Point of View: Rain
Naglalakad ako ngayon papunta sa mesa ko para kumain ng may humarang na tatlong supot.
Tinaas ko ang kilay ko "Problema niyo?" tanong ko
"Eto naman highblood agad. Ikaw yata ang may problema diyan e." sabi ng pandak na si Jimin
"Oo. Pinoproblema ko yang height mo. Hindi kasi bagay sa edad mo" inis kong sabi sakanya
Napatingin naman ako sa tumawang si Suga "Oh ikaw? Ano namang problema mo bukod diyan sa makintab mong gilagid?" inis kong sabi sakanya kaya naman napatigil siya sa pagtawa
"Hahahaha! Tungunung yan, ang hard mo naman sa kanila" sabi naman ni Jhope
Inirapan ko siya "Nakakamatay yang tawa mo, Dahil lalong natulis yang baba mo" sabi ko at nilayasan na silang tatlo doon
Wala akong panahon sa mga supot na katulad nila. Buti na nga lang at hindi sila kompleto ngayon.
Nilapag ko na sa mesa ang pagkain ko at sinimulan ng kumain. "Mag-isa lang yata ang Ulan ko ngayon ah"
Napatigil ako sa pagnguya ng kinakain ko at napatingala upang makita ang lalaking halos isang buwan ko ng hindi nakikita. Ang lalaking karamay ko sa lahat ng bagay at ang kaisa-isa kong bestfriend "C-cloud?"
Umupo naman siya sa harapan ko at ngumiti, gustong gusto ko na siyang yakapi dahil miss na miss ko na siya "Kamusta naman ang ulan ko?" nakangiti niyang sabi
"Eto miss na miss na ang ulap niya" sagot ko naman sakanya
Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ako galit sakanya? Dahil nagpaliwanag naman siya saakin at pinatawad ko na siya. Hindi ko siya sinisisi sa lahat ng nangyari saamin ni Jungkook. Hindi ko sisisrain ang pinagsamahan namin dahil lang sa isang pagkakamali.
Magsasalita pa sana ako ngunit may humigit saakin patayo sa kinauupuan ko "Layuan mo siya"
"J-jungkook bitawan mo nga ako!" inis kong sabi sakanya
Wala siyang karapatang gawin to at lalong wala siyang karapatang palayuin saakin ang bestfriend ko.
Mukha namang wala siyang narinig "Bakit ka nandito?" inis niyang tanong kay Cloud
"Anong masama kung nandito ako? Tsaka isa pa dito na ako mag-aaral simula ngayon" nakangiting sabi ni Cloud
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya "Talaga Ulap?"
Nakangiti naman siya "Oo. Diba nangako ako sayong dito na mag-aaral"
Magsasalita pa sana akong muli ngunit hinigit ako ni Jungkook paalis sa pwestong iyon. Nakakainis siya, ngayon pa nga lang ulit kami nagkaka-usap ni Cloud tapos eto na naman siyang eepal.
Tumigil kami sa likod ng isang building na hindi ko alam kung anong building to. Hindi kasi ako masyadong gala sa loob nitong campus dahil wala din naman akong masyadong kaibigan dito.
"Bakit kasama mo ang lalaking yon?" galit niyang tanong saakin
Ano bang kinagagalit niya? "Bestfriend ko siya kaya ko siya kasama" sagot ko sakanya
"Tangina. Bestfriend ang tingin mo sakanya pero siya hindi bestfriend ang tingin sayo. Nakalimutan mo naba Rain? Siya ang dahilan kung bakit tayo naghiwalay. Hinalikan ka niya wala lang ba sayo yon? O talagang nagustuhan mo yon?"
Agad ko siyang nasampal dahil sa sinabi niya. Nagustuhan ko yon? Grabe talaga siya! "Alam mo hindi siya ang tunay na dahilan kung bakit nasira ang relasyon natin. Ikaw! Ikaw Jeon Jungkook ang dahilan kung bakit nasira ang tanginang relasyon natin. Kung pinakinggan mo sana ako ng mga araw nayon, kung nakinig ka lang sana hindi masisira ang relasyon natin" hindi ko na napigilan pang tumulo ang mga luha ko dahil bumabalik sa ala-ala ko ang araw ng paghihiwalay namin. Lahat ng masasakit na salitang binitawan niya saakin ng mga araw nayon "Isa pa, hindi ko nagustuhan yon para malinaw lang sayo. Hindi ako malanding babae gaya ng inaakala mo. Alam mo kung bakit ko siya kasama ngayon? Dahil natuto akong makinig at dahil nakinig ako sa paliwanag niya hindi nasira ang relasyon namin bilang mag-bestfriend. HINDI TULAD NG GINAWA MO!" matapos kong sabihin lahat sakanya ay tumakbo na ako paalis sa lugar nayon.
Noon sobrang saya ang naidudulot niya saakin, pero ngayon sobrang sakit na.
-
"Anong ginagawa mo dito Rain?" tanong saakin ni Storm
Niyakap ko siya "P-payakap ha"
Naramdaman ko naman ang kamay niya sa likod ko "Sige lang. Basta hindi chansing yang ginagawa mo ha"
Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Buti pa siya nagagawa akong pangitiin, hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi siya dumating sa buhay ko at noong mga panahong malungkot ako "Sino na naman bang nagiyak sayo? Lalo ka tuloy pumapangit e"
Hinampas ko naman siya sa likod "Ang sama mo saakin" natatawa kong sabi sakanya
Narinig ko din naman siyang tumawa "Etong gwapong to lang talaga ang nakakapag-patawa sayo" sabi niya
Humiwalay naman ako sakanya "Salamat ah" nakangiti kong sabi sakanya
"Saan? Sa kagwapuhan ko. Wala yon, inborn na to" mayabang niyang sabi
Hinampas ko naman siyang muli "Kapal mo. Hindi para don."
"Para saan naman pala yung thank you mo?" tanong
"Para sa pagpapatawa saakin"
Ginulo naman niya ang buhok ko "Basta ikaw! Kahit sabihan mo nalang ako ng gwapo, solve na ako don" nakangiti niyang sabi
Gwapo niya talaga, lalo na kapag nakangiti.
"Libre mo muna ako ng pagkain? Gutom na ako tsaka ayoko muna sa bahay" sabi ko sakanya
Inakbayan naman niya ako "Gusto mo dito ka nalang muna sa bahay ko. Tabi tayo matulog" sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko
Binatukan ko naman siya "Alam ko yang iniisip ng utak mo. Bwisit ka"
"Gusto mo naman yung iniisip ko? Luh. Asa ka hindi napatol ang gwapo sa pangit na gaya mo" pang-aasar niya saakin
Inirapan ko naman siya "Psh. Kapal mo. Crush na crush mo naman ako"
Nag-inarte naman siyang parang nasusuka "Paki-ulit nga ng sinabi mo? Parang nabingi ako e"
Sinamaan ko naman siya ng tingin "Wag ka pang umayos diyan, aalis nalang ako"
Umayos naman siya "Joke lang naman hehe. Tara na nga lilibre nalang kita ganda" sabi niya
Point of View: Jungkook
Napatingin ako sa wall clock na nakasabit dito sa sala "Shit naman Rain nasaan kana ba? 10 na wala ka padin" nag-aalala kong sabi
Kanina pa ako nakaupo dito sa sopa at hinihintay si Rain pero kanina padin siya wala. Matapos ang pagtatalo namin kanina ay hindi ko pa siya nakikita. Ang tanga ko naman kasi bakit ko paba sinabi yon sakanya? Tama naman siya, kasalanan ko kung bakit nagkaganito ang relasyon namin.
Naramdaman ko naman ang pagbukas ng pinto kaya naman napatayo ako sa pagkaka-upo "Bakit ngayon ka lang?"
Halata namang nagulat siya dahil saakin "Ano namang pake mo?" taas kilay niyang sagot
"Jusko! Rain, ilang oras akong naghintay at nag-alala sayo. Wala ka man lang pasabi kung saan ka pumunta" inis kong sabi sakanya
"Wala naman akong sinabing hinatayin mo ako at lalong wala akong sinabing mag-alala ka saakin. Malaki na ako kaya kaya kona ang sarili ko hindi naman kita magulang para sayo ako magpaalam at magsabi kung saan ako magpupunta at isa pa hindi din naman kita boyfriend diba? Kaya pwede ba? Tumigil ka sa pag-aalala mo saakin dahil hindi ko yan kailangan" walang emosyon niyang sabi saakin
Ibang klase!
Ibang-iba siya sa Rain na kilala ko? Nasaan na yung Rain na minahal ko? Sino tong Rain na kaharap ko ngayon?
Aalis na sana siya ngunit hinawakan ko siya sa wrist niya "Bakit ka ganyan Rain? Hindi mo ba ako mapatawad? Hindi mo naba ako mahal?" tanong ko sakanya
Humarap naman siya saakin ng walang emosyong makikita sa mukha niya "Oo lahat ang sagot ko. Hindi kita mapatawad at hindi nadin kita mahal"
Tangina!
-xxx
A/N: sa wakas naka-update din ako. pasensya na sa mga naghihintay, nagbakasyon kasi ako pati ang utak ko kaya isang linggo akong hindi nakapag-update.
BINABASA MO ANG
Manyak Next Door || Completed
Humoryoona x jungkook ff. | bangtan series #3 Roses are red, sometimes are black. Why is your Chest as flat as your Back? - Jungkook Date Started: August 21, 2015 Date Finished: November 11, 2015 Roses are red, violets are violets. You be...