Nagising ako sa loob ng isang kwarto. Dahang-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sinubukan kong ilibot ang paningin ko sa loob ng silid na ito.
Pero bakit ganon? Puro puti lang ang nakikita ko. Dumako naman ang tingin ko sa swerong nakakabit sa aking kamay. At doon ko lang napagtanto na nawalan nga pala ako ng malay kanina.
Pilit kong inalala ang mga nangyari bago ako himatayin.
Isang lalaki.. Isang lalaki ang nagdala sa akin dito. Kung ganon, nasaan na siya ngayon?
Bigla namang bumukas ang pinto kaya lumipad doon ang mga mata ko. Iniluwa noon ang isang doktor at isang nars na nakangiting papalapit sa akin. Agad akong napabalikwas.
"Who brought me here? Anong nangyari sa akin?" Bungad ko sa nars na unti-unti nang inaalis ang swero na nakalagay sa kamay ko.
Napangiwi ako. Ang bigat kasi ng kamay ng isang ito.
Pilit kong hinahanap ang sagot sa kanyang mga mata ngunit tanging ngiti lang talaga ang isinusukli niya sa akin.
Bumaling naman ang tingin ko sa doktor. Kagaya ng nars, hindi parin pumapalahaw ang ngiti sa kanyang mukha.
"Congrats, misis. You are 3 weeks pregnant!" Magiliw na saad niya. Ngunit para bang nawalan ako ng lakas dahil sa kanyang balita.
May bata sa sinapupunan ko? Nagbunga yung nangyari sa aming dalawa? Totoo ba itong naririnig ko?
"So, extreme unexplainable fatigue is probably the most common sign of early pregnancy. Kaya it's fine kung madalas kang makaramdam ng pagkahilo. Nausea with or without vomiting and food aversions or cravings are really normal symptoms of pregnancy. Kaya hindi ka dapat mabahala. Sa ngayon, maaari ka nang makalabas, misis. I will just reschedule you for the next check-up. So paano yan, maiwan ko na muna kayo." Dagdag niya pa at tsaka naglakad palayo. Sinundan ko siya ng tingin ngunit mas napukaw ng atensyon ko ang isang lalaki na nakatayo malapit sa pintuan ng silid na ito.
You mean, kanina pa siya nandito? And wait, what is he doing here?
Tumingin ako sa nars na natigilan sa kanyang ginagawa. Nakatingin din pala siya sa direksyon na kinaroroonan ng lalaking ito. Pero noong nahuli ko na ang kanyang mga mata ay agad naman siyang nag-iwas ng tingin at tsaka nagmadali sa paglilinis ng kamay ko dahil may naiwan pa doon na bakas ng tape.
"Hmm. Ma'am, okay na po. Sige po, maiwan ko muna kayo ni sir." Malumanay na paalam ng nars at tsaka tuluyang kinabit sa kamay ko ang tape na may bulak. Tinanguan ko nalanh siya bilang pagtugon.
This time ay bumaling na ulit ang tingin ko kay Tristan na nakasandal sa pader na katabi ng pintuan. Nakalagay ang isang kamay niya sa kanyang bulsa habang ang isa naman ay nakapirmi lang sa kanyang baba. Kung titignan mo ay para siyang may malalim na iniisip.
Nag-angat siya nang tingin kaya bigla ko namang binawi ang mga mata kong nakapako sa kanya. But.. It's just that I can't resist his hotness that's why I tried to look ay him once again.
Tumikhim siya at tsaka naglakad palapit sa aking gawi.
"Are you feeling okay now?" Malambing na tanong niya. Anong meron? Bakit bigla atang naging anghel ang demonyong gwapo na ito?
"I am." Halos walang boses na sagot ko sakanya.
"You should take a rest, Candice. Ihahatid na kita." Hindi parin nawawala ang lambing sa kanyang boses. Seriously. What the hell is happening here?
"I'm fine, sir. I can manage." Umiiling na sagot ko.
"No. I'm the one who brought you here. So I should be the one to bring you home also." Diretso ang tingin niya sa aking mga mata ngunit wala akong mabasang emosyon doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/45766042-288-k22027.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Steamy Mistake
General FictionAlessa Candice Ramirez made one mistake in her life and that is all she has made. She found out she was pregnant a few weeks after she did it with a total stranger. She had decided to look for a job the moment she knew she messed up everything. She'...