Point of View: Jungkook
"Jungkook! Jungkook! Jungkook!" napatakip ako ng unan sa aking mukha ng marinig ko ng sunod-sunod ang pangalan ko. Agang-aga ang ingay-ingay niya "Jungkook! Isang tawag ko pa sa pangalan mo papasukin kita diyan, Supot!" muli niyang sigaw
Inis naman akong bumangon sa pagkakahiga at binuksan ang pintuan ng kwarto "Ano bang problema mo ha?" yamot kong tanong sakanya
Nakapamewang naman siya at tinaasan niya pa ako ng isang kilay "Problema ko? Yang katamaran mo, Alam mo ba kung anong araw ngayon?" tanong niya
Tumango naman ako "Sabado, Kaya nga natutulog pa ako eh" sagot ko sakanya
Agad naman niya akong binatukan "Ulaga ka! Porque sabado ngayon mag-damag kanang tulog" galit niyang sabi
"Aish! Alam mo inaantok ako. Mamaya nalang ah" sabi ko.
Isasara kona sana ang pinto ngunit hinarang niya rito ang kanyang paa dahilan para hindi ko maisara ang pinto. Ano ba naman to, Puyat kaya ako! "Alam mo lalaking supot na may malaking ilong, Hindi mo ako yaya para ipaglaba ka ng mga damit mo, Hindi mo din ako cook para ipagluto ka ng makakain mo at higit sa lahat bahay ko ito at nakikitira ka lang dito kaya dapat tumulong ka naman sa paglilinis!" galit niyang sabi saakin
Kinamot ko naman ang ulo ko "Okay" sabi ko at tinulak siya palabas ng pinto at nilock nang muli ito.
Humiga ako sa kama ko at ipinikit muli ang aking mata pero hindi pa man din ako nakakapikit ng matagal ay muli na naman kumatok ang babaeng hindi mo malaman kung nasaan ang likod at harap dahil sa pantay niyang dibdib "Jungkook! Tumayo kana diyan! Aalis kaya ako mamaya kaya tulungan mo naman akong maglinis ng bahay!" sigaw niya habang patuloy parin sa pagkatok.
Saan naman kaya siya pupunta?
Tumayo ako sa kama ko at pinagbuksan siya ng pinto, Pumasok naman siya at naupo sa isang sopa dito sa kwarto na malapit sa bintana "Bilis na, Maglinis ka kasi aalis ako ngayon" sabi niya, Ngayon ay hindi na siya nasigaw at sa tono ng kanyang boses ay para na siyang nagmamaka-awa
"Saan ka naman pupunta?" tanong ko at naupo sa kama
"Wala kana don, Basta maglinis ka" sabi niya
Nginisian ko naman siya "Hindi ako maglilinis hanggat hindi mo sinasabi kung saan ka pupunta" sabi ko at umaktong hihiga na at matutulog ng muli
Lumapit naman siya saakin "Kasi naman! Bilis na" sabi niya habang niyuyogyog ako
May kinuha naman ako sa ilalim ng unan ko na isang box "Saan ka nga muna pupunta?" tanong ko
"Kasi ano... Lalabas kami ni Cloud" sabi niya
Cloud? Si Cloud ba ang gusto niyang makasama ngayong araw? Yung lalaking yon ang gusto niyang makasama sa araw ng kaarawan niya? Ediwow!
Muli ko namang tinago ang box na hawak ko mula sa aking unan "Matutulog muna ako. Ako ng bahala dito sa bahay mo" sabi ko
Ngumiti naman siya at bigla niya akong niyakap sa aking leeg "Salamat talaga!" masaya niyang sabi
Nginitian ko naman siya ng pilit "Sige, Matutulog muna ako" sabi ko
Nakangiti naman siyang tumango at umalis na "Happy Birthday Rain" bulong ko pagkalabas na pagkalabas niya ng kwarto ko
Kinuha ko naman ang kahon na naglalaman ng kwintas na heart shaped at inilagay ito sa side table ko, Ano nga namang kwenta ng kwintas nayan kung hindi ko din naman maibibigay sakanya at hindi naman siya mapapasaya niyan.
BINABASA MO ANG
Manyak Next Door || Completed
Humoryoona x jungkook ff. | bangtan series #3 Roses are red, sometimes are black. Why is your Chest as flat as your Back? - Jungkook Date Started: August 21, 2015 Date Finished: November 11, 2015 Roses are red, violets are violets. You be...