Epilogue

267 21 10
                                    

Kasey's POV:

"Four guests na lang ang hinihintay natin then kumpleto na tayo." Sabi ni Steph habang nag susulat sa papel. She looks gorgeous in her cocktail dress.

"Kasey!" Lumingon ako sa likod. Tumatakbong papalapit sakin si Eron na may dalang baso.

"Wanna drink?" He asked and gave me the glass.

"Mamaya na. Pag dating nilang lahat." I answered.

Bagay na bagay talaga kay Eron ang tuxedo. He looks so stunning.

Two weeks ago, umuwi na kami dito sa Manila ni Eron. Kinabukasan umuwi na din si Tristan. Ayaw nya lang daw sumabay sa amin.

It's our Graduation day today. Actually tapos na sya kanina. We're having our Graduation Ball in a formal attire. Finally, we're done in senior high!

Accountancy ang kukunin kong course sa college, parehas kami ni Eron. Si Steph naman ay Education, Major in Mathematics at si Jeff ay Engineering. Dito pa din kami sa Hakuou Academy mag aaral. Well dito naman kasi nagsimula ang lahat.

Dito sa hotel ang venue ng Graduation Ball namin. Ang daming pagkain, tables, chairs, disco lights, may DJ at sound system.

"Hi guys!" Napalingon kami sa pinto. Naglalakad papalapit samin sina Xavier at Mika. They look so cute together. I'm so happy for the both of them.

Nag beso beso kami sa isa't isa at umupo na sa mga upuan namin.

"Ilan na lang ang kulang?" Tris asked.

"Dalawa na lang. Asan na kaya ang dalawang yun?" Steph answered while looking around.

"Present!" Sigaw sa likod.

Tumayo kami para salubungin sila.

Tinutulak ni Alex ang sinasakyang wheelchair ni Lucy. Okay na naman sya pero bilin ng doktor which turns out na Dad pala ni Alex, mas mabuti na daw na naka wheelchair muna si Lucy kasi kakatapos lang nya maoperahan.

Pag uwi namin dito sa Manila, tsaka lang namin nalaman na may sakit pala si Lucy. Kaya agad kaming pumunta sa ospital.

Pagdating namin dun, nakita namin ni Eron si Alex sa labas ng kwarto ni Lucy. Namayat sya at namamaga ang mata sa kakaiyak at sa kakapuyat. Kitang kita sa kanya ang pagod, puyat, gutom, lungkot pero agad syang ngumiti nang makita nya kami.

He said that Lucy survived the surgery. Noong sumilip daw siya sa CTICU, nakita daw niya sa Electrocardiographic Heart Monitor, isang machine na nag memeasure ng heart rate with a beeping sound, na nag bee beep ito. Ibig sabihin buhay siya at may regular heartbeat sya.

He told me that he bursted out in tears of joy and he hugged his Dad.

Masayang masaya kami para sa kanilang dalawa. Lucy was given another life together with Alex.

Nagbeso kami sa kanila at bumalik na kami sa mga upuan namin.

"Dude! Long time no see!" Sabi ni Eron at nag fist bump sila ni Alex.

Nasa round table kami. Medyo awkward kasi lahat kami may partners except kay Tristan.

"Cheers for a Happy Graduation!" Tristan said and raised his glass.

"Cheers!" We said and we had a toast.

Kaunti lang ininom ko. Mahirap na, baka malasing pa ako dito.

"Guys! May iaannounce sa inyo si Steph!" I said.

"Ano yun?" Tanong ni Lucy.

"Well ganito kasi yan, kami na ng mokong na 'to." She said and pointed at Jeff.

A Playful LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon