Chapter 21 (Checkmate)

174 16 8
                                    

Hours passed by at nag uwian na. Hindi na kami nag usap ulit.
Maybe okay na din yun. Di pa din naman ako ready na harapin sya. But I feel relieved now that I finally confessed my feelings for him.

***********

Kasey's POV:

"Five hundred seventy eight thousand one hundred thirty six, Five hundred seventy eight thousand one hundred thirty seven, Five hundred seven---"

KRIIIIIIING!!! KRIIIIIING!! KRIIIIIIING!!!

Aaargh. Lesheng alarm yan. Kinapa ko yung alarm clock at pinatay ito. Takte. Umaga na pala. Gosh.

Bumangon ako sa kama. Waaaaaaaa. Ang sakit ng ulo ko. Sobra. T.T Medyo natutumba pa ako sa kahiluhan.

Humarap ako sa salamin. Mumukat mukat akong nagmulat at tumingin dito.

-_-

-_o

o_O

O_O

"WAAAAAAAAAAA!!!!!"

I looked thoroughly on the mirror. What. The. Hell. Ang laki ng eyebags koooooo!!!! No. No. No. No. No. This can't be happening. It's like. Argh. Parang paga yung mata ko. T.T

Eron, I really really really really really really hate you! This is all because of you. Hindi lang naman ako nakatulog ng magdamag dahil sa confession nya. Gosh. Nakakainis. I ended up counting sheeps. Pero hindi pa din talaga ako nakatulog.

Yun bang feeling na iniisip ko kung talaga bang may gusto din sya sakin. O baka naman pinag tritripan nya lang ako.

Syempre. Lahat na siguro ng lalaki pwedeng magkagusto sakin. Pero si Eron? Imposible. Ang hirap maniwala. Ang hirap mag assume. Baka umasa lang ako. Choss! Ang drama ko na. Hahaha.

Naghilamos na ako at bumaba para kumain.

************
.........* Campus Hallway

Grabe. Bakit ganito? Sobra akong kinakabahan. Pakiramdam ko mapapahiya ako. Lalo na kay Eron. Gosh. Di ko pa kayang humarap sa kanya. Waaaaaaaa. Nakakahiya.

Pumasok na ako sa room. I sat beside him. Grabeee. I can feel the tension between us. Walang umiimik samin. Parehas naming pina pakiramdaman ang isa't isa.

"A-About yesterday...." he spoke softly.

Gulp. Ito na ito na. Magtatanong na sya >.< !!!
I looked at him slowly.

"W-What did you mean by what you said? D-Do you really..." sabi nya habang nakatungo.

Gosh! Sinasabi ko na nga ba! Kaya mo 'to Kasey. Inhale, exhale. Aja!

"Umm... Actually, totoo lahat ng sinabi ko. I-I really....."

Nakatingin kami sa isa't isa. Gulp. Pinagpapawisan ako.

"Good morning class."

Napatingin kami sa unahan. Tsk. Nandito na pala si mam. Hay buti naman. Akala ko masasabi ko na talaga.

I looked at him. Para syang disappointed. Sigh. Buti na nga lang di natuloy eh.

Dumaan pa ang ibang subjects at hindi na ulit kami nagpansinan. Parang nalapit sya sakin pero eto naman ako, iwas ako ng iwas sa kanya.

Hay boring. Gustong gusto ko syang kausapin. Kaso di ko alam kung pano ko sisimulan. Tsaka gusto ko sya ang mauna makipag usap sakin. Hahaha. Pabebe na kung pabebe. Pero di ko talaga kaya :(

Lumabas ako ng room at pumunta sa cr. Mag aayos muna ako. Someone suddenly pulled my arm and pushed me against the wall.

"E-Eron?! Anong ginagawa mo?!" I shouted in shock.

A Playful LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon