Chapter 35 (Confrontation)

107 15 0
                                    

"Sabi na nga ba.... Kaya ayaw kong malaman nya. She will be hurt so much." Sabi ni Tita habang nakatingin kay Kasey.

"Does she know about everything?" I asked.

"Hindi pa Steph. Madami pa syang hindi alam." Tita answered.

"I guess it's the best for now." I said and looked at Kasey.

***********

Steph's POV:

"Tris, let's go." I said and pulled Tristan outside the bedroom.

Sumunod sya sakin at dinala ko sya sa may CR.

"Bakit? Ano bang gagawin mo?" He asked.

"Naisip ko lang kasi si Eron. Ano na lang ang gagawin nya pag nalaman nya ang tungkol sa inyo ni Kasey? Baka magalit sya kay Kasey. Tapos ito namang si Bruha malulungkot at sisisihin ang sarili nya." I said in crossed arms.

"Siguro kailangan muna natin talagang itago ito kay Eron. But what worries me more is Kasey's reaction. Baka maging totoo ang sabi ni Doctora at mag rebelde din sya." Tristan said.

"Oo nga eh. Ang dami dami nating problema." I said.

"If only she didn't lose her memories..." Tristan whispered and looked away.

"Hayaan mo na Tris. It already happened. I guess kailangan na lang nating tanggapin ang nangyari." I said and pat his back.

************

Kasey's POV:

I opened my eyes and looked around. I saw Tita sleeping on the sofa inside the room.

Siguro nakaalis na si Doctora.

Hindi na ganun kasakit ang ulo ko. Di ko alam kung bakit. Di ko alam kung anong nangyari. Basta bigla na lang akong nakatulog.

Buti na lang kalmado na ako. Nadala lang ako ng mga emosyon ko kanina. I didn't know what I was talking about. Bigla ko na lang nasabi ang mga yun. Siguro dahil na din sa nabigla ako.

But when I think of what I discovered, it really breaks my heart. Sobrang sakit pa din. I can't believe I'm engaged with another man. I can't believe I'm hurting Eron all this time.

"Kasey? Kasey anak? Are you awake?" Tanong ni Tita at agad lumapit sakin.

"Nagugutom ka na ba? I'll give you something to eat, okay?" She said.

I just nodded. Naiinis pa din ako kay Tita. Naiinis ako sa kanilang lahat. Niloloko lang nila ako. Even Steph is lying to me.

Bumaba na si Tita para kumuha ng pagkain. Pagbalik nya, may dala syang tray ng pagkain at ipinatong sa kama.

"Gusto mo anak, subuan kita? Para hindi ka na mahirapan?" Tanong nya at kinuha nya yung kutsara at isinandok sa soup.

Isusubo nya sana sakin yung kutsara pero pinigilan ko sya.

"No. I can handle myself. I don't need your help." I said and looked away.

Napatahimik si Tita ng sandali.

"Oh, okay Kasey. Kung yan ang gusto mo. Just call me if you need me." She said and got out of the room.

I know that was rude of me, pero ayaw ko pa talaga syang makausap. Baka kung ano pang masabi ko kay Tita. I want to be alone for a while.

Kinuha ko na yung kutsara at isinandok sa sopas. Isinubo ko na ito.

A tear fell down my cheeks.

Ano na lang ang gagawin ni Eron pag nalaman nya ang tungkol dito? Natatakot ako, baka magalit sya. Baka kung anong gawin nya sa sarili nya. I'm afraid he will hate me.

A Playful LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon