Part two: Four

5K 212 72
                                    


Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin nadin saakin. Gustong gusto ko na siyang yakapin ngayon pero may isang lalaking sumulpot "Ano ba dito ang gusto mo? Strawberry o Chocolate?" tanong niya habang nakatingin sa dalawang hawak na galon ng ice cream 

"Siya ba si Rain?" napatingin naman ako kay Nine ng magsalita ngunit hindi ko siya sinagot sa kanyang tanong

Napatingin naman akong muli kay Rain at sa lalaking kasama niya "O? Sino sila? Kilala mo?" tanong sakanya nung lalaki 

Tumango naman si Rain at tumingin sa lalaki "Gusto kong parehas!" parang bata niyang sabi.

Parang hindi manlang niya ako nakita? Hindi manlang ba niya ako ipapakilala sa bago niyang lalaki? "Grabe ka naman!" reklamo ng lalaking kasama niya

"Bilis na kasi! Para yan lang naman" nakasimangot niyang sabi 

Dati ako ang sinisimangutan niya ng ganyan kapag hindi ko siya binibili ng paborito niyang ice cream pero bakit ngayon iba na? Sino ba ang lalaking yan? Matapos ni Cloud, siya naman ngayon? 

"Ehem!" nagkunwari akong naubo para naman mapansin nila ako. Bakit ko paba ginagawa to?

Diba ako din naman ang may gusto nito?

Napatingin naman sila saakin "Ayos ka lang ba Jungkook?" nagaalalang tanong saakin ni Nine 

Hindi ko naman siya pinansin at tumingin muli sa kanilang dalawa "Jungkook?" sabi ng lalaking kasama ni Rain 

Hinawakan naman ni Rain sa wrist niya yung lalaki "Tara umalis na tayo, bayaran mo nayan" 

"Siya ba yung ex mo?" pagpapatuloy ng lalaki sa sinasabi niya. Kilala niya ako?

Nilakihan naman siya ni Rain ng mata "Storm, umalis na tayo dito bilisan mo" naiinis na sabi ni Rain 

Ngumisi naman yung Storm daw ang pangalan "So siya nga yung gagong ex mo" nakangisi nitong sabi

Gago? Ako pa talaga yung gago! "Kilala mo pala ako?" nakangisi kong sabi 

Tinaasan naman niya ako ng kilay "Halata naman diba?" 

"Storm please umalis nalang tayo dito" paki-usap sakanya ni Rain 

Tumango naman ito sakanya "Oo Rain, Aalis na tayo dito dahil nakakasuka pala talaga ang mukha ng ex mo." nakangisi nitong sabi habang nakatingin saakin, alam niyo kung anong gusto kong gawin sakanya? gusto kong burahin ang mukha niya! Napatingin naman siya kay Nine na katabi ko "Bago mo? Bilis nating magpalit ah."

Napatingin din naman si Rain kay Nine at saka tumungo, magsasalita sana si Nine ngunit pinigilan ko siya "Ano naman? Siya din naman diba ang bilis niyang magpalit" sabi ko habang nakatingin kay Storm

Ngumisi naman to saakin "Gwapo ng pinalit niya sayo no? Gago ka kasi! Hahaha" sabi niya at tumawa na parang demonyo "Sana kasi hinayaan mo siyang magpaliwanag manlang sayo, hindi yung hinusgahan mo na siya agad. Ayan tuloy napunta na siya sa iba, sayang naman!" matapos niyang sabihin iyon ay tuluyan na silang umalis.

Naiinis ako sakanya dahil tama siya.

-

"Tangina talaga! Tangina! Tangina!" patuloy lang ako sa pasuntok sa pader dito sa parking lot. 

"Jungkook please tama nayan, nadugo nayang kamao mo" awat saakin ni Nine 

Ang tanga-tanga ko! Bakit ko hinayaang mawala saakin si Rain, ang babaeng pinakamamahal ko? Bakit hindi ako nakinig sa mga paliwanag niya? Bakit inuna ko ang galit ko? 

Manyak Next Door || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon