Chapter 39 (Navigation)

121 15 2
                                    

Hindi ko na nalaman ang nangyari doon sa babaeng nabangga ko. I never knew her name, her address, everything about her.

Ibinalita iyon sa TV at meron din sa dyaryo but I was too scared to check on it. Kahit minsan hindi ako nagbasa ng dyaryo o nanood ng balitang tungkol sa aksidente. Hindi na din ako kinausap nina mommy at daddy tungkol dun. Kaya hindi ko alam kung patay na ba talaga sya o kung anong nangyari sa kanya.

But I guess it's for the better. Years had passed and eventually, hindi ko na muling inalala ang gabing iyon.

*End of flashback*

**************

Eron's POV:

Bigla kong naihagis ang dyaryo. Nanginginig ako sa sobrang takot habang di ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

Ang babaeng nabangga ko ng gabing iyon ay si Kasey?! Nananadya ba talaga ang tadhana? Talaga bang pinaglalaruan nya lang kami? Kelan ba nya kami hahayaang maging masaya?

I can't believe what the hell is happening.

Agad akong bumaba ng attic at lumabas ng bahay nila. Sumakay ako sa kotse ko at nagmaneho na paalis.

Muling bumabalik sa isip ko ang mga nangyari noong gabing iyon. Argh! Bwisit!

Akala ko okay na ako. Akala ko nakalimutan ko na iyon. Pero hindi. Hanggang ngayon sariwa pa din sa utak ko ang nangyari. Pilit ko lang itong iniiwasan.

Pumunta ako sa bahay namin at ipinark ang kotse ko sa labas. It's been a while since the last time I went here. Noong ipinakilala ko si Kasey sa kanila. I guess I still can't live my life independently.

I pressed the doorbell.

Lumabas ng bahay si yaya at binuksan ang gate.

"Nandyan ba sina mama?" I asked.

"Opo sir. Nasa loob po sila." She answered.

Pumasok na ako sa loob. Binuksan ko ang pinto.

Gulat na napatingin sa akin sina Mama at Dad pagpasok ko sa loob ng bahay.

There was a complete silence for almost a minute. Nagulat talaga sila sa pagdating ko.

Nang matauhan na sila, agad silang lumapit sakin.

"Anak, anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ni mama.

"What happened Eron? Tell us." Dad asked.

I stared at their eyes for a moment and I bit my lower lip to stop my tears from falling.

"S-Si Kasey...... Sya ang babaeng nabangga ko noon..." I whispered.

Their eyes turned big. Gulat na gulat sila sa sinabi ko. Natahimik sila ng sandali.

"Ano?! P-Pero paano anak? Di ko maintindihan." Naguguluhang tanong ni mama.

"It was hard to believe at first. But the newspaper told me everything. Nakalagay doon na na hit-and-run ng isang Red Porsche 911 si Kasey Ayreen Alcantara... It was me mom. Ako ang nakabangga sa kanya." I said while tears are rolling down my cheeks.

Hindi na din nakapagpigil si mama at tuluyan na ding tumulo ang mga luha nya. Napataklob siya ng kamay nya sa kanyang bibig.

"What do you plan to do now Eron?" Tanong ni Dad habang pinipispis ang likod ni mama.

"I-I just want to be alone for now. Gusto ko munang lumayo. Away from all these shts happening to me." I said.

"At saan ka naman pupunta?" Dad asked.

A Playful LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon