas na araw kung bakit ako nagkakaganito.
Sa pagkakatanda ko kasi ay kumakain naman ako sa tamang oras at hindi nagpapalipas kaya imposible na ulcer ang dahilan ng lahat ng ito. Wala din naman akong nakain na kung anong pagkain para magkaganito. Wala naman akong natatandaan na pagpapabaya sa sarili ko. Hindi rin naman ako nilalagnat kaya hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
Lumabas ako ng banyo at muling umupo sa sofa. Konting pahinga lang at maya-maya ay aalis na ako upang hindi ako mahuli ng pasok sa trabaho. Mahirap na at baka masisante ako.
Pinasadahan ko ulit ng tingin ang orasan na nakasabit sa dingding. 7:30 AM. Sampung segundo nalang ay tatayo na ako. Sakto lang naman ang oras. Paniguradong makakarating ako don nang hindi nale-late. Kinse minutos lang naman ang byahe ko papunta sa Del Tierro's Empire.
Natapos na ang sampung segundo kaya dahang-dahan akong tumayo. Hindi ko maitatanggi na medyo umiikot pa ang paningin ko pero tantsa ko naman na kaya ko na.
Pumunta ako sa dining room upang makapagpaalam na kila mama na aalis na ako upang pumasok sa trabaho. Agad naman siyang yumakap sa akin at pinaalalahanan ako na mag-ingat. Mom will always be mom.
Binaybay ko ang kanto papunta sa terminal ng jeep. Nakahinga naman ako ng maluwag nang madatnan ko na wala doon si Kaloy. Siguro ay sumabit yon sa isang jeep kaya wala dito. Pero mabuti narin 'yon dahil mas lalo lang papanget ang araw ko kung sakaling nandito siya. Makulit kasi ang isang 'yon at wala ako sa mood ngayon. Isa pa, baka lalo lang sumama ang pakiramdam ko dahil sa baho ng hininga non.
Napangisi ako ng mapuno na ang jeep na sinasakyan ko. Senyales kasi ito na aandar na ito. Sa loob ng kinse minutos ay nakadungaw lang ako sa bintana ng jeep. Nakakainis kasi itong katabi ko. Ang sarap higitin ng buhok. Halos ipakain na yata sa akin yung buhok niyang kinukuto na ata sa sobrang tigas. Napangiwi ako. Sumiksik na lamang ako sa katabi ko sa bandang kanan at tsaka pinagmasdan ang mga sasakyang nag-uunahan sa pag-andar.
Kung marunong lang sanang magbigayan ang mga tao, edi sana walang traffic at walang magaganap na aksidente sa kalsada. Sa isip-isip ko.
Totoo naman. Tayong mga tao lang din naman ang gumagawa ng sarili nating kapahamakan. Kagaya nalang sa traffic light. Kapag nagkulay orange ang stop light, imbis na mag slow down ay bibilisan parin ang pag-andar dahil senyales iyon na malapit nang magkulay pula ang ilaw. Kapag kulay pula naman imbis na tumigil ay papaandarin parin ang sasakyan.
Kung mga simpleng bagay at mga pagsunod nga lang sa batas ay hindi pa magawa, paano nalang uunlad itong ekonomiya ng bansa?
Bigla namang sumilay ang ngiti sa aking labi nang matanaw ko na ang kompanya na pinagtatrabahuhan ko. Konting lakad nalang sa over pass at mararating ko na iyon.
Tirik na tirik ang araw nang umpisahan ko nang lakarin ang kahabaan ng over pass.
Wala na naman akong dalang payong. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at tsaka nagsimula na ulit maglakad. Mukhang nasalo ko na talaga lahat ng kamalasan ngayong araw. Sa susunod nga ay ipaalala niyo naman sa akin na magdala ng payong dahil hindi biro ang hapdi na dulot ng pagtagos ng araw sa aking balat. At tsaka sayang din ang pambili ng gluta.
Hindi bale, konting tiis nalang at malapit ko nang marating ang dulo nito. Hingal na hingal man ay pilit ko paring binilisan ang lakad ko.
Nang makababa ako sa over pass ay pinunasan ko ang pawis na namumuo sa noo ko. Umagang umaga ngunit amoy araw na agad ako. Nakakahiya naman sa mga katrabaho ko.
Isnag malapad na ngiti at masiglang good morning ang iginawad ko kay manong guard. Dirediretso ako papunta sa elevator dahil baka mahulo na ako. Agad kong pinindot ang button papunta sa 15th floor. I still have 5 minutes left. Paalala ko sa sarili ko.
Nang makalabas ako ng elevator ay nakaramdam na naman ako ng pagkahilo. Nasapo ko ang ulo ko at tsaka huminto upang makahawak sa pader. Ano ba naman ito? Bakit ngayon pa kung kelan office hours?
Naramdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng katawan ko kaya napapikit nalang ako. Isa lang ang alam ko sa ngayon; may mga yabag na papalapit dito sa kinaroroonan ko.
God, thank you po.
May naramdaman akong umaalalay sa akin ngunit agad din naman niya akong binitawan ng marinig niya ang isang sigaw.
"Fuck! Don't touch her! Damn it!" Nagmula ang sigaw na iyon sa isang pamilyar na boses.
What's happening? Sinubukan kong idilat ang mga mata ko ngunit nanlalabo na talaga ang paningin ko. Hindi ko na rin kilala kung sino itong bumubuhat sa akin. Ngunit nasasamyo ko ang isang pamilyar na amoy.. pamilyar na amoy na hindi ko naman matukoy-tukoy.
"Fucking wake-up!" Madiin ngunit natatarantang bulong niya pero hindi iyon naging hudyat upang idilat ko ang aking mga mata.
"Bullshit!" Napapaos na sigaw niya kasabay ng isang malalim na buntong hininga.
Ilang mura pa ang narinig ko mula sakanya before I passed out.
BINABASA MO ANG
Our Steamy Mistake
General FictionAlessa Candice Ramirez made one mistake in her life and that is all she has made. She found out she was pregnant a few weeks after she did it with a total stranger. She had decided to look for a job the moment she knew she messed up everything. She'...