Two

13.3K 437 112
                                    

Point of View: Rain

Andito ako ngayon sa isang bench. Inaantay ko kasi si Ulap, sabi niya kasi dito ko daw siya antayin dahil hahatid niya daw ako pauwi sa bahay ko. Habang nag-aantay ako kay Ulap ay may dalawang naupo sa katabi ng bench na inuupuan ko. 

"Girl, May napagtripan na naman daw sila Jhope" sabi ng isa sa kanila 

"Tss. Wala na bang bago?" boring na tanong naman ng kasama niya habang nagt-text 

Medyo natawa naman ako sa sinagot niya. Oo nga naman, Wala na bang bago? Araw araw ko din kasing naririnig ang balita na yan dito sa school. Lagi namang may binubully yang mga lalaking supot. Hindi mabubuo ang araw nila hanggat wala silang nabubully. 

At isa na ako sa paborito nila. Mga hindi naman tuli.

Napansin ko naman na nagkakagulo ang ibang mga kababaihan sa medyo malayong lugar. Sino naman kaya ang pinagkakaguluhan nila, Si Ulap o si Ilong? 

Hindi ko pa pala nakwe-kwento sainyo na sikat pala si Ilong sa paaralan na ito, Gaya ni Ulap marami din siyang fangirls, Taray ng supot kong pinsan diba? Gwapo din kasi siya kagaya ni Ulap sama mo na yung mga katropa niya, Sikat din sila bilang mga bullies dito sa school. Mapababae o lalaki hindi nila sanasanto kahit ako na pinsan niya nga binubully niya. 

"Hey!" napatingin naman ako sakanya na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko

Nginitian ko siya saka binatukan "Bakit ang tagal mo!"

"Tss. Alam mo bang ikaw lang ang babaeng nakakabatok sakin ng ganto" sabi niya habang nakahawak sa batok niya 

"Tapos? Anong pake ko" sabi ko at inirapan siya 

Tumayo naman siya at humarap sakin. Pinisil niya yung ilong ko "Alam mo ang sungit mo" sabi niya habang pisil pisil padin ang ilong ko kaya naman pinisil ko din ang ilong niya 

"A-alam mo ang gwapo gwapo mo" sabi ko sakanya habang nakangiti 

Point of View: Someone

 "Alam mo ang gwapo gwapo mo" sabi ni Rain kay Cloud habang parehas nilang pisil pisil ang ilong nga isa't isa. 

Tss. Bakit ang landi nila.

"Alam ko iyon. Maganda kadin naman, Kaya nga bagay tayo. Ulan at Ulap" nakangiting sabi ni Cloud kay Rain. Kapwa naman nilang binitawan ang ilong ng isa't isa. "Ano tara na!" masiglang sabi sakanya ni Cloud

"Tss. Nagugutom na ako. Pinag-anatay mo kasi ako ng pag-katagal tagal" reklamo naman ni Rain sakanya 

"Aish. Nagtataka ako kung saan mo nilalagay yung mga pagkain na kinakain mo" 

"Malamang sa tiyan ko, Alangan namang sa puwet" sarcastic na sagot niya kay Cloud 

Ginulo-gulo naman ni Cloud yung buhok ni Rain "Tss. Pilosopa ka talaga. Pakiss nga" pag-bibiro niya dito. Pinakita naman ni Rain sakanya ang kamao niya kay cloud. 

"Suntok gusto mo? Mag-tootbrush ka muna, Tsaka patuli ka na din para maging ganap na binata kana" sabi ni Rain tinawanan lang naman siya ni Cloud

Naalis naman ang tingin ko sakanilang dalawa ng mapansin kong may tumabi sakin "Baka naman matunaw sila. Kung nakikita mo lang kung paano mo sila titigan mapagkakamalan ka talaga nag-seselos, Para kasing gustong-gusto mo nang patayin si Cloud sa mga titig mo." sabi niya 

"Tss. Bakla naman yan" tipid kong sagot at iniwan nalang siya.

Ano bang pake ko sa dalawang mahaharot nayon. 

Manyak Next Door || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon