Four

10K 385 90
                                    

Point of View: Jungkook

Nagising ako dahil sa malamig na bagay na dumadampi sa aking noo. Dumilat ako at nakita ang isang magandang anghel. Nginitian ko siya at hinawakan ang kanyang kamay na ginagamit upang punasan ako ng bimpo.

"Okay na ako" mahina kong sabi sakanya

"Sigurado ka? Nagugutom kaba?" tanong niya saakin

Tumango naman ako sakanya bilang sagot "Okay, Mahiga ka nalang diyan ah. Dadalhin ko nalang sayo dito" sabi niya at akmang tatayo na sana ngunit pinigilan ko siya

"Wag mo nang dalhin dito, Baba nalang ako pag-tapos kong maligo" sabi ko sakanya "Pwede ko bang magamit ang cr mo dito?" tanong ko

"Sigurado kang kaya mo nang kumilos? Papasok kaba?" tanong niya

Tumango naman ako sakanya "Oo, Kailangan kong pumasok dahil nga may quiz tayo mamaya sa math subject natin" sagot ko sakanya

Kahit naman panay kalokohan ang nakikita niyo sa akin, Masipag akong mag-aral at magaling ako sa math.

"Oo nga pala may quiz tayo sa math? Nalimutan kong mag-review" napatingin naman ako sakanya na pakamot-kamot sa kanyang ulo

Pinitik ko naman ang kanyang noo "Aray!" reklamo niya habang nakahawak sa kanyang noo

"Tss. Kababae mong tao ang tamad mong mag-aral" sabi ko sakanya

"Kailan kapa naging tatay ko?" natatawa niyang sabi

Natawa nalang din ako at saka ginulo ang magulo naman talaga niyang buhok "Magluto kana lang ng almusal, Baka malate tayo mamaya mapagalitan pa tayo ng English teacher natin" sabi ko sakanya

Tumango naman siya saakin bilang kanyang sagot at umalis na, Napangiti nalang ako dahil sa kanya. Hindi padin siya nagbabago, Makulit padin siya kagaya ng dati at iyon ang pinaka-gusto ko sakanya.

Isang Anghel na makulit.

Tumayo na ako mula sa kama at saka pumasok sa banyo, Matapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako para tulungan si Rain na mag-handa ng aalmusalin namin.

Naabutan ko siyang nag-aayos na ng mesa "Ako na ang mag-tutuloy niyan, Maligo kana" sabi ko sakanya

Tumingin naman siya saakin "Ako na, Malapit na naman akong matapos tsaka mamaya pa naman ako maliligo pag-tapos kong kumain" sabi niya.

Umupo nalang ako sa upuan at kumuha ng sinangag na kanin at hatdog at ham, Habang nakain ako ay may nilapag siya sa tabi ng aking mesa na isang tabletas na gamot "Inumin mo yan pag-katapos mong kuamin" sabi niya at umupo sa harap ko

"Salamat ah" sabi ko sakanya

Napatingin naman siya saakin "Para saan?" tanong niya

"Sa pag-aalaga mo kagabi, Kahit na panay kalokohan ang ginagawa ko sayo inalagaan mo padin ako" sabi ko sakanya

"Supot nato ang drama, Syempre pinsan kita kaya aalagaan kita. Hahaha" sabi niya

Pinsan? Poutah!

Hindi ko nalang siya sinagot pa dahil sumulpot na naman ang salitang pinakakinaiinisan kong marinig sa lahat, Bakit sa dinami dami pa kasing pwedeng umampon saakin sila Mommy pa? Bakit sa dinami daming pwedeng maging pinsan siya pa? Diba? Ang hard ng tadhana saakin.

Nang matapos kami sa pag-kain ay ako na ang naglinis sa aming pinag-kainan dahil maliligo pa si Rain, Nang matapos kong linisin ang mesa at pinag-kainan namin ay umupo nalang ako sa sopa sa may sala at nanuod ng tv habang hinahantay si Rain. Bagal kasi ng babaeng iyon eh.

Manyak Next Door || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon