Point of View: Rain
Kring! Kring! Kring!
Tumunog na ang bell na sign na ng break time. Hindi na naantay ng mga kaklase ko na umalis ang guro namin sa unahin at nauna na sila dito lumabas ng classroom. Inaayos ko muna ang sarili ko at mga gamit ko bago ako tuluyang lumabas ng classroom.
"Rain.." napatingin naman ako sakanya habang nakataas ang isang kilay. Para namang nag-iisip pa siya ng sasabihin dahil napakamot pa siya sa kanyang batok "Ahmm.. Sabay tayo kumain" sabi niya at tumakbo papalapit sakin.
Inakbayan ko naman siya "Alam mo ulap, Para kang tanga kanina" sabi ko sakanya habang naka-akbay padin ang isa kong kamay.
"Huh? Bakit?" taka niyang tanong
"Kasi mag-kaibigan naman tayo. Close naman tayo tapos parang nahihiya ka padin na sumabay sakin sa pag-kain tuwinh break time" sabi ko naman. Nakarating nadin naman kami sa cafeteria at naupo sa isang bakanteng upuan.
"Ano gusto mo? Libre ko" nakangiti niyang sabi. Bigla namang nagliwanag ang mga mata ko dahil doon, Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ko laging gusto kasabay kumain si Cloud. Napakagalante niya, Palibhasa rits kid.
"Gusto ko ng chocolate cake at ham sandwich. Gusto ko din ng dark forest shake" walang ano-anong sabi ko sakanya.
"Okay! Sandali lang ako" nakangiti niyang sabi. Tss. Bakit kaylangan niya pang pumili kung pwede naman siyang mag-pahatid nalang ng pag-kain dito sa mesa namin? Anak naman siya ng may ari ng school ah.
Habang inaantay kong dumating si Ulap ay may nahagip ang aking magagandang mata, Yung pinsan kong manyak. Paparating sila dito kasama ang mga tropa niya. Tss.
Napairap nalang ako sakanya ng napatingin siya sa pwesto kung nasaan man ako. Haist. Bakit ba ako nag-pakita pa sa ugok na iyon. Siguradong aasarin at pag-tritripan na naman nila ako.Napansin ko naman na dumaan na sila kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Buti nalang at hindi nila ako pinag-tripan ngayon.
Hindi naman sa natatakot ako sa kanila, Pero nakaka-sawa nadin kayang makipag-away sa mga lalaking supot nayon. Lalo na si Pinsan kong may malaking ilong. Jusko. Nag-iingat din ako baka mahigop ako ng ilong niya.
"Andito na ako" napatingin naman ako kay Ulap at napangiti
"Ohmy! Hulog ka talaga ng ulap sakin, Cloud" masaya kong sabi habang nakatingin sa mga pag-kain na nilalapag niya sa harap ko. Kung hindi siguro niya ako niyaya na sabay kami hindi siguro ganito ang kakainin ko, Sopas lang siguro at tubig ang nabili ko. Mhe is poorita.
"Siguro kung hindi kita sinabayan kumain naka sopas at tubig ka na naman siguro" natatawa niyang sabi at umupo na sa harap ko.
Napa-pout naman ako sakanya "Oo. Utang-uta na nga ako sa sopas at tubig. Tatlong araw ka kasing umabsent. Ayan nag-tyaga ako sa sopas at tubig. Me is kawawa!" pag-iinarte ko sakanya
Medyo lumapit naman siya sakin at kinurot ang mag-kabila kong pisngi "Ang cute mo talaga" nakangiti niyang sabi
"Tss. Maganda ako, Hindi cute" sabi ko habang nilalantakan ang chocolate cake na binili niya
Tumawa nalang siya at sinabayan nalang ako sa pag-kain. Habang nakain kami ay may isang babae namang lumapit samin, Ay hindi sakanya lang pala. May dala dala itong isang sulat at regalo. Isa na naman siguro sa mga fangirls niya. Haha.
Kahit isa lang siyang simpleng mag-aaral sa paaralan na ito ay madami siyang fangirls. Alam niyo kung bakit? Dahil gwapo siya!
"C-cloud..." napatigil naman si Cloud sa pag-kain at napatingin sa babae, Nginitian niya ito ng pag-katamis tamis. Kaya ayun yung babae namumula na sa sobrang kilig.
"Bakit? Ano kaylangan mo?" inosenteng tanong ni Ulap sa babae
"Ah.. K-kasi g-gusto ko s-sana ibigay sayo ito" sabi ni Girl at inabot kay Ulap ang isang regalo at sulat
Kumunot naman ang noo ni Ulap "Huh? Hindi ko naman birthday ah? Haha. Bigay mo nalang sakin yan kapag birthday ko na" nakangiti niyang sabi sa babae
"A-ah. S-sige" sabi ng babae at umalis na
Tiningnan ko naman si Ulap na ngayon ay pinag-papatuloy na ang kanyang naudlot na pag-kain. Napansin niya atang nakatingin ako sakanya kaya napatigil siya sa pag-kain at tumingin saakin "Alam kong gwapo ako" nakangiti niyang sabi
"Alam ko din naman na gwapo ka" sabi ko habang nilalaro ang straw ng shake ko "Kaya nga ang dami mong fangirls" dagdag ko pa
"Isa kaba sa mga fangirls ko?" sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko
Inirapan ko naman siya "Asa! Hinding hindi mo ako magiging fangirl" sabi ko sakanya
Hindi naman talaga eh. Crush ko lang siya.
"Tss. Ayaw nalang kasi umamin na gusto niya ako" sabi niya habang nakain ng burger
"Anong sabi mo? Lakas din ng tama mo ano? Ako magkakagusto sayo? Never." pagsisinungaling ko sakanya. Naramdaman ko naman na natahimik siya dahil sa sinabi ko, May nasabi ba akong mali?
Napansin ko naman na natapos na siya sa pag-kain niya, Tumayo na siya "Mauna na ako sayo. Kita nalang tayo mamaya. Hahatid kita" seryoso niyang sabi. Tumango nalang ako bilang sagot sakanya kaya naman umalis na siya.
Tumayo nadin naman ako, maglalakad na sana ako paalis ngunit may mga supot na humarang sakin "Mga tangina, Lumayas nga kayo sa daan ko" inis kong sabi sakanila
"Ikaw ang lumayas sa daan namin" seryoso namang sabi ni Jin, Tiningnan ko lang siya ng seryoso
"Tangina, Ako kaya ang nauna sa daan" pag-mamatigas ko sa kanila
Tinulak naman ako ni Teahyung kaya naman napaatras ako ng kaunti "Aalis ka o re-reypin kita ngayon dito" pananakot niya sakin. Tss. Kala naman niya matatakot niya pa ako sa mga salita niyang iyan.
"Wow! Natakot naman ako" sarcastic kong sabi sakanya "Kung pinapadaan niyo nalang kasi ako tapos na ang usapan na ito. Mga hayup" inis kong sabi sakanila
"Hahaha. Ang g-gwapo naman naming mga hayup" sabi naman ni Jimin
"Tanga hindi ka kabilang sa mga hayup, Duwende ka!" sabi ko sakanya at inirapan siya "Alam niyo nagmamadali ako, Wala akong panahon makipag-usap sa mga supot na kagaya niyo" sabi ko sa kanila, Aalis na sana ako ngunit may humawak sa braso ko at hinarap ulit ako sa kanila
"Supot? Nakita mo na?" tanong niya sakin
"H-hindi"
"Gusto mo pakita namin sayo, Para mapatunayan na hindi kami supot" nakangisi niyang sabi "Gusto mo hawakan mo pa" nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
Ang manyak niya talaga.
"Alam mo Jungkook, Patuli mo nadin yang ilong mo baka mabawasan pa. Hayup ka! Manyak" sabi ko at tuluyan ng nag-walkout.
Mga pisti.
BINABASA MO ANG
Manyak Next Door || Completed
Umorismoyoona x jungkook ff. | bangtan series #3 Roses are red, sometimes are black. Why is your Chest as flat as your Back? - Jungkook Date Started: August 21, 2015 Date Finished: November 11, 2015 Roses are red, violets are violets. You be...