Agad siyang bumaba sa sasakyan niya nang makita niya akong nakatingin sa gawi niya.
Nakangisi siya habang palapit na lumalakad papunta sa akin. Naiinis ako kaya isang matinding irap lang ang isinukli ko sakanya.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ko sakanya kasabay ng pagtaas ng aking kaliwang kilay.
"I'm here to fetch you, Candice." Sinserong sabi niya at tsaka ako binigyan ng matamis na ngiti, na para bang balewala lang sakanya ang pagkainis na nabubuo sa sistema ko.
"Hindi ako disabled, Austin. Kaya kong pumunta sa bahay niyo ng mag-isa!" Naiiritang sumbat ko sakanya. Totoo naman. I can go there alone. Malaki na ako, kaya ko na ang sarili. He does not have to treat me like a disabled one 'coz I really am not.
"Ano ba ang ikinagagalit mo? Nagmagandang loob lang naman ako. Gabi na, baka mapaano ka pa. Hindi ko 'yon kaya. Don't worry, it's not like I'm courting you once again." Seryosong sabi niya at tsaka dire-diretsong binuksan ang pinto ng driver's seat. "Sumakay kana, Candice." Napapaos na sabi niya at tsaka nagtungo sa loob ng kotse niya.
Napapikit ako ng mariin. This is not so him. Sorry, Austin. But you deserve someone better. Hindi ang kagaya mo ang para sa katulad ko. Mahahanap mo rin ang the one mo. Tipid akong ngumiti at tsaka dumiretso sa front seat.
Well, knowing him. Ayaw niyang nagmumukhang driver siya.
He started the engine. Nang mapatingin ako sakanya ay biglang nagtangis ang bagang niya at diretsong tumingin sa daan.
It's been a year at masasabi kong madami na talagang nagbago sakanya. Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko ay sobrang bilis na niyang sumeryoso ngayon?
"Kelan ka pa umuwi? It's been a year since the last time I saw you!" Masiglang panimula ko para mabasag ang katahimikan na bumabalot sa amin.
Kung hindi ko kasi ito gagawin ay patuloy lang na magiging awkward ang atmosphere dito sa loob ng sasakyan niya.
"First week of the month." Matipid na sagot niya, hindi parin naaalis mga mata sa daan.
So, last week pa pala siya nandito? Hindi na talaga ako updated.
"Oh, I see. So, how are you?" Nakangiting dugtong ko.
"I'm good, Candice." Pinasadahan niya ako ng tingin ngunit ng mahuli ko ang mga mata niya ay agad siyang nag-iwas ng tingin at mabilis itong ibinalik sa daan.
"Good to know." Tipid na sabi ko. Hindi na ako nag-abala pang magtanong ulit dahil hindi narin naman siya nagsalita. At kung sakali man ay siguradong tipid na sagot lang ang ibibigay niya sa akin.
Well, change is constant. It's inevitable kaya hindi na ako magtataka.
Humilig nalang ako sa gilid at tsaka nanahimik. Isang oras ang byahe papunta sa hacienda ng mga Montealegre kaya mas mabuti pang panoorin ko nalang ang pag-andar ng mga sasakyan kaysa kausapin itong lalaki sa tabi ko.
"Candice, we're here already." Nagising ako sa pagtapik ni Austin sa pisngi ko. Damn. Di ko namalayan na nakatulog pala ako.
"Nakatulog ako. Sorry." Nahihiyang sabi ko at tsaka kinusot ang mga mata ko.
Agad siyang humiwalay sakin at tsaka nagmadaling bumaba sa sasakyan. Bababa na nga sana ako ngunit naunahan niya akong buksan ang pinto ng kotse.
"Salamat.." Tanging salitang nasambit ko. At tsaka siya binigyan ng isang matamis na ngiti.
"Let's go." Nauna na siyang maglakad papasok sa loob ng mansyon nila kaya naman sumunod nalang ako.
There, I saw Amethyst sitting on the couch while watching. Agad naman siyang napatayo ng makita ako at tsaka nagbeso at yumakap ng mahigpit.
"Where's Tita Anj?" Tanong ko nang makawala sa yakap niya.
"Oh my gosh! It's been a while, Candy! I missed you so so much. Btw, mom's with dad. Dadating din yon mamaya." Masigasig na bati niya at tsaka ako hinila papunta sa dining room nila.
"I missed you more, Amy!" Pinakatitigan ko siya ngunit agad din siyang nag-iwas ng tingin at dumiretso papunta sa fridge.
Nahalata ko kasing namamaga ang mata niya.
"Kumain ka na muna." Umupo siya sa silya na katabi ng inuupuan ko nang mailapag niya na sa lamesa ang ibinasta niya pagkain para sa akin.
"Tell me what's wrong, Amy." Binitawan ko ang kutsara na hawak ko at tsaka hinawakan ang kamay niya na nasa lamesa. "I'm just here to listen." Isang masugit na ngiti ang ipinakita ko sakanya.
"There's nothing wrong, Candy. Okay ako. Hindi ba't ikaw itong may ik-kwento?" Nakangiting sagot niya pero umiling lang ako sakanya.
"Wala akong ik-kwento. I just missed you kaya ako nagpunta dito." Nakagat ko ang ibabang labi ko. Siguro sa susunod nalang ako magkw-kwento. Ang importante, si Amy. She knows how to handle her problems and she's really trying her best to hide it right now. But I know her very well and my instincts never failed me.
Talaga naman. Kahit dulo ng kuko niya ay kilala ko na kaya hindi siya pwedeng maglihim sakin. Maloloko at makakapaglihim siya sa ibang tao pero hindi sakin.
"I'm sorry to blow your bubbles, Amy. But you can't fool me. You can hide your pain from everyone, pero hindi sa akin." Nakangiti pero umiiling na sagot ko sakanya.
Nagpakawala lang siya ng isang buntong hininga at tsaka mabilis na nag-iwas ng tingin sakin.
"I told you, I'm fine. Wala kang dapat ipag-alala. And besides, it doesn't matter." Tugon na at tsaka ngumiti ng tipid.
"It does, Amy! Your pain is also my pain because I am your bestfriend." Pabulong na sigaw ko sakanya at tsaka hinawakan ang braso niya. "C'mon. Tell me, I'm all ears."
Pinakatitigan ko siyang muli at nang mahuli ko na ang mata niya ay bigla namang bumuhos ang luha niya.
"It's fucking hard! Oh hell. All my life, s-sinubukan kong itago ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kasi ayokong maging mahina. A-ayokong makaramdam ng sakit. That's why I tried my best to escape and avoid the pain." Humihikbing panimula niya. "But you know what? I just realized that it's better to feel all the pain than to feel nothing at all." Dugtong niya pa.
"I guess, I made the right decision. Well, I know that it's better to leave him than to stay with him." Ngumiti siya ng mapait. "Mahal ko ang asawa ko pero mas mahal ko ang anak ko." Pinunasan niya ang mga luha na dumadaloy sa pisngi niya.
"You know, it's not bad to cry your heart out sometimes." Tumingin siya sakin kaya naman nagtawanan kaming dalawa.
I really hope so, Amethyst. Sana lang ay ginawa mo talaga kung ano ang tama.
***
I don't give too much information 'bout Amethyst and Austin bc obviously may sarili silang story. You can check it out, if you want. Thank you.
BINABASA MO ANG
Our Steamy Mistake
General FictionAlessa Candice Ramirez made one mistake in her life and that is all she has made. She found out she was pregnant a few weeks after she did it with a total stranger. She had decided to look for a job the moment she knew she messed up everything. She'...