Chapter 23 (Yes)

173 15 0
                                    

At hanggang ngayon pala di ko pa din alam ang nangyari sa parents ko. Aargh. I badly want sleep.

*************

Kasey's POV:

KRIIIIIING!! KRIIIIIIING!!

Kinapa ko yung alarm clock at pinatay. Leshe. Umagang umaga ang ingay. -,-

I got out of bed.

Kinuha ko yung bag ko dun sa may paanan ng kama. Binuksan ko ito at kinapa yung cellphone ko. Ahm...... Gotcha! Inalis ko na to sa bag. Wait, ano to? Kinuha ko yung picture na galing dun sa files nung nasa ospital ako. Hmmm. I better ask Tita about this.

I got out of my room and went down the stairs. Nilapitan ko si Tita na nasa sala habang nanonood ng TV. I guess this is the right time para magtanong.

"Tita!" I called.

"Oh yes Kasey. Bakit?" She asked calmly. Siguro pinaliwanag na ni Eron sa kanya kung bakit ako ginabi. Hindi na sya beast mode eh.

"May nakita po kasi akong picture dun sa mga..medical records ko. I'm just curious. Sino po kaya itong lalaking ito? Di ko po kasi sya maalala." I asked and pointed on the boy on the picture

Her eyes turned big. Agad nyang kinuha yung picture sakin.

"Kasey! Hindi mo dapat basta basta kinukuha ang mga bagay na hindi sayo! Don't mess with my stuff!" She said and immediately put the picture inside her bag.

"H-Ha? Sino po ba kasi yun Tita?" I asked cluelessly.

"W-Wala. He's just our neighbor when you're still young. Tapos naging magkalaro kayo. That's all! Wag mo na ulit papakielaman ang gamit ko. Okay?" She said.

"O-Okay po." I said.

Tsk. Hindi ko sya maintindihan. Tuwing magtatanong na lang ako ng mga ganung bagay, palagi na lang sya nagagalit. Sigh.

Umakyat na ako sa taas at nagbihis ng uniform. I hurriedly went to school.

************

"Ano bruha? Kamusta check-up mo?" Bungad na tanong ni Steph pagka lagay ko ng bag ko sa upuan.

"Ayun. Okay lang naman. Tapos pinuntahan namin ni Eron yung bahay ampunan na pinag ampunan sakin ni Tita." I said.

"Oh?? Ano nangyari?" She asked.

"Wala daw taong nag ampon na may pangalan ni Tita. Ang weird nga eh."

"Baka naman mali yung ampunan na pinuntahan mo!" She said.

"Hindi. Sure ako dun. Yun yung sabi ni Tita sakin eh. Pero pabayae na. Ayos na sakin yun." I said and sat down.

Maya maya pa ay dumating na si ma'am. Umupo na sya sa unahan at nagtawag ng attendance. Yun bang tatawagin yung apilyedo tapos sasabihing present. Hahaha.

"Villalon" -ma'am

"Present!"

"Villanueva."

No one answered.

Tumingin ako sa upuan ni Eron. Wala sya dun. Asan kaya sya?

"Villanueva? Are you present?" Ma'am repeated.

Hala. Asan kaya ang lalaking yun? I'm starting to get worried.

"Absent po ma'am!" Sigaw ng isa sa classmates namin.

Hayys. Di man lang nagsabi eh. Nakakainis talaga sya. Teka, bakit nga ba ako nag aalala? Tsh.

Natapos na ang klase at di pa din napasok ang lalaking yun. Hayy. Kailangan ko sya puntahan. It's one of my duties for being his girlfriend. Anudaw?! Hahaha! Baliw ka Kasey. Hay basta. Feeling ko kailangan ko sya puntahan.

A Playful LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon