Chapter 42 (Promise)

129 16 0
                                    

"Paano yun? Mahal natin ang isa't isa pero pag nawala ako, ano nang gagawin mo?" I asked and looked at his eyes.

"Hindi yun ang iniisip ko. Ang iniisip ko ay kung paano kita maililigtas. Hahanap ako ng paraan para gumaling ka Lucy." He answered.

"Tsh. You don't know what you're talking about." I said and looked away.

"Yes I know! At hindi ako titigil hangga't hindi ka gumagaling." He said seriously.

I was so touched. Kahit alam nyang napaka imposible nun gagawa pa din sya ng paraan. This stupid jerk.

************

Kasey's POV:

("Natagpuang patay ang isang mag asawang sikat na business owners sa Roxas Road ngayong gabi. Napag alaman silang sina Celina at Marco Alcantara batay sa ID na nakuha sa kanilang wallet. Nabangga ang minamaneho nilang sasakyan ng isang truck sa intersection ng kalsada. Napag alaman namang nakainom ang driver ng truck at ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya." Sabi sa report ng balita sa TV.

Para akong nanigas sa pwesto ko. Totoo ba ito? Totoo bang nangyayari ito? Totoo bang patay na sina mommy at daddy?

Sunod sunod ang patak ng luha ko. Hindi ako makagalaw, hindi ako makaimik.

There was a complete silence. Lahat sila ay nagulat sa nangyari.

Everything is falling apart. Hindi. This is not happening. Hindi pa sila patay. Diba Kasey? Hindi sila patay.

Parang pinipiga ang puso ko sa narinig ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Ni hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa kanila sa sinabi ko noon. Di ko naman sinasadya yun eh. Nadala lang ako ng emosyon ko. So why is this happening to me? Ito ba ang parusa ko? Is this my punishment?! Pero bakit naman kailangang mawala sila sakin? Parang nawala na din ang buong mundo ko.

Naririnig kong umiiyak silang lahat. Si Tita, si Tito, si Tristan at si Steph. I can't take this anymore.

Agad akong tumakbo palabas ng bahay. Gusto kong magpakalayo layo. Gusto kong mapag isa.

Umuulan noon at malakas ang hangin. Madilim din dahil gabi na noon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. I just want to run away from all this nightmares that's happening to me.

"Kasey! Kasey sandali! Kasey!" Narinig kong tawag ni Tristan mula sa likod. Sinundan nya ako.

But I want to be alone. Patuloy lang ako sa pagtakbo habang umiiyak at basang basa ako ng ulan. I don't care kung mamatay na ako ngayon. Wala na namang saysay ang buhay ko eh. Wala na akong mga magulang. It's like the end of the world.

Patuloy pa din sa paghabol sakin si Tristan. Biglang sumakit ang binti ko. Di na ako makatakbo ng mabilis. Ang sakit na ng katawan ko.

"Kasey! Kasey!" Naring kong tawag ni Tristan. Malapit na sya sakin.

Bigla akong tumawid ng kalsada.

*Beeeeeeeeeeeeeeeeep*

Narinig kong preno ng isang sasakyan.

Tumingin ako sa mukha nya, gulat na gulat sya, at nakakita ako ng liwanag. Sobrang liwanag, mula sa ilaw ng sasakyan.

Nakaramdam ako ng sakit. Nabangga ako ng kotse at napahiga sa kalsada. Pumikit ako at hindi ko na alam ang nangyari.)

-----------

Bigla akong napabangon sa kama ko. Para akong inalimpungatan. Pilit kong hinabol ang paghinga ko. Kinilabutan ako sa panaginip na iyon. May gusto ba itong ipahiwatig sakin?

A Playful LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon