Part two: Eight

5.4K 220 58
                                    

Point of View: Jungkook

"Oo lahat ang sagot ko. Hindi kita mapatawad at hindi nadin kita mahal" parang may isang daang kutsilyo ang tumusok sa puso ko ng binitawan niya ang mga salitang iyon. 

Masyado bang malaki ang kasalanan ko sakanya para gawin niya to saakin? 

Nag-bago naba talaga siya? Ganon lang ba kadali para sakanya na kalimutan lahat ng pinagsamahan namin? 

-

"Si Jin?" tanong ko kay Nine pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng condo ni Jin

"Nasa bar" sagot niya saakin "Okay ka lang ba?" tanong niya 

Inirapan ko naman siya "Mukha ba akong okay? Psh. Bakit kung kelan kailangan ko sila doon pa sila nagtatago? Kainis!" inis kong sabi at napahampas nalang sa pader

"Si Rain na naman ba ang dahilan niyan?" bakit ba napaka-chismosa ng Siyam nato?

"Ano naman sayo kung siya nga? Sasabihin mo na naman ba saakin na ikaw nalang ang piliin ko? Ipagpipilitan mo na naman ba ang sarili mo saakin Nine? Pwede ba? Kahit anong gawin mo at kahit anong sakit pa ang maramdaman ko hindi ko ipagpapalit si Rain. Siya lang ang babaeng mamahalin ko sa buong buhay ko at gagawin ko ang lahat maging akin lang siya ulit" inis kong sabi sakanya

Ngumiti naman siya ng mapait saakin "Mukha ba talaga akong desperada noong umamin ako sayo?" natatawa niyang tanong 

Baliw yata to? "Oo! Parang ako nalang yung lalaki sa mundo noong umamin ka saakin at ipagpilitan mong ikaw nalang yung mahalin ko. Kung nakikita mo lang sana ang itsura mo maawa ka sa sarili mo" inis kong sabi sakanya

Ngumiti naman siya saakin "Sungit mo talaga saakin. Kaya gustong gusto kita. Ang swerte ni Rain dahil siya ang mahal mo pero bakit parang ang tanga niya at hindi niya makita yon?" sabi niya

Umiling naman ako sakanya "Hindi tanga si Rain. Ako ang tanga dahil hindi ko manlang siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag at ngayong wala na siya saakin ako naman tong naghahabol sakanya." malungkot kong sabi 

"Hindi lang naman si Rain ang babae sa mundo. Marami ka pang pwedeng makilala, marami pang babaeng mas better kesa sakanya kaya bakit mo pa sinasayang ang panahon mo kakahabol sakanya? Kung ayaw na naman niya sayo?" sabi niya 

"Simula ng makilala ko si Rain mga bata palang kami, nangako na ako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat mapakasalan ko lang siya. Kahit anong mangyari hindi ako susuko. Ngayon paba ako susuko kung kelan malayo na ang narating ko?" bakit ang seryoso ng usapan namin? nauutot pa naman ako? tss. mamaya na nga lang pipigilan ko muna. ilalabas ko muna tong hinanakit sa puso ko bago ko ilabas ang hangin dito sa pwet ko. "Oo nga't maraming mas maganda, mayaman, mas matalino at mas malaman ang boobs kesa sakanya, pero minahal ko si Rain sa kung anong meron siya ngayon. Mahal ko siya kahit minsan tatanga-tanga pa siya, mahal ko siya kahit parang lagi siyang may regla dahil laging ang init ng ulo niya saakin, mahal ko siya kahit hindi ko malaman kung saan ang harap at likod niya. Kahit maraming kulang sakanya basta siya ang laman ng puso ko wala akong pake kahit na hindi pa siya ang perfect na babae sa mundo." pagkatapos ng mga salitang binitawan ko, binitawan ko nadin ang hanging kanina ko pa pinipigil. shit! naamoy yata ni Nine. 

"Tungunu! Umutot kaba?" inis niyang tanong habang nakatakip sa kanyang ilong

Napatungo naman ako "Oo. Haba kasi ng sinabi ko kaya ayan hindi kona napigilan. Pasensya na" nahihiya kong sabi sakanya

Narinig ko naman siyang natawa kaya sinamaan ko siya ng tingin "Anong nakakatawa?" inis kong tanong sakanya. Lahat naman ng tao umuutot ha? Kapag hindi ka umutot ibig sabihin non abnormal ka. Tsaka isa pa dapat nga maging masaya siya dahil naamoy niya ag utot ko dahil bibihira lang to para sa gwapong tulad ko. 

Manyak Next Door || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon