Seven

8.5K 352 27
                                    

Point of Veiw: Jungkook

"Bilisan mo nga diyan" inis kong sabi habang katok ako ng katok sa may pinto ng banyo. Nakakainis kasi siya meron namang cr sa kwarto niya hindi pa doon naligo, Natat*e na kaya ako.

"Mamaya pa ako matatapos dito, Hintayin mo nalang!" sabi niya. Hindi naman ako makapasok sa kwarto niya dahil nila-lock niya ito kapag wala siya doon. Tingin niya kasi may magnanakaw siyang kasama dito sa bahay niya.

Wala din kasing cr sa kwarto ko. Nakakainis!

"Hindi kaba nakakaintindi? Natat*e na ako" muli kong sigaw "Lumabas ka muna diyan. Saglit lang ako" dagdag ko pa

Naramdaman ko naman na bubukas na yung pinto kaya naman lumayo ako. Lumabas siya ng bihis na at naka-dress na, Aalis nga pala kami ngayon dahil bibili ako ng pang-regalo "Ayan na, Magsawa ka kakat*e ha" sabi niya

Hindi ko naman siya pinansin dahil hindi kona talaga kayang pigilan ang sakit ng tiyan ko at sa tingin ko konting-konti nalang ay lalabas na talaga siya.

Ilang minuto lang naman ako sa cr ay natapos din ako, Umakyat ako sa kwarto ko at nag-bihis na.

Kailangan gwapo ako dahil may date kami ni Rain, Pero kahit simple lang naman ang itsura ko gwapo padin at hahabulin padin ako ng mga babae. Ewan koba sa Rain nato kung bakit hindi niya makita ang kagwapuhang ako lang ang nagtatagalay.

"HOY! SUPOT BILISAN MO NGA PARA KANG BADING SA TAGAL MO MAG-AYOS EH. HINDI KA NA NAMAN MAGBABAGO SUPOT KA PADIN KAHIT ANONG GAWIN MO!" diba? Sino namang lalaki ang magugustuhan ang babaeng yan? Napaka-inggay, Napakasadista din niyan, At higit sa lahat walang hinaharap? Sino bang tangang lalaki ang magkakagusto diyan? Sino paba edi ang nag-iisang gwapong ako "HOY LALAKING MAY MALAKING ILONG NA SUPOT BILISAN MO NA DIYAN BAGO PA MAG-BAGO ANG ISIP KO AT HINDI NA KITA SAMAHAN PA!" muli niyang sigaw

Lumabas naman ako sa kwarto dahil baka bumuga na ng apoy ang babaeng yon kapag hindi pa ako lumabas dito "Oo andyan na masyado kang atat diyan eh" sabi ko habang bumababa ng hagdan

Pagkababa ko ay nakita ko agad siya sa may sala habang nanonood ng tv, Bakit ang ganda niya yata ngayon? Tsaka bakit medyo may laman yung hinaharap niya "Tinitingin-tingin mo diyan?" tanong niya

Natawa naman ako dahil sa naisip ko "May poum ba yung suot mo ngayon?" natatawa kong sabi habang nakatingin sa dibdib niya.

Okay, Sorry pero hindi ko talaga mapigilan na magtaka, Alam ko kasi ang sukat non kaya naman masyado akong nagtataka dahil bigla itong lumaki.

Lumapit naman siya saakin at bigla niya akong binatukan ng malakas "ARAY NAMAN!" sigaw ko

"Tarantado kang manyak ka. Pati ba naman yung suot kong bra inaalam mo" galit niyang sabi "Aish bahala ka nga pumunta ka ng mall mag-isa mo" sabi niya

Aakyat na sana siya ng bigla ko siyang yakapin sa bewang niya "Oy! Sorry na" sabi ko habang nakayakap padin sakanya "Nagtaka lang naman kasi ako dahil medyo lumaki" dagdag ko pa

"Alam mo, Yang kamanyakan mo sobra na! Eh ano kung lumaki kailangan mo pa bang tanungin saakin yon!" galit niyang sabi "Tsaka alisin mo nga yang yakap mo saakin, Manyak ka talaga" sabi niya habang pilit na tinatanggal ang pagkakayakap ko sakanya

"No, Hindi ko tatanggalin ito hanggat hindi mo ko napapatawad" sabi ko at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sakanya "Sorry na kasi, Masyado ka namang madrama para yon lang" muli kong sabi sakanya

"Madrama? Siraulo ka pala talaga eh. Babae kaya ako syempre nakakasakit kana ng damdamin" sabi niya habang naiyak

Teka? Naiyak siya?

Manyak Next Door || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon