Immortal Love Chapter 18 - First Encounter

93 5 0
                                    

Chapter 18

Cathy Point of View

Makalipas ang ilang minutong biyahe ay nakarating na rin kami sa Mall at medyo malaki-laki ito, hindi ko alam kung anong klaseng Mall itong pinuntahan namin pero mas pinili ko na lang na hindi na tanungin kay Kyle dahil hindi naman mahalaga kung malaman ko kung anong tawag sa Mall na ito

Matapos ipark ni Kyle ang kotse nya sa parking lot ay sabay kaming bumaba ng kotse at naglakad papasok ng Mall, nasa likuran lang naman nya ulit ako habang sya diredirecho sa paglalakad

Napansin ko naman na habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami na ilang babae kaya naman pinaringgan ko na rin ang pag-uusap nila, nacucurious kasi ako bakit parang kinikilig sila na ewan

"Girls look oh he's Kyle right?" Girl 1

"Oo nga si Kyle nga" Girl 2

"Kahit kailan talaga ang pogi-pogi nya" Girl 3

"Teka kasama kaya nya yung babaeng nasa likuran nya?" Girl 4

"Wait, diba bali-balita na lumubog yung yate na sinasakyan nya at patay na sya" Girl 5

"Patay ka dyan! look naman oh kitang-kita ng dalawa kong mata na he's a live" Girl 1

"Hoy huwag ka ngang ganyan baka gusto mong ikaw ang patayin namin" Girl 2

"Apat kami isa ka lang" Girl 3

"Oh anong gusto mo, sabunutan ka naman palabas ng Mall o kakaladkarin ka na lang namin" Girl 4

"Teka-teka ang iinit naman ng ulo nyo, oh sya sige buhay na sya pero magpasalamat na lang kayo at mukhang wala naman nangyari sa kanya ng masama" Girl 5

"Tara na nga umalis na tayo dito at baka di ko mapigilan ang sarili ko at lapahin ko yan si Kyle" Girl 1

Patuloy lang sa paglalakad si Kyle hanggang sa may naramdaman ako kaya naman huminto muna ako sa paglalakad at pinagmasdan ang buong paligid ng Mall

Hindi ako pwedeng magkamali presensya yun ng isang bampira, naalala ko naman ang sinabi sa akin ni Mama na kami ang dahilan kung bakit maraming tao ang namamatay

Kaya kailangan kong hanapin ang bampirang iyon para siguraduhin na wala syang papatayin kahit ni isang tao, pero bago ko yun hanapin kailangan ko munang magpaalam kay Kyle

"Kyle" sigaw ko, medyo malayo-layo kasi sya sa akin

"Anong ginagawa mo dyan?" sya sabay lingon sa akin at nagmadaling naglakad para lapitan ako

"Kyle sandali lang ah may hahanapin lang ako saglit"

Immortal Love(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon