Epilogue || Ending

8.5K 325 54
                                    

Point of View: Rain

After One month...

Marami nang nagbago, marami nang nangyari, marami nang ala-alang masakit. Hindi ko inaasahan na sa loob ng isang buwan maraming mangyayari, hindi ko inaasahang kahit isang buwan na ang nakalipas hindi ko padin makalimutan ang araw na sinabi niya saakin na kakalimutan niya ako. At sa loob ng isang buwan hindi padin nawawala ang sakit na dulot ng lahat ng sinabi niya saakin.

"Oo, Mabuti pa ngang kalimutan mo nang magpinsan tayo. Alam mo bang ang tagal ko nang pinangarap yan? Ang makalimutan nating dalawa na magpinsan tayo, Dahil hindi naman yon ang tingin ko sayo! Hindi pa man ako inaampon nila Mama mahal na kita at simula ng inampon nila ako ay kahit kailan ay hindi nagiba ang tingin ko sayo. Pero ngayon suko na ako! Sawang sawa na ako sa nararamdaman ko sayo kaya kalimutan nalang natin ang lahat. Wag kang mag-alala matapos ng lahat ng to, Ituturing nalang kitang ibang tao at hindi kilala. Aalis na ako sa buhay mo!"

Hindi ko alam na mahalaga siya saakin.

Hindi ko inaakala na masasaktan ako sa pag-alis niya.

Hindi ko alam na mahal ko din pala siya.

Simula ng iniwan niya ako, simula ng iwasan at ituring niya akong ibang tao, nasaktan ako ng todo at nalaman kona ang totoong nararamdaman ko. Oo, mahal ko din siya at mahal ko padin siya. Sayang lang at huli na ang lahat ng nalaman ko iyon dahil sa tingin ko iba na ang nararamdaman niya para saakin.

Lahat ng sinabi niya ay ginawa niya at napakasakit non para saakin, Ganon lang pala kadaling kalaimutan ang pinagsamahan namin? Mukha ngang kinalimutan na niya pati ang pangalan ko.

Inayos kona ang mga gamit ko nang makalabas na ang mga kaklase ko, Hays! Salamat naman at tapos na ang araw nato. Nasabi kona ba sainyo? Wala na sa skelahan nato si Ulap, Iniwan niya din ako gaya ni Jungkook pero ang pinagkaiba niya kay Jungkook ay hindi niya ako nakakalimutan kamustahin, Gabi gabi nga siyang natawag sa skype para makita lang ako.

Nang maayos kona ang mga gamit ko ay aalis na sana ako at isasara kona sana ang pintuan ng room ngunit may mga lalaking supot na umepal "Hi, Rain" malanding sabi ni Taehyung

Inirapan ko naman siya "Oh? Problema niyo na naman?" tanong ko

"Bakit mag-isa kana lang dito?" tanong naman ni Jimin

Anim lang sila ngayon, Bihira nalang din kasi nasama sa kanila si Ilong kaya ayan ako ang iniistorbo nila. Pero minsan naman mabait sila saakin, Minsan lang!

"Pito kaya tayo dito? Tanga lang magbilang?" pabara kong sagot sakanya

"Aish! Pilosopo" singit naman ng epal na baba ni Jhope

"Isa kapang tanga, Babae ako kaya pilosopa" sabi ko at imurap sakanya

Kainis sila ah! Sinisira lang nila ang araw ko. "Uuwi kana ba? Sabay kana saamin" sabi naman ni Jin

"Sus! Hindi na, Baka mamaya manyakin niyo lang akong anim"

"Ano tingin mo saamin mga manyak?" sabi naman ni Suga

"Hindi, Malala pa sa manyak ang tingin ko sainyo! Mga rapist ang tingin ko sainyo!" sigaw ko sa kanila

Napatakip naman sila sa tenga "Ang ingay talaga ng bunganga mo! Tsaka isa pa, nagbago na kami" reklamo ni Rapmonster

"Talaga lang ah?"

"Oo naman!" sabay sabay nilang sabi

"Tss. Pero hindi padin ako makakasabay sainyo, Next time nalang" sabi ko sa kanila

Manyak Next Door || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon