CHAPTER 12

11.2K 243 25
                                    

Ilang araw na rin ang lumipas simula noong umalis ako sa puder nila mommy. And according to her, under recovery na daw si dad. At hindi kagaya noong mga unang araw ng labas nito sa ospital, malaki na ang pinagbago niya ngayon. And yes, makakadalo daw sila sa kasal ko mamaya.

Oo, ikakasal na ako kay Tristan. Simula kasi noong umalis ako sa amin ay bigla nalang akong pinuntahan ni granny sa maliit na apartment na tinutuluyan ko. Sinabi niyang kailangan na naming magpakasal ni Tristan sa lalo't madaling panahon dahil lumalaki na ang tiyan ko. At pinilit niya din akong lumipat sa mansion nila dahil wala naman daw siyang ibang kasama bukod sa mga kasambahay at nabuburyo daw talaga siya. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kalakas ang radar ng lola niya. Maybe she hired a certain private investigator to look after me. Pinagkibit-balikat ko nalang iyon at tsaka inabala ang sarili ko sa paliligo. Tumayo na ako sa bath tub at tsaka tumuloy sa shower room.

Kailangan ko nang bilisan at baka naghihintay na sa akin yung make-up artists na ni-hire ni granny para ayusan ako ngayong araw.

Pagkayari ay nagsuot na ako ng robe at tsaka lumabas sa washroom. At tama nga ako, mukhang kanina pa sila naghihintay sa akin.

Tinapunan ko lang sila ng matamis na ngiti at tsaka umupo sa tapat ng salamin. Nang akmang susuklayin ko na ang buhok ko ay bigla naman nagsalita yung babaeng chinita. Tantya ko ay nasa early 20's lang ang edad niya.

"Ako na po, ma'am." Nakangiting sabi niya at tsaka kinuha sa akin ang suklay na hawak ko. Hinayaan ko nalang siya at hindi na tumutol pa. "Monica po pala, ma'am. Ako po ang hairstylist niyo for today." Tumingin naman siya sa salamin na para bang hinahanap ang mga mata ng dalawa niyang kasamahan.

"Yung nasa left niyo naman po ay si Mae." Pakilala niya doon sa babaeng may mahabang buhok. "At yung nasa right niyo naman po ay si Ednalyn, your make-up artists for today." Bumaling na din ang tingin ko sa salamin at tsaka sila kiming nginitian. Magaganda sila at nasa itsura talaga nila ang propesyon nila. They are all nice kaya naman hindi na ako nahirapang makipag-usap sakanila.

Matapos ang ilang oras ay tapos na nila akong ayusan. Magagaling sila at hindi nagkamali ang granny sa pagpili sakanila. Halos hindi ko na nga makilala ang sarili ko dahil sa laki ng iginanda ko. Hindi ko rin naman kasi alam na may igaganda pa pala ako.

Kumislap ang mga mata ko nang muli akong humarap sa full length mirror. Hindi parin ako makapaniwala. Kahit simple lang ang gown na suot ko ay lutang na lutang parin ang ganda ko. Simple pero elegante. Nakailang pasalamat pa ako sakanila bago dumiretso sa sala kung nasaan si granny. Nang makarating ako sa harap niya ay gaya ko, bakas din sa kanyang mukha ang pagkamangha. Marahan niya naman akong niyakap at tsaka nagbilin ng kung anu-ano bago niya ako pasakayin sa puting kotse. Natawa nalang ako. Granny will always be granny.

Hanggang ngayon ay parang bumabaliktad parin ang sikmura ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano napapayag ni granny si Tristan na magpakasal sa akin. Dahil base sa huli naming pag-uusap ay gusto niyang lumayo kami ng batang dinadala ko.

Namamawis ang kamay ko nang makarating kami sa simbahan. Pagkabukas nang malaking pinto ay nagsimula na akong maglakad sa red carpet. There, I saw the man who impregnated me. He is staring at me coldly. Walang bahid ng kahit na anong emosyon. Mahirap paring basahin gaya ng dati.

Our Steamy MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon