Chapter 41 (Courage)

160 17 0
                                    

"Be ready tomorrow. I'll show you the old Kasey. Yung Kasey dati bago pa dumating ang lahat ng mga problemang ito. The Kasey that I loved, or will I say, the Kasey that I still love, and I will love for the rest of my life." He said and kissed my forehead.

My heart is beating so fast. Bakit ganito? Ang init ng mukha ko. Am I blushing? Gosh di ko maintindihan.

************

Kasey's POV:

"Kasey, Kasey gising na. Kasey." Sabi ng isang boses habang niyuyugyog ako.

Humikab ako at nag inat. Mumukat mukat akong tumingin sa nang aalog sakin.

"Tristan? Anong ginagawa mo dito?" I asked.

"Bumangon ka na. I cooked breakfast." He answered.

Inalalayan nya ako sa pagbangon. Pumunta na ako sa banyo at nag hilamos.

Bumaba na ako ng hagdan at pumunta sa dining room.

"Tada!" Tristan said and smiled.

Napatingin ako sa dining table. Wow. Punong puno ng pagkain! At parang ang sasarap! *o*

"Paano ka natutong magluto?" I asked.

"Tinuruan ako ni mama nung nasa San Francisco kami. Chef kasi sya." Sagot niya at hinigit ang upuan para makaupo ako.

"Thanks." I said and sat down.

Oo nga pala. Chef si Tita Gwen. At may restaurant sila sa San Francisco. Isa din yun sa mga dahilan kung bakit kinailangan ni Tristan na manatili dun.

Umupo na din si Tristan sa tabi ko.

"Minsan natulong din ako sa pag mamanage ng restaurant. Sabi nga nila, ako din naman ang mag mamana nun. Pero at the same time, di ko din naman pinapabayaan ang pagpa piano." Sabi nya at kinuha ang hawong na may kanin at nilagyan ang pinggan ko.

Ang dami ko na palang di nalalaman tungkol sa kanya. Pero it's a good thing na din na nandito sya lagi sa bahay. In that way, we can catch up things with each other.

"Hindi ba kami kasali dyan?" Pagpaparinig ni Tita. Lumingon kami sa may hagdan. Nandun sina Tito, Tita at Steph.

"Syempre po kasali kayo. Kayo pa ba." Sabi ni Tristan at tinulungan si Tita makaupo.

Hay, ang saya nilang tingnan. Para na talaga kaming isang pamilya.

Pagkatapos naming kumain, naligo na ako at sumama kay Tristan. May mga ipapakita daw sya sakin.

Sumakay na ako sa kotse nya at nag maneho na sya. Tumigil siya sa isang bakanteng lote malapit samin.

Binuksan niya ang pinto ng kotse at lumabas na ako.

"Anong ginagawa natin dito?" I asked while looking around the area.

"Noong bata pa tayo, lagi tayong naglalaro dito nina Steph. Dito mismo sa bakanteng loteng ito. Tuwing lalabas tayo pagkagaling sa klase, dito na agad tayo didiretso para maglaro." Masaya niyang sabi habang nakatingin sa paligid.

Oo nga naaalala ko na. Ito nga yung lugar na yun. Hay ang sarap sa pakiramdam.

Nilibot ko ang paligid. May mga bato na nakakalat, may mga kahoy at may mga bulaklak. Dati, nagluluto lutuan kami dito ni Steph gamit ang mga bulaklak. Tapos nagpapalayuan kami ng pag tapon sa bato. Tapos kung sino ang may pinakamalapit, sya ang taya.

It feels great to remember all those things. Ang saya dahil parang bumabalik ang pagkabata ko. Parang napunan na yung nawawalang parte sa puso ko.

I continued wandering around when I saw something very familiar.

A Playful LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon