Part two: Three

5.7K 221 12
                                    


"Gago siguro si Jungkook? Mantakin mo pinaiyak niya ang babaeng gaya mo?"  

Kunot noo naman akong napaharap sakanya "Paano mo siya nakilala?" nagtataka kong tanong

Ngumisi naman siya at umupo sa isang sopa na nandito sa kwarto niya "Umiiyak ka lang naman kasi kagabi ng maabutan kita dito, Umiiyak ka habang sinasabi ang pangalan niya" para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang sinabi niya 

Umiiyak ako habang sinasabi ang pangalan niya? Ghad! Nakakahiya, lupa lamunin mo na ako now na, as in now na please! "So, gusto mo bang ikwento kung bakit mo siya iniiyakan? Siya din siguro ang dahilan kung bakit ka naglasing no?" gwapo ng chismoso naman. tss!

Inirapan ko siya "Wala kang pake! Hindi tayo close para ikwento ko sayo ang nangyayari sa buhay ko. Sige aalis na ako" sabi ko at tuluyan ng umalis ng bahay niya.

-

Lumipas ang mga araw ngunit hindi padin naalis lahat ng sakit na nararamdaman ko. Parang kahapon lang at sariwang-sariwa pa lahat sa isipan ko. Ilang araw nadin kaming hindi nagkikita siguro ay parehas naming iniiwasan ang isa't isa. 

Siya naman ang may gusto nito diba? Hindi manlang niya ako hinayaang makapag-paliwanag. 

"Hey!" napatingin ako sa lalaking tumawag saakin, Si Storm.

Tinaasan ko naman siya ng kilay "Kailangan mo? Hihingi ka na naman ng mainit na tubig?" masungit kong tanong sakanya. Araw-araw nalang siya humihingi saakin ng mainit na tubig palibhasa ang tamad niya maginit minsan ulam at kanin, kulang nalang yata tumira na siya sa bahay ko. tsk!

Tumawa naman siya at lumapit saakin "Ang galing mo talaga. Paano mo nalaman yon?" matapos niyang guluhin ang buhok ko ay agad na siyang pumasok sa bahay ko kahit hindi ko pa man siya pinapapasok.

Nasanay na ako sakanya, bukod sa kapitbahay ko siya naging kaibigan ko nadin siya. Nakwento ko nadin sakanya ang nangyari saamin ni Jungkook. Nang maikwento ko sakanya yon ay bigla nalang nabawasan ang dinadala ko, wala kasi ang bestfriend ko na laging nagpapagaan ng loob ko, hindi ko naman sinisisi si Ulap sa paghiwalay namin ni Jungkook dahil hindi naman niya kasalanan na makitid ang utak ni Jungkook pero sa kabilang banda may kasalanan din naman siya dahil kung hindi niya ako hinalikan ng araw nayon hindi ko mararamdaman lahat ng to.

"Tulala ka na naman diyan! Wag mo ng isipin yon, hindi kana mahal non. Wala kabang pasok?" bakit ba ang sakit niya laging magbigay ng payo? pero hindi na nga ba niya ako mahal kaya hindi na siya nagpaparamdam?

Napatingin naman ako sakanya saka umiling "Ikaw wala kabang pasok?" tanong ko naman sakanya 

"Wala din akong pasok ngayon" sagot niya at naupo sa tapat ko "Wala kabang pagkain diyan? Hindi kasi ako nakagpag-grocery" tanong niya 

Tingnan mo to, mas mayaman pa nga siya saakin pero siya pa tong ang hilig manghingi. Inirapan ko naman siya "Kahit naman may pagkain ako, hindi naman kita bibigyan. Umaabuso kana" 

Napasimangot naman siya "Ang damot mo naman" sabi niya at ngumuso.

Lintik! Bakit ang unfair ng life? Bakit ako kapag sumisingot at ngumunguso hindi bagay saakin pero bakit kapag sa lalaking to? Mas lalo siyang gumagwapo? Nasaan naba ang hustisya?

"Pwede ba? Bumili kana lang sa grocery ng pagkain" utos ko sakanya 

"Samahan mo ako?" 

"Ayoko nga"

"Bakit naman? Sasamahan mo lang naman ako?" 

"Sa ayoko nga, bakit ba?" sabi ko at inirapan ko siya 

Manyak Next Door || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon