Part two: Two

6.2K 229 60
                                    

Point of View: Suga

"N-niloko n-niya ako! M-matapos kong i-bigaya sakanya lahat! S-iya l-ang ang b-babaeng m-minahal ko" naiyak na sabi ni Jungkook

Hindi ko alam kung maawa ba ako dahil nakikita ko siyang ganyan o matutuwa ako dahil nakikita ko siyang ganyan? Kanina niya pa sinasabi yan at kanina padin siya nainom. Ngayon lang namin siya nakitang ganito sa ilang taon naming magkakasama at hindi namin inaasahan na magkakaganito siya sa isang babae lamang. Para gusto na nga niyang tapusin ang buhay niya kanina. "Iuuwi niyo na nga yan, lasing na yan o!" sabi ni Jin 

Nandito kami ngayon sa condo niya, kasi naman kanina sa bar balak pa yata niyang makipag-basag ulo ka naman napilitan kaming dalhin nalang siya dito. "A-ano b-bang nagawa kong mali? Minahal ko naman siya ha?" pagpapatuloy niya sa sinasabi 

Tumayo naman si Jin sa kinauupuan niya "Matutulog na nga ako, nabibingi na akong pakinggan yan! Paulit-ulit nalang tss" sabi niya at pumasok na sa kwarto 

Napatingin naman ako kay Jimin "Anong gagawin natin sa brokenhearted nato?" tanong ko 

Nagkibit-balikat lang naman siya "Malay ko" 

Umupo naman si Taehyung sa tabi ni Jungkook at inakbayan to "Bakit kasi hindi mo manlang pinakinggan si Rain?" tanong niya dito. 

Natawa naman siya habang naiyak padin. Siraulo natong lalaking to! "P-paliwanag? P-para saan pa? A-alam ko namang magsisinungaling lang naman sha!" 

"O? Yun naman pala e! Wag mo na ngang gawin tanga yang sarili mo" inis na sabi ni Jhope at nilinis ang mga bote ng alak na wala ng laman. 

Tumayo naman ako at kinuha ang susi ng sasakyan niya "Ihahatid na kita sainyo" sabi ko sakanya 

Umiling naman siya "A-ayo-ko pa! Sha con-do mo nalang ako, Shuga!" nakapikit niyang sabi 

"Tangina talaga niyan, nagpaloko sa ibang babae! Grabe! Tanga-tanga" natatawang sabi ni Rapmonster at tinulungan maglinis si Jhope. 

Kapag iniwan naming marumi ang lugar niya tiyak hindi na kami makakapunta pang muli dito. Sa aming pito, siya kasi ang pinaka-maraming beers, foods etc. Kaya mas madalas kaming nandito sa condo niya pero ayaw niyang iniiwan lang naming madumi ito pagkatapos.

"Kung iwan nalang kaya natin siya dito? Papayag naman si Jin" sabi naman ni Jimin

Napatingin naman ako kay Jungkook na ngayon ay tulog na. Kaawa-awang lalaki! "Tara na nga, sigurado naman akong maiintindihan na tayo ni Jin kung bakit iniwan natin yang lalaking yan" yaya ko sa tropa ko

Point of View: Jungkook 

"Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!! Magnanakaw! Magnanakaw! Magnanakaw!" napabangon ako sa pagkakahiga ko 

"Magnanakaw nasaan?" aligaga kong tanong sakanya

Sino ba siya?

"Ikaw! Magnanakaw ka! Magnanakaw! Magnanakaw!" ako magnanaka? gwapo ko yata para maging isang magnanakaw. 

Mas gusto kong maging rapist, tsaka ano namang mananakaw ko dito sa condo ni Jin? Kaya ko din namang bilhin ang binibili niya.

Magsasalita pa sana ako ngunit biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Jin at niluwa ang bagong gising na Jin "What the hell! Agang-aga ang in-Nine?" napatingin naman ako sa babaeng nakatayo malapit sa may pinto. Nine?

 Nine?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Manyak Next Door || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon