Chapter 20
Eliza Point of view
"Mathew ano ng napag-usapan ninyo tungkol kala Cathy pati Samantha?" tanong ko pagkapasok pa lang ng Asawa ko sa kwarto
"Gusto nila na hulihin si Samantha para ikulong at bigyan ng parusa dahil sa pagtakas nya"
"Pero Mathew wala naman syang kasalanan, oo alam nating nagtago sya ng isang mortal sa bahay nila pero gusto lang nya protektahan ang taong iyon kaya hindi nya sa atin sinabi ang tungkol doon"
"Yan din ang sabi ni Akim pero kahit sya mismo ang pinuno ng Bishop ay walang bumuto sa kanya kahit isa kaya wala akong nagawa kundi sundin ang gusto ng ibang Bishop"
"Mathew ikaw ang King kaya dapat hindi mo sinunod ang gusto nila dahil may sapat na dahilan si Samantha kung bakit nya iyon nagawa"
"Sorry Eliza pero nasabi ko na, siguro pinautos na ng mga Bishop na libutin ang buong Bermesiah"
"Tungkol kay Cathy, anong napagdesisyunan ninyo?"
"Gusto ni Adana na magpadala ng maghahanap kay Cathy sa mundo ng mga tao para hulihin at dalhin dito"
"Pati ba naman yun wala kang nagawa!"
"Napamahal na rin sa akin si Cathy kaya inutos ko na huwag munang isipin ang tungkol sa kanya kundi kay Samantha na hanggang ngayon nagtataka pa rin kami kung paano sya nakatakas ng kulungan na hindi man lang nasira ang kadena na itinali sa kanya pati na rin ang nakapalibot sa kulungan"
"Mathew alam mo naman siguro na matagal na nating napansin na may kaparehang kwintas at kakaiba ang suot ni Samantha kaya siguro yun ang dahilan kaya sya nakatakas ng tahimik"
"Pero imposible na mapunta sa kanya ang kwintas ni Richard na dating Prinsipe"
"Mathew matanong kita anong balak mo kung sa oras na malaman mo na ang kwintas na suot ni Samantha ay ang kwintas nga ni Richard"
"Gagawin ko ang lahat para maagaw sa kanya yun kahit kailangan ko pa syang patayin mapasaakin lang iyon"
Bigla naman ako nakaramdam ng kaba at gulat ng marinig ko ang sabihin nya
Kailangan ko na talagang makita at makausap si Samantha na huwag ng bumalik sa lugar na ito dahil baka manganib ang buhay nya
"Sige Mathew maglilibot-libot lang muna ako saglit"
"Sige Eliza mag-iingat ka"
Lumabas kaagad ako ng kwarto para pumunta sa underground ng palasyo kung saan dun ako dadaan patungo sa Ellia
Pagkarating ko sa baba ay tinignan ko muna ang paligid kung may mga kawal ba nandito lang sa baba at nagbabantay
Matapos kung pagmasdan ang paligid ay hinawakan ko na ang suot kong kwintas sabay sabing "Dalhin mo ako sa Ellia"
Pagkatapos kong sabihin ang salitang iyon ay bigla na lang may lumitaw sa harapan ko na portal kaya naman agad akong pumasok doon
Pagkapasok ko sa portal ay bigla naman ako lumabas sa isang pamilihan na halos mga ordinaryong wizard o mga lahing wizard na walang masyadong kakayahan na gumamit na kapangyarihan ang nakikita ko
Sa pagdating ko dito sa Ellia ay bigla ring nag-iba ang damit ko dahil nakasuot ako ngayon na parang pang Wizard
Sinimulan ko na ang paglalakad at nagbabakasakaling matagpuhan ko dito si Samantha
Mukhang mahihirapan ako, nasa pamilihan kasi ako napadpad ibig sabihin maraming ako nakikita ngayon na pwede ako mapansin
"Manang magkano po dito" familiar sa akin ang boses na iyon kaya naman sinundan ko kung saan ko narinig ang boses na iyon
BINABASA MO ANG
Immortal Love(On-going)
VampireSubaybayan ang kwento ni Cath kung saan makakarating sya sa mundo ng mga tao kasama ang mortal na si Kyle na isa palang Playboy habang hinahanap naman silang dalawa ni Prince Mathew na isa namang prinsepe sa kaharian ng Bermesiah. Alamin din ang pag...